Chapter 38

54 16 0
                                    

Chapter 38- Only Way


Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Gusto ko umangal pero traydor ang katawan at kaluluwa ko. Ayaw magpa-pigil. Ramdam ko ang init ng kamay niya, o ako lang ba iyon? Ewan ko ba. Pero isa lang ang masasabi ko, this feels so good yet so wrong. Hindi ito pwede. At isa pa, kailangan ko na umiwas sa kaniya.

Hinila niya ako hanggang makarating kami sa isang park. Pinasadahan ko ng tingin ito. Madaming batang naglalaro at lahat sila ay masasaya. Bumaling ako sa kaniya at nakita ko siyang naka-igting ang panga.

Hinila ko ang kamay kong kanina pa niya hawak hawak pero hinigpitan niya pa ang hawak sa akin. Napakagat ako ng labi, ano ba ang pinagpuputok ng butchi nito?

"Let go of me!" I yelled while pulling my hand.

"No, Luxien. Never. I. Will. Never. Let. You. Go!" sigaw niya kaya napapikit ako.

Sa galit ko ay buong lakas kong hinila ang kamay ko at buti ay napabitiw siya sa akin. Mabilis akong tumakbo at iniwan siya doon. This is wrong. Being with him's wrong. Very wrong. Mabilis akong tumakbo. Kailangan kong maka takas.

Sumulyap ako sa likod ko at nakita kong hinahabol niya din ako kaya mabilis lalo akong tumakbo.

Namilog ang mga mata ko nang naramdaman ko ang ang braso niyang bumalot sa bewang ko. Napa tingin ako doon at kitang kita ko ang ugat niyang halos pumutok na.

Binuhat niya ako ng parang sako kaya nagkaka-kawag ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta o saan niya ako dadalhin. But one thing's for sure, my heart's loving it. At hindi ako natutuwa sa nagiging epekto niya sa akin. Nang medyo nakalma na ako, napansin kong papunta pala kami sa parking lot ng The Groove.

Pinag titinginan kami ng mga tao kaya halos sumabog na ang mukha ko sa pula.

"Sila 'yung nag ano dito 'di ba?"

"Oo! 'Yung relationship goals!"

"Grabe, ang sweet talaga nila!"

Napa irap nalang ako. Sweet ba ang tawag dito? Relationship goals ba ang tawag dito? Ba't 'di ako na-inform na iba na pala ang definition ng mga iyon?

Nag patuloy padin si Apollo sa paglalakad. At namilog ang mga mata ko nang nakita ko si Eric na nakatayo padin doon at mukhang hinahanap ako, agad agad naman akong kumaway para mapansin niya ako. Buti nalang at nag work ang ginawa ko. Agad siyang tumakbo papalapit sa amin ni Apollo.

"Sa'n mo siya dadalhin? Bitiwan mo siya!" sigaw ni Eric na akala mo bida sa isang action movie.

"Mind your own business." matigas na sagot ni Apollo at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sira ulo ka pala, ah!" sigaw muli ni Eric sabay sapak sa pisngi ni Apollo. Agad niyang tinulak si Eric at dinala ako sa sasakyan niya. Pinasok niya ako sa shot gun seat, at ni lock ang pinto. "'Wag kang aalis diyan!" malamig at matigas niya muling sabi kaya sa takot ko ay hindi na ako tumakas. Binuksan ko nalang ang windshield ng sasakyan niya at sinundan siya ng tingin.

Bago pa siya maka punta papalapit kay Eric ay naka lapit na agad si Eric sa sasakyan nito.

"Sira ulo ka! Ibaba mo si Xien d'yan!" ani Eric sabay sapak kay Apollo pero naka iwas ito.

"Umalis ka na sa paningin ko kung sino ka man! Habang nakakapag-timpi pa ako. Alis!" pag taboy ni Apollo.

"Sira ulo ka pala talaga, eh!" pumwesto nanaman si Eric na sasapakin si Apollo pero naka iwas uli ito.

"Oo sira ulo ko! Tangina! Nasisira na ulo ko sa babaeng ito!" tinuro niya ang sasakyan niya kung nasaan ako. 'Di ko alam kung bakit pero bigla akong namula. "Kaya utang na loob! Leave us alone! I need to talk to her! Kung 'di madadala na talaga ako sa mental hospital!" ani Apollo. Para siyang bulkan na sumasabog.

Broken Boy meets Broken Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon