Chapter 30

91 20 1
                                    

Chapter 30- For Everything


Matamlay akong lumabas sa guest's room nila Raven at kinatok ang kwarto niya. Medyo puyat ako at inaantok pa pero kahit anong gawin ko, ay hindi ako makatulog. Sa sobrang pag iisip ko ay halos isang oras lang yata ang naitulog ko. 6:00 AM palang ngayon at sigurado akong tulog pa siya.

Naka lipas ang thirty minutes bago niya buksan ang pintuan ng kwarto niya.

"What? Ang aga aga pa, Xien! Jusko naman!" aniya habang kinukusot ang mata.

Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at umupo sa mini couch. Hikab siya ng Hikab hanggang sa humiga uli siya sa kama niya.

"Help me, Rave."

She raised a brow. "What?"

"Help me. Maaga kasi nag text si Apollo tapos ay inimbitahan niya ako makipag date sa kaniya buong araw!" napa taas ng tono ang desperado kong boses. Napakamot nalang ako ng ulo. Ano ang gagawin ko? Hindi ko pa siya kaya makita o makaharap!

Napa kamot nalang din ng ulo si Raven. "Ewan! Kay-aga aga, problema agad! Parang teleserye ang buhay mo, jusko." sabay talikod sa akin kaya binato ko siya ng unan.

"Come on! Mag suggest ka naman ng gagawin ko!"

Bumaling siya sa akin at inirapan ako. "Shut your mouth and solve your own problems!" sabay talikod uli at balot ng kumot sa katawan niya.

Umirap nalang ako habang papalabas sa kwarto niya. Bumuntong hininga ako nang maka pasok ako muli sa loob ng kwarto. What will I do now? Tatanggihan ko ba siya or what? Mahirap panaman magsinungaling kay Apollo, dahil nahahalata niya agad.

Kinagat ko ang kuko ko habang ikot ng ikot. Tulirong tuliro ako. Think, Yvanna! Think! I have to make an excuse! Hindi ko pa kaya siyang makaharap. Kung sabihin ko nalang kaya na masama ang pakiramdam ko? Oo! Tama 'yun nalang!

Habang nag iisip ako ng ire-reply sa kaniya ay tumawag na siya. Halos mapatalon pa nga ako, eh.

"Babe," malambing ang boses niya.

Napa pikit ako ng mariin at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko talaga kinakaya kapag siya na mismo ang sumusuyo at nag lalambing sa akin. Dahil tuwing ginagawa niya iyan ay parang gusto ko nalang sumuko at lumuhod sa harap niya.

"Y-Yeah?" nanginginig kong sagot.

"Did I woke you up? I'm sorry, it's just that... I really miss you. Your kisses, your hugs, your voice, your scent." aniya at halos mangisay ako sa kilig. Damn! Nakakalimutan ko tuloy na may kasalanan ito sa akin.

"Aww... Hindi mo ako na-miss?" tanong niya. Paano ko ba ito sasagutin?

Narinig kong humalakhak siya. "Haayys. Nangingisay ka nanaman sa kilig." Napakagat ako ng labi at pinaypayan ang sarili. 'Di ko na kaya! Sasabog na ako!

"Oh! Nagpapaypay ka pa! Tsk,"

Kumunot ang noo ko at sumilip sa bintana. Wala naman ang sasakyan niya dito, ah? Tska hindi naman niya alam na nakina Raven ako. Unless, may sinabi si Raven?

"Uyy! Hinahanap ako!" lalong kumunot ang noo ko. Saan ka ba nagtatagong lalaki ka?

"'Wag mo ikunot 'yung noo mo, babe. Na-iin love ako." maarte namana ng boses niya ngayon.

"Hay! Ewan ko sa'yo, Atkins! Kung saan kamay nagtatago, umalis ka na. Masama pakiramdam ko." sagot ko sabay takip no'ng kulay violet na kurtina sa bintana.

"Masama daw? Tss! Paano hindi sasama, eh kinikilig ka. Admit it, Mrs. Atkins."

Binabaan ko nalang siya ng tawag. Ba't ganoon? Kanina nag iisip ako ng dahilan para hindi siya makasama pero ngayon, parang bumitaw nanaman ako?

Broken Boy meets Broken Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon