Chapter 41

83 21 2
                                        

Chapter 41- Nahanap na


Parehas na kaming umuwi ni Raven tutal ay 6:00 PM naman na, sigurado din akong inip na si Apollo sa kaiintay sa akin. Kanina pa niya kasi tinatadtad ang phone ko ng messages at calls. Hindi ko lang ito sinasagot dahil ayokong ngang masyado kaming malapit sa isa't isa. Gusto ko may distansya padin.

Pagod akong sumakay sa isang bus. Traffic ngayon, uwian kasi ng mga galing sa trabaho. Maya-maya ay napuno nadin ang ang bus. Sa inip ko ay natulog muna ako. Malapit lang naman ang pwesto ko sa bus driver at sa may bintana pa, kaya madali naman siguro ako makakababa mamaya.

7:30 PM nang makarating ako sa Atkins Towers. Agad agad akong dumiretso sa unit ko. Pagpasok ko ay nakita ko agad si Apollo na naka higa sa mini dark green couch ko. Napagalaw siya ng kaunti at nang makita niya ako ay agad agad siyang bumangon para yakapin ako.

"Ba't nandito ka pa?" takang tanong ko. Ang akala ko kasi, 'di siya mag-tatagal.

"Isn't it obvious? Inaantay kita," malambing niyang sambit.

Tumango ako at hinubad ang sapatos ko, nilapag ko din ang bag ko sa kitchen counter at dumiretso sa kwarto para mag bihis. Hindi ko din ni-silent ang phone ko dahil mag-iintay ako ng message ni Raven sa akin, sana lang ay available si Tyrese bukas para maka-usap ko siya.

Matagal ko na kasi siyang gusto maka-usap. Siguro nga nakatadhana lahat, at nasa tamang oras. Kasi, kung tutuosin, kung hindi ako na-in love kay Apollo. Malamang sa malamang ay nag-hahabol padin ako kay Tyrese. At kawawa naman ang best friend ko pag nagkataon kasi umpisa palang pala, sila na talaga.

Siguro nakatadhana din na ma-in love ako kay Apollo bago kami magkausap ni Tyrese. Siguro, kailangang, wala na talaga akong nararamdaman pa para sa kaniya bago ko siya makausap. Napa-tango ako. Naka-plano at naka-takda ang lahat sa tamang oras.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako ng kwarto, nakita kong may pizza at soft drinks na na naka-patong sa kitchen counter. Agad akong umupo sa high chair nito, katabi ni Apollo.

"Ikaw nag-order nito?" naka-ngiti kong tanong. He nodded.

"Baka kasi kako, gutom ka. Tska gusto kasi kita makasabay kumain." ngiti niya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. Shit. Ang bango.

"So, may update na ba sa kaso?" tanong niya nang matapos kami mag-yakap.

Umiling ako. "Wala pa, eh."

Kinuwento ko kasi sa kaniya ang lahat. He deserves to know kung bakit ako umalis bukod sa pang-gagamit niya sa akin. Madalas niya nga akong pinapayuhan sa mga dapat kong gawin. Pinapalakas niya din ang loob ko sa mga possible kong malaman sa kaso.

Siya nadin ang nagsabi na, kapag natapos na ang lahat ng problema at madami na akong na-ipon na pruweba, tska namin kakausapin si Eliza at daddy tungkol sa amin. Pero sa ngayon, we'll focus on my mom's case. He's also willing to help me. Sasama nga daw siya pag babalik ako ng Laverde. Natakot na nga ata 'to sa pang-iiwan ko sa kaniya. Kaya kung maka-dikit sa akin ay wagas.

Hinalikan niya ang likod ng kamay ko. "Don't worry. I'll help you. Ako ang kukuha ng abogado. Kaya natin 'to, babe." he said then kissed my forehead. Napa-pikit ako. Tuwing hinahalikan niya kasi ako sa noo, ay para akong nakakampante o na-re-relax. Ewan ko ba. Weird na ata ako.

Pagkatapos namin mag kwentuhan ay sinabi ko na sa kaniya ang tungkol kay Tyrese. Although, alam na niya na sila ni Raven pero hindi niya pa alam na makikipag kita ako kay Tyrese bukas (if ever available siya). Nung una, ay hindi siya pumayag. Pero ako mismo ang nagpa-alala na, hindi siya pwede maging possessive sa akin.

Sa relasyon naming dalawa ngayon, ako ang masusunod. At para namang siyang maamong tupa na sumusunod sa akin kahit na ayaw niya 'yon. At sa relasyon namin ngayon, gusto ko, ako naman 'yung kokontrol sa kaniya. Tska ko na siya pagbibigyan na kontrolin ako kapag maayos na ang mga bagay bagay.

Broken Boy meets Broken Girl Stories to obsess over. Discover now