Chapter 19

127 20 6
                                        

Chapter 19- Stop calling me


I woke up early because I have to pass my paintings. Bakas padin sa akin ang mga pinagsasasabi ni Apollo no'ng dinner namin kagabi. At sa sobrang kahihiyan ay binulyawan ko siya no'ng hinatid niya ako kagabi. Halos malusaw ako sa hiya kay Ate Ana.

Dali-Dali akong nag bihis at dinala ang bag. Pagka-bukas ko ng pintuan ko ay bumungad sa akin si Eliza. Dito nalang kasi ako sa bahay nag pahatid kagabi dahil masyadong malayo ang condo unit ko. My mood automatically changed. From, happy, to pissed.

Hindi siya kumibo at hinarangan ako. Umusog ako sa Kabila at Umusog din siya, and the cycle goes on. Bawat hakbang ko sa Kabila ay hinaharangan niya ako.

"What?! I'm in a rush! For heaven's sake!" Bulyaw ko sa kapatid kong nang-aasar.

Humalukipkip siya at tinaas ang isang kilay. "Next week, I'm going to celebrate my 24th birthday." Aniya.

I also raised a brow. "Okay. Are you done?" Tapos humakbang ako sa kabilang side.

Hinarangan niya uli ako at ngumisi siya. "Mommy and Daddy will come home." Napa tigil ako. I celebrated my 23rd birthday, last last month pero hindi sila umuwi. How disappointing. Tanging bati sa video call at padala lang ng pera ang ginawa ni daddy.

I bit my lip. I'll show her that I'm not affected. "Okay. Just call me when they arrived." Sabi ko at tuluyan ng naglakad, buti naman at hindi na niya ako hinarangan.

"Oh, sure! I'll invite you! they'll throw me a party for sure."

"What if I throw you, instead?" Bulong ko at tuluyan ng lumabas.

Ganda ganda ng umaga ko tapos sisirain niya lang? I entered my car and drove it papunta sa seminar.Pahampas hampas ako sa manibela ko at nag mura ng malulutong. They'll throw Eliza a party? Samantalang ako ay bati lang? It's so unfair!

Ni-hello or bati nga eh wala akong natanggap kay Mommy! That's just really really unfair! Tapos ako nga 'yung bunso! Lumunok ako ng malalim, nanggagalaiti ako sa galit kay Mommy at Daddy! Pati na din sa peste kong kapatid!

Why do I feel unwanted? Bakit parang pakiramdam ko ay hindi ako special at hindi ako ginusto? Bata pa lang ako ay si Daddy na ang lagi kong kasama at kausap sa bahay. Mommy and Eliza's always mad at me. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo nila sa akin!

Kaya tuwing nagtatrabaho si daddy ay lagi akong naiiwan kasama si mommy at Eliza. I was always nervous and afraid. Lumaki ako sa sa takot, dahil hindi sapat ang pagmamahal ni daddy. It wasn't enough! And to think that my own mother is treating me like a dog is so painful.

Lagi akong dumidikit sa yaya ko noong panahong iyon. But then, pina-alis iyon ni mommy sa bahay. Alam ko naman kung saan naka-tira si Yaya Lena. Anyway, why didn't I think of it? I'll visit her one of these days. Pero kailangan ko pa gumawa ng iba't ibang paintings para kay Ate Ana. God bless my schedule!

Napa-tigil ako sa pag-dadrive dahil sa traffic. And before I knew it, ay tumatagak-tak na ang luha ko. I wiped my tears. I trained myself how to stand alone and to be strong. Hindi ako pwedeng bumigay sa harap ng pamilya ko. Ayokong kaawaan ako.

Napa sulyap ako sa mga taong naglalakad at nanlaki ang mata ko no'ng nakita ko si Tyrese na naglalakad at pumasok sa isang coffee shop. Bumuhos lalo ang luha ko. Miss na miss ko na siya! I miss everything about him. Kelan kaya ako makaka-move on sa'yo?

Umusog ang sasakyan kaya isinunod ko ito. 1:00 PM ako naka rating doon dahil sa traffic. Lumabas ako ng sasakyan at kinuha ang apat na naglalakihang paintings. Pinagbuksan ako ng guard at pumasok na ako sa loob.

Broken Boy meets Broken Girl Stories to obsess over. Discover now