Chapter 28

70 19 0
                                    

Chapter 28- Napaka sinungaling


Nanginginig akong pumasok sa kwarto niyang naka bukas. Hinagis niya ang phone niya sa kama at bigla siyang napatingin sa akin. Nanghihina ang binti ko. Totoo ba ang narinig ko? Please sabihin niyong hindi! Kasi  hindi ko alam ang gagawin ko kung totoo 'yon.

"Oh, kanina ka pa?" Taas kilay niyang tanong.

Natahimik ako. Ang bilis ng hininga ko at pinagpapawisan na ako. Ang dami kong gusto itanong, ang dami kong gustong gawin pero nanatili akong tahimik at nanigas nalang. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. At para na akong nauubusan ng hangin.

"Oo," sagot ko nang sawakas ay nakapag salita na ako.

Ngumisi siya. "Good."

Lalo akong nanginig sa narinig ko. Litong lito ako. Si Eliza ba ang ex ni Apollo? Siya ba? At ano 'yung narinig ko? Gusto niya daw bumalik sa Apollo?

"Eliza--"

"OO. Oo, Xien. Kahit anong tanong pa 'yan, Oo ang sagot ko. Ex ako ni Apollo at oo mahal ko pa siya."

Napakagat ako ng labi. Bakit hindi sa akin sinabi ni Apollo? Bakit niya tinago? Bakit?

"Oh, nagulat ka ano?" Humalukipkip siya at lumapit sa akin, tapos inikutan niya ako. "Kikilalanin kasi ang bino-boyfriend, ha?" Ngumisi siya. "Tsk. Tsk. Kawawang, Xien. Tsk. Tsk."

Nanigas ako lalo. Eto na ba ang kinakatakutan ko? Kasi kung ito 'yun, hindi ko alam kung paano ko i-ha-handle. Sobrang hirap.

"Ito ang tatandaan mo, Xien." Tinuro niya ako, "Pahiram ko lang si Apollo sa'yo. Kaya 'wag na 'wag mong isipin na sa'yo siya babagsak. Dahil simula palang, akin na siya, nakihati ka lang, naki-agaw kung baga."

Unti unti uminit ang gilid ng mga mata ko. Napa pikit ako ng mariin. Ang sakit. Sobrang sakit. Unti unting bumuhos ang mga tanong sa isip ko. Unang una sa lahat, bakit hindi sinabi ni Apollo? Ano? Naduwag ba siya? Ano? Dahil mahal niya pa si Eliza? At fake lang iyong pagmamahal niya sa akin? Aba'y gago pala 'yon!

Ano akala niya, maitatago niya sa akin 'to habang buhay? Aba, nagkakamali siya dahil walang sikretong hindi nabubunyag. There will always be a way.

Imbes na ipakita ang galit na galit na mukha ko ay tumawa nalang ako. I laughed sarcastically para lalo siyang mabaliw. Hindi ang isang katulad mo, Eliza ang makakapagpabagsak sa akin. No.

"Why are you laughing?" She asked, a little tensed.

I raised a brow while laughing sarcastically. "You're out of your mind. God! Kinakalawang na ba ang baliw mong utak, Eliza?" Pumalakpak ako. "Alam mo bang pasado ka sa isang teleserye? Idol na tuloy kita.

"Ano ba ang sinasabi mo?!" She said through gritted teeth.

"I don't care kung Pahiram mo lang 'yang lintek na ex mo." Nakita ko ang pagka iba ng ekspresyon ng mukha niya. "Bakit?" I asked then laughed. "Because I'm just playing a game. A fucking game, Eliza." This time, ako naman ang umikot sa kaniya. "Pinaglalaruan ko lang si Apollo."

She froze. Lumunok siya ng malalim at na-sense ko na tuliro na siya. Good. Sinagot niya ako at akmang sa sampalin ng umiwas ako. You don't have the right to slap me, bitch!

"Lumapit ka sa'kin! You... Bitch!" Sigaw niya at hinabol ako pero panay ang atras ko para 'di niya ako abutan. Lalapit siya at aatras ako, and the cycle goes on. "Fuck you! Pinaglalaruan mo lang si Apollo?!" Sigaw niya. Gosh! This girl's really in love.

"Oo, Eliza. Oo! 'Di mo ba narinig?" Tanong ko habang umaatras pa din.

"Damn! Wala kang karapatan saktan at paglaruan ang mahal ko! Hinding hindi mo na siya makukuha! Sisiguraduhin kong mababawi ko siya sa'yo, kasi akin siya, Xien! AKIN!" She yelled.

Broken Boy meets Broken Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon