Chapter 25

66 20 6
                                    

Chapter 25- Uto-uto


Inupo ako ni Raven sa round table namin na may red satin cloth. Pina inom niya muna ako ng tubig, kaya uminom ako. Bumilis ang pag hinga ko. Bakit ba siya gano'n? Ano ba ang ginawa ko? Kaya ba siya galit, dahil padin sa nangyari no'ng gabing iyon? Pero, pinag sisihan ko na 'yon! Sising sisi na ako!

"Shh... Xien, kalma ka lang, okay? Shh..." Hinahagod ni Raven ang likod ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Parang kinukurot ang puso ko sa sama ng loob. Ni-minsan ay hindi ako nagreklamo sa kung ano lang ang binibigay nila sa akin pero hindi ko din naman maiwasang sumama ang loob. Ayokong isipin na paboritong anak nila si Eliza pero kahit saan banda tignan ay gano'n ang nakikita at naiisip ko.

Umihip ng malakas ang hangin na siyang nakapagpabalik lahat ng ala-alang matagal ko ng kinakalimutan. It's been five years for fuck's sake! Pero bakit galit padin sa akin si mommy? Si daddy nga hindi na galit sa akin, eh!

Huminga ako ng malalim tska tumayo, Tumayo din si Raven at sumama sa akin. Pumunta ako sa kusina at nakita kong ando'n sina mommy, daddy, at Eliza. Nag uusap at nag yayakapan sila. Ngumiti ako at nilapitan si Eliza.

"Happy Birthday, Eliza." Bati ko, at niyakap siya. Hindi ako nakikipag plastikan, oo aaminin ko, masama ng loob ko pero birthday padin ito ng kapatid ko.

Agad agad siyang umiwas yakap namin at inirapan ako. Nagkibit balikat nalang ako, at least nga hindi ako nakipag plastikan.

"Hayaan mo na ang ate mo, Xien." Ngiti ni daddy sa akin. "Halika, mag usap tayo. Kumusta ka na b--"

"LOUIGIE!" Sigaw ni mommy. Umiling nalang ako tapos pina punta na si daddy doon, pwede naman kami mag usap bukas.

"Halika na," sabi ko kay Raven tapos ay sumunod na kami kila mommy.

Umupo kami sa family table namin, sa harap na bahagi ng mini stage. Nakita kong nakatayo na si mommy at daddy doon, si Eliza naman ay nasa likod pa ng stage. Hinawakan ni mommy ang mic.

"Good evening everyone! Tonight, we are gathered here to celebrate our daughter's 24th birthday! Let us all welcome our princess, Elizabella Grey!"

Kasabay no'n ay ang Paglabas ni Eliza at palakpakan ng mga kamag-anak namin. Parang kinurot uli ang puso ko, pagdating talaga kay Eliza ang sigla sigla ni mommy. Ngumiti nalang ako at sumabay sa palakpakan. Pina upo si Eliza sa golden chair sa gitna na parang upuan ng mga hari tapos nilagyan siya ng crown, para siyang nag cecelebrate ng debut uli.

Tuwang tuwa ang kapatid ko, kitang kita iyon sa mga mata niya. Pinasadahan niya ng tingin ang buong lugar na parang may hinahanap siya. Nang huminto ang mga mata niya sa mata ko ay Umismid siya sa akin at inirapan ako.

"'Yang kapatid mo talaga. Ewan." Bulong ni Raven.

"Hayaan mo nalang," ngiti ko sa kaniya.

Pumila ang mga kamag anak namin tapos sunod sunod na iniabot ang gifts nila. Inayos iyon ng mga maids at pinalibot sa upuan kung saan naka upo si Eliza, puro kamag anak sa side ni mommy ang nag bigay. Hindi ko nga alam kung may nag bigay ng regalo kay Eliza sa side ni daddy, eh.

Wala akong gift na ibibigay kay Eliza dahil alam kong itatapon niya lang iyon. Tska, sapat naman na siguro ang pumunta ako dito, hindi ba?

After bigyan ng gifts ay pinakain muna ang mga bisita. Konti lang ang kinain ko dahil hindi naman ako gutom.

"Xien, come with me." Mariing sabi ni mommy.

Tumango ako at sinabing susunod na. "Raven, saglit lang ha? Kain ka lang diyan."

Broken Boy meets Broken Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon