Chapter 37

60 18 0
                                    

Chapter 37- Right


"Kayo nalang po bahala sa kaso ni mommy, ah?" sabi ko sabay yakap kay Tita.

"Oo, hija, kami ang bahala." sabay na sabi nila Tito at Tita.

"Sige ho, alis na kami." ani Eric sabay higit sa akin sa sasakyan niya kaya kumaway nalang ako sa mga pinsan ko.

Pagka sakay na pagka sakay ko sa shot gun seat ay inayos ko ang blazer kong medyo nalukot dahil sa pag hila sa akin ni Eric. Nakita kong kumaway siya kila Tita at sumakay nadin sa driver's seat. Sumulyap siya sa akin bago siya nag drive.

"Ah, pasensya ka na, ha? Sabi ko naman kasi kay Tita kaya ko na." nahihiya kong sambit.

Ni-tap niya ang ulo ko ng parang aso. "Okay lang 'yun. 'Wag ka na mahiya sa akin, para namang wala tayong pinag-samahan." aniya sabay kindat.

Binigyan ko nalang siya ng isang awkward na ngiti at tumingin sa back seat kung ayos lang ba ako pagkakapwesto nung painting. Hirap na hirap panaman akong tapalan ng mga dyaryo at lagyan ng tali iyan para hindi masira.

"Don't worry. Naka ayos naman ng lagay 'yung painting mo."

Tumango nalang ako at naglagay na ng earphones ang magkabilang tenga ko. Pinatugtog ko ang kanta ng 5 seconds of summer na 'Waste the Night'. Ewan ko ba, parang bitter ako kaya ito ang gusto ko pakinggan.

"I need your love, need your love

Taste in your tongue, smoke in your lungs
And I need your love, and I need your love
The salt in your skin is pulling me in
And I need your love, and I need your love"

Napa ngiti ako. Eto na 'yung favorite kong part.

"I don't wanna say g--"

Nanlaki ang mga mata ko. "What the hell Apol--" sinara ko agad 'yung bibig ko.

Lumunok ako ng malalim. "Uhmm... Eric? B-Bakit mo tinanggal 'yung earphones ko?" nanginginig kong tanong dahil baka narinig niya 'yung pangalan na muntik ko nang mabanggit. Ganiyan din kasi ginawa sa akin ni Apollo nung magka-away kami.

"Sorry," humalakhak siya. "Wala ka bang balak kausapin ako?" sumulyap siya sa akin at ngumisi.

Napa yuko ako. Oo nga naman, ihahatid niya na nga ako tapos hindi ko pa papansinin. "Sorry," I whispered.

Ni-tap niya uli 'yung ulo ko. "Ano ka ba? 'Wag ka mag-sorry, gusto lang kita makakwentuhan uli. Parang nung mga bata pa tayo."

"Ahh." binigyan ko uli siya ng awkward na ngiti.

"So, kumusta ka na?" panimula niyang tanong.

Pinatay ko muna 'yung music bago ko sinagot ang tanong niya. Nilagay ko nadin ang earphones at phone ko sa shoulder bag ko. "Uhmm... Okay naman."

Bumuntong hininga siya. "Grabe? Ganiyan mo na ba kausapin ang ex-crush mo?" aniya na ikinalaki ng mga mata ko. Ano ba ang sinasabi nito?

Humalakhak siya. "Don't tell me, pati iyon 'di mo naaalala?"

"I'm sorry, but I don't."

Nagkibit balikat siya. "Nakaka-disappoint naman. Ikaw pa kaya 'yung umamin sa akin dati."

Napakagat nalang ako ng labi. Gaga din pala ako nung bata, eh. Ba't naman ako umamin? Jusko naman!

"Pero okay lang 'yun. Crush din naman kita nung panahong iyon, eh." ngumisi siya sa akin. "Hanggang ngayon nga ata, eh."

"Hindi mo masasabing crush mo ako hanggang ngayon dahil kahapon mo lang ako nakita ulit." umirap ako. Totoo naman. 20 years na siguro ang nakakalipas mula nung huli kami magkita.

Broken Boy meets Broken Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon