Chapter 4

153 22 0
                                    

Chapter 4- Something special


"We will have a contract. 7 years ang maximum na itatagal n'ya kung hindi sisikat agad yung paintings mo." aniya. Napanganga ako.

I'm fucking doomed. I don't want to spend 7 freaking years with this jerk!

"What?! Wala na po bang ibang photographer?" taranta kong sagot. Pinaypayan ko ang sarili ko.

"Wala na, Yvanna. We don't have much time. Kaya whether you like it or not, siya na ang magiging partner mo." aniya.

"No." mabilis na sagot ko. Habang umiiling-iling pa.

"I don't take no as an answer, Yvanna." iling niya sakin. Well same!

"No." sabi ko ulit. Fuck it. Magbabayad ako ng ibang photographer para maka-partner ko, pero hindi 'yang hambog na 'yan!

"Tinutulungan lang naman kita, para mas mabilis sumikat ang paintings mo. After this naman, tapos na ang contract."

"Do I have a choice?" kunot-noo'ng tanong ko.

"No." she imitated me.

Napa-buntong hininga ako. "Ok. Fine." I said. Wala na akong choice kung hindi 'oo' ang isagot ko. I'm sure naman na makikipag debate pa ang manager ko hangga't hindi ako sumasagot ng 'oo'. Bumalik nadin kami kila Madame at Apollo.

"Madame, ok daw si Yvanna." sabi no'ng manager ko.

"Ok din daw si Apollo." Madame answered back.

My jaw dropped. What? Pumayag siya? Well, bakit nga ba hindi? Syempre matutuwa 'yan kasi aasarin niya ako. Tsaka, mukha namang crush ako n'yan eh. Sa ganda ko ba namang ito?

"I have to go, may a-attendan pa akong meeting. Bye!" agad na sambit ni Madame Augustina bago lumabas sa vacant room.

"I have to go na rin. Pero, before I go, I have a mission for the two of you." anang manager ko. Napa lunok ako sa sinabi ni manager. Okay lang sana kung ako lang eh, pero ang sabi niya 'the two of you'.

"A-Ano po 'yon?" kinakabahan kong itinanong.

"Gusto ko na magkakilala pa kayong mabuti. Pumunta kayo sa mall or any place na makakapag usap kayo. Pag hindi kayo pumunta, dadagdagan ko ang years ng contract. I'm going to make it 10 years, and don't ask me kung paano ko malalaman kung sumunod ba kayo. That's all, enjoy!" she said. Umalis na ang manager ko at iniwan kaming dalawa ni Apollo.

"Where do you want to go?" tanong niya.

"I don't know." irap ko. Honestly, ayaw ko lang talaga.

"Anong, 'I don't k--" He was about to say something but I cut him off. Nilagay ko agad ang index finger ko yung bibig niya. Ingay eh!

"Can you please shut your fucking mouth?" I ordered. Nakaka-irita kasi! Ang ingay! Mag eexplain nanaman ng pagka haba-haba! Parang yung sa condo... I clearly remember his voice and how drunk he looked.

"Miss, hindi ko naman sinabi na kailangan ko ng 'thank you' mo and I would gladly leave than to be with you. So, please,  don't assume too much."

Well, hindi naman pala 'pagka haba haba', medyo lang. I exaggerated it too much.

"Hey, saan nga? Sumagot ka. Ayoko ka makasama ng 10 years 'no? 7 years are enough!" he complained. Inirapan ko siya. As if gusto ko.

"Mall." maikling sagot ko. It was the only place I know where we could talk peacefully.

Humalukipkip siya. I couldn't help but notice his handsomeness. "Mall? Ha? Ganiyan naman kayong mga babae, 'di ba? Mahilig sa mall? Puro kayo mall, mall!" he yelled. Nanlaki ang mga mata ko. Ako pa ang sinigawan niya, ah?

"Can you just shut the fuck up?! Tsaka tinanong mo ako, ah! " napataas na ang tono ng boses ko.

"Eh, bakit ka sumisigaw?!" sigaw niya. Napa-nga-nga ako. Sira ulo 'ata 'to! Ba't daw ako sumigaw? Eh siya nga 'tong unang sumigaw! Kainis, ah!

"Shut your mouth, please." utos ko sa kaniya at hinimas ng marahan ang noo ko.

"Okay, fina. Pero please naman, Luxien. 'Wag sa mall." he calmly said. God! Buti naman at huminahon na siya!

"Ano ba kasi problema mo sa mall?" tanong ko. Ay, Mali 'ata na tinanong ko pa, mag eexplain nanaman 'yan eh.

"Kasi, do--" nilagay ko uli ang index finger ko sa bibig niya.

"You don't have to explain. Sige. Sa, amusement park. Kita nalang tayo doon." sambit ko at lakad papunta sa kotse ko.

"Sasabay ako sa'yo." seryoso niyang sambit. Kumunot nanaman ang noo ko. What? Ayoko nga!

"May car ka diba? Do'n ka! Bawal ka sumakay sa baby ko." taranta kong sagot. Off limits siya do'n 'no!

Sinabayan niya ako maglakad papuntang vale, tumigil ako sa harap ng kotse ko at pinindot ang alarm key. Napansin ko naman na nag iintay din siya sa harap ng sasakyan ko hanggang mabuksan ko 'yon.

Pag bukas ko ay deretso s'yang sumakay sa baby ko at umupo sa shotgun seat. Pag ka upo niya, syempre nag react na ako.

"What the hell? Pwede ba, doon ka na sa car mo!" reklamo ko.

"Naisip mo ba, na kapag doon ako sumakay sa sasakyan ko, aakalain ng 'spy' ng manager mo na hindi tayo tumupad sa usapan?" aniya.

Nagkibit-balikat ako. Oo nga naman, sawakas nalaman ko nadin ang benefit ng pagsasalita niya ng pagkahaba-haba.

Hindi na ako sumagot sa sinabi niya, instead nag drive nalang ako.

Nakarating kami sa amusement park at exactly 7:00PM. Hindi ko nga alam kung papaano kami makakapag-usap dito, eh ang ingay kaya dito kaka sigaw ng mga nasa rides. Bigla nalang kasi lumabas sa bibig ko 'yung 'amusement park'.

"Doon tayo oh!" he said, playfully. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. Buti nalang naka-pants and cropped top ako.

"Excuse me, Apollo. But we are here for a Business Matter. Not to have fun." I reminded him.

Sinimangutan niya ako. "Tss. Kill joy! Pwede ba tayong magkaroon ng break pagdating sa trabaho? Tska, let's talk about it later. For now, I want us to enjoy!"

Napa-irap ako. "Whatever." sagot ko at nagpa hila nalang uli ako sa kaniya.

Hinila niya ako sa isang ride na hindi ko alam ang tawag. The last time na naka punta ako sa amusement park, ay no'ng bata pa ako. I smiled. I think tama siya. Siguro kailangan ko muna ng break sa trabaho.

"Apollo, ano ba tawag dito?" I asked, curiously.

"Space Shuttle. Kaya mo ba?" sagot naman niya. Lumingon ako sa ride na tinutukoy niya, nakita ko naman na may loop at mataas, napa lunok tuloy ako ng malalim.

"O-Of Course. W-why not?" naginginig kong sagot.

"Don't worry, Luxien. I'm here as your boyfriend, just for tonight." he playfully smirked.

Nanlaki ang mata ako. Ano ba ang sinasabi nito?

"I don't think I like that idea. Oh, and by the way you can call me Yvanna."

"No. I prefer Luxien than Yvanna. Masyadong marami na kasing tumatawag sa'yo ng 'Yvanna' at isa pa, pag may tumawag sa'yo ng 'Luxien' at least alam mo na ako 'yon. Kaya, wag kang magpapatawag ng 'Luxien' sa iba, ha?" he said as if it was very, very important na halos ika-mamatay na niya.

"Dami mong alam. Bahala ka." I shrugged my shoulders.

He then, helped me in entering the ride. Siya na ang naglagay ng seat belt ko.

Pinagmasdan ko siya habang nag-sisimula nang umandar ang ride. He maybe a jerk, but I know, deep inside of him. There's something special.

Broken Boy meets Broken Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon