Chapter 2o- Make me jealous
Sa sumunod na mga araw ay naging busy ako sa pag-paint. Nagkulong ako sa unit ko at Panay naman ang dalaw ni Apollo. Kahapon ay ginulo niya ako sa pag paint ko, at pagkatapos ko mag paint ay naligo kami ng pintura kaya dumumi ang buong unit. Kaya pina-linis niya ito.
Ngayon ay 'andito nanaman siya. He's tickling me, while I, on the other hand, is busy painting. Pang-apat na painting ko na ito. Thursday na ngayon at sa Monday na ang birthday ni Eliza. Balak kong isama si Raven sa party dahil kailangan ko ng kakampi at kasama. Don't get me wrong, I'm not scared at my sister and mommy. It's just that, I need Raven to accompany me para makalma ako kung may mangyaring hindi maganda.
Napa-tigil ako sa pag-paint no'ng naramdaman ko ang malamig na pintura sa kaliwang pisngi ko. Hinarap ko si Apollo na nasa kaliwa ko at busy sa pag dip ng index finger niya sa kulay violet na pintura. Sumulyap ako sa salamin at nakita do'n ang maikling horizontal line na kulay violet sa ilalim ng mata ko sa kaliwang pisngi.
Hinarap ko si Apollo at nakita ko siyang may ka parehas na pintura sa kaliwang pisngi niya. Nilabas niya ang phone niya at nag picture kaming dalawa. Tapos ginawa niyang wallpaper ng home screen ng phone niya. Kumuha siya ng isang triangle ng Toblerone sa tabi niya at sinubo sa akin tapos ay kumain din siya.
"Mamaya na 'yan, Luxien." Sabi niya habang nginunguya ang chocolate sa bibig.
"Anong mamaya na? Ayoko nga!"
Pinag patuloy ko ang pag-pinta. Bigla niya ako hinalikan sa pisngi kaya napa-tigil ako. Binalibag ko siya ng paintbrush. "Leave me alone, Atkins."
He smirked evily. "You want to play paints?"
"NO, THANK YOU!" I yelled then focus on painting again.
Namilog ang mata ko no'ng naramdaman ko ang medyo malamig na pintura na umaagos mula sa ulo ko pababa sa katawan. Bumaling ako sa kaniya at nag peace sign lang siya sabay kindat sa akin. How can he make me pissed and make me fall for him at the same time?
I rolled my eyes and continue painting, again. Napa mura ako no'ng binalibag niya ako ng unan. Wow! Just... Wow! Naliligo ako sa pintura and at the same time, may mantsa na din ng pintura sa unan ko!
Tignan natin kung hanggang saan ang makakaya mo.
Hindi ako nag-paapekto at nagtuloy padin. Pinag-baba-bato niya ako ng unan pero hindi ako na-titinag. Let's see what an Apollo Caiden can do. Naisip ko tuloy mag exhibit ulit. Dadagdagan ko nalang ang artworks ko. I just hope it'll turn out good.
He keeps on throwing pillows at me.
He laughed loudly. "Come on, babe! Nagseselos na ako sa canvass na iyan. I want your attention on me, Luxien."
Nagpanggap akong walang naririnig. Tinuloy ko pa din ang pag-paint ko. What should I call this? Ah! Wild Rose would be perfect. Kasi pinag-halo ko ang iba'y ibang light and dark colors ng petals tapos sa ibaba nung stem ay may mga shadows ng tao.
"Babe! You would regret doing this to me." Singhal ni Apollo.
And for the final touch, I added color gold at the top of the rose. Then All I have to do is write my signature at the down corner of the canvass. I was about to write my signature when Apollo carried me like a sack of rice.
"You've been warned." Seryoso niyang sabi.
Binagsak niya ako sa Kama na katabi ng painting ko. He locked his both hands into mine, he pinned me on the bed. Then he looked straight to my eyes. I can smell his scent, his breath, his everything! Kinulong niya din ang mga binti ko, gamit ang mga binti niya.
YOU ARE READING
Broken Boy meets Broken Girl
RomanceShattered Hearts Series: #1 ✔️ (Editing...) "Broken sticks, broken promises, broken hearts. So many broken things in the world, but the world chose the two of us to meet-up." If your family doesn't consider you as a member, what would you do? If the...
