Chapter 39

65 17 0
                                    

Chapter 39- Last Shot


Naka idlip ako at pag-gising ko ay mapayapa padin siyang natutulog. Naka-yakap padin ang kaniyang braso sa akin. Marahan kong sinuklay ng kamay ko ang magulo niyang buhok. Damn. I missed him. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking ito. Parang kelan lang, naiinis ako sa kaniya dahil sa pag pasok niya sa condo unit ko.

Dahan dahan kong tinanggal ang braso niyang naka yakap sa akin at umalis sa kama niya. Napa sulyap ako sa brown round table na katabi ng kama niya. May alarm clock na naka patong doon at picture frame na may picture namin dalawa.

'Yun 'yung puro pintura ang mukha namin habang kumakain ng chocolate. Napa ngiti ako. Mahal ba niya talaga ako? Or parte lang ito ng laro niya? Umiling nalang ako. Kahit mahal niya pa ako o hindi, hindi ko na alam kung babalikan ko pa siya.

Yes. Masamang kapatid si Eliza, but I'm also worried. Sa aming dalawa, siya ang malakas at ako ang mahina. Siya ang palaban at ako ng duwag. But this time? I feel like I'm a lot stronger than her, para bang sa lahat ng bagay malakas siya pero pag kay Apollo ay tiklop na siya. Although, gano'n din naman ako.

Pero marunong akong rumespeto. Apollo is Eliza's property. Sila naman talaga. And I bet, sila padin hanggang ngayon. Apollo was and will never be my property. He isn't mine to begin with. I just assumed. But he isn't mine.

Umalis ako ng Atkins Towers at dumiretso sa The Groove. Agad agad akong pumunta sa grocery store at namili ng mga groceries. Puro gulay at pang-sabaw ang binili ko. Napansin ko din kasi na puro junk foods ang laman ng ref ni Apollo.

Pagkatapos ko mamili ay tinext ko agad si Tita, inexplain ko lahat lahat at sinabi ko din na baka medyo matagalan ako bago maka balik.

Bumalik ako sa condo unit ni Apollo. Laking gulat ko nang nakita ko siyang naka-upo sa kitchen counter. Kumunot ang noo ko. 'Di ba, tulog siya?

"Where have you been?" he coldly asked.

"Mall." tipid kong sagot at binaba ang hawak kong dalawang plastic bags. Isa-isa kong inalis ang mga laman nito. Nilagay ko sa ref ang iba, at 'yung iba naman ay sa food cabinet niya.

Kumuha ako ng tubig at uminom tska naupo sa high chair ng kitchen counter. Walang umimik sa aming dalawa. Nakakabingi. Hindi ako sanay na ganito kami.

Nilunok ko ang nagbabara sa lalamunan ko. "Apollo, bakit?"

"Luxien, bakit?"

Parehas kaming nag iwas ng tingin dahil nagkasabay ang pagka-tanong namin.

"Sorry. Ikaw muna," sambit ko.

Hindi siya umimik. Bigla ulit tumahimik ang buong paligid nang biglang nag ring ang phone niya na umalingawngaw sa buong condo unit. Nakita ko sa peripheral vision ko na kinuha niya ito at sinagot.

"What is it?" suplado niyang bungad sa kausap niya sa phone.

"Not now, Eliza." aniya. Nanlaki ang mga mata ko. Si Eliza pala iyon.

Binaba na niya ang tawag at bumaling sa akin. Napa lunok ako. Ramdam na ramdam ko ang matatalim na titig niya sa akin.

"Now tell me, bakit mo ako iniwan." mariin niyang utos.

"You should know the answer of your question." I said.

Umigting ang panga niya. "Is it about Eliza again? Dahil ba ex ko siya at pinuntahan ko siya nung araw na iyon? Alam mong nangangailangan ang kapatid mo, Luxien! 'Wag mo naman i-iral ang pagka immature mo!" mariin niyang sabi.

Pinag taasan ko siya ng kilay at sarkastikong tumawa. "Unbelievable." I murmured.

Dinuro ko siya, halatang nagulat siya sa ginawa ko. "First of all, matagal na natin na-clear ang tungkol sa relasyon niyo noon ng kapatid ko. Second, hindi ako nagalit sa'yo dahil lang pinuntahan mo siya sa ospital. Third, hindi ko ini-iral ang pagka immature ko, Apollo! For goodness' sake! Kelan ba ako naging immature? Simula pa lang! Simula pa lang! Ako na ang lintik na umuunawa sa kapatid kong kulang kulang ang pag-iisip!"

Broken Boy meets Broken Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon