Chapter 45- Payag ako
"Ingat ka, ha?" sambit ko sabay yakap sa kapatid kong balot na balot ang katawan. Balita niya daw kasi ay magkaka-snow storm sa Newris. Sabi ko naman, pwede naman niya intayin ang sunny season pero gusto na daw talaga niya bumalik kaya wala na kaming nagawa ni daddy.
"'Yung bilin ko, ah?" paalala niya. Tumango nalang ako at niyakap siya uli.
Sobrang saya ko lang dahil nagka-ayos na kami ng kapatid ko. After how many years, sawakas ay tapos na ang away namin. Sawakas ay napatawad na namin ang isa't isa.
Kung hindi lang kasi awkward na magkasama kami ni Apollo na nakikita ni Eliza, mas gusto ko sana ay hindi na siya umalis. Kasi naman, kaka-ayos palang namin tapos aalis naman siya, pero dahil 'yon ang gusto ang desisyon niya, rerespituhin ko iyon.
"Bye, dad! Bye, Xien!" kumaway siya sa amin bago pumasok sa airport.
"Mamimiss ko ang kapatid mo, Xien," dinig kong sabi ni daddy, hinarap ko siya at pinunasan ang luha'ng lumalandas sa kaniyang pisngi.
"'Yon po ang gusto niya, tanggapin at respituhin nalang natin. And I think, makaka-buti 'yon para sa ating lahat."
Pagkatapos namin ihatid si Eliza sa airport ay umalis nadin kami ni daddy.
"Xien, can we go to French Toast first, before we go home?" dad said. I nodded.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko. God! Na-miss ko mag drive! Sawakas nga ay nakuha ko na din ito sa Laverde. Medyo matagal na ang kotse ko na 'to, but it's my favorite! Bihira na kasi ngayon makahanap ng gan'tong sasakyan na maganda ang pagka blue green shade.
Nang nakarating kami sa French Toast ay ni-park ko ito sa parking lot tapos bumaba nadin kami. Pagpasok namin sa loob no'ng coffee shop. Ay agad agad ko naman nalanghap ang amoy ng iba't ibang klase ng kape. Na palitan nadin ang mga life quotes na naka decor sa wooden wall nila. Pinapalitan siguro ito every week or month.
"Available ba ang VIP table?" tanong ni dad do'n sa super visor. Tumango naman ito at pina-sunod naman kami sa loob no'ng room kung saan din kami nag-usap ni Tyrese, a 2 or 3 weeks ago.
Umupo kami parehas ni dad at siya na mismo ang nag-order. Since he knows my favorite drink and cake.
"Kahit mabilis lang tayo dito, dad. Para makapag-pahinga ka," ngiti ko kay daddy.
Mabilis siyang umiling at nginitian ako. "No. Kaya nga ako nag-aya dito, ay para makasama ka at maka-bawi ako sa'yo." he explained.
"Dad, hindi mo na po kailangan gawin 'yon. Matagal ko na po kayo napatawad." I answered.
"Ayaw mo ba malaman ang ibang impormasyon sa mommy mo?" aniya.
Wala akong nagawa kung 'di tumango. Palagi niya nalang ginagamit si mommy para pumayag ako. Madami naman na siyang nai-kwento pero sadyang hindi yata nauubusan ng kwento si dad pag tungkol kay mommy. Damn. He's still in love with my mother.
"Well, first of all. Did I mention, you look exactly the same? Your hair, your eyes, lips, cheeks. Ngipin nga lang yata ang namana mo sa akin, eh."
I chuckled. "Dad! Sinabi mo na iyan!"
"Yeah, I know. Pero hindi kasi nakakasawa sabihin." he smiled then cleared his throat. May kinuha siya sa wallet niya na paper yata at inabot sa akin. Kumunot ang noo ko habang dahan dahang tinignan ito, naka baliktad kasi.
"Dad, kailan 'to? Parang hindi naman yata ako nag-picture ng ganto noon." ngumuso ako. Ang tanda kasi ng suot ko sa picture. Pang 19 kopong kopong pa.
Humalakhak siya. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Hindi ikaw 'yan, anak. Mommy mo 'yan. 'Yan si Ylonnah. Your dad's one and only love." aniya. Nanlaki ang mga mata ko at tinitigan pa ang picture. Sinuri ko ng mabuti ang itsura nung babae sa picture.
At habang patagal ng patagal, do'n ko nga na-realize na si mommy nga ito. Nag-init ang gilid ng mga mata ko, at kasabay no'n ay ang pag sunod-sunod ng tulo ng luha ko.
"Anak? Xien, bakita ka umiiyak?" dinig kong sabi ni daddy at naramdaman ko ang kamay niyang pinupunasan ang mga luha'ng lumalandas sa pisngi ko.
I smiled. "Ang saya ko lang po. Kasi, ang tagal ko na nag-hahanap ng picture ni mommy. And at last, nakita ko nadin siya."
Ngiting-ngiti ako habang tinitignan ang picture ni mommy. Damn. My mother's face is so angelic. Kaya naman pala, nadali si daddy. Napaka-ganda niya. Well, I'm not saying that she's beautiful just because I'm beautiful too, dahil nga magka-mukha kami. Pero kung titignan, mas maganda talaga siya sa akin. Malamang. Nanay mo kaya iyan, Yvanna!
"Your name 'Luxien' was taken from my name 'Louigie'" dad said. I glanced at him.
"Your second name, 'Yvanna' was taken from her name, 'Ylonnah'. 'Yon ang sabi ng Tita Dolores mo, bago ka niya iabot sa akin. That time, apelyido ng mommy mo ang dala-dala mo. But when, I saw you inside your aunt's arms, I already knew. That you are my daughter. And so, inasikaso ko ang birth certificate at iba mo pang mga papeles. At ginawa kong 'Grey' ang surname mo."
"Bago kami pag-hiwalayin ng lola mo. Your mom and I made love. Mahal na mahal ko ang mommy mo. Kaya sinabi ko noon ay kailangan kong mamarkahan siyang akin. I needed to mark her mine. Pero ang hindi ko naman alam," napa-tigil siya at inangat ang ulo para mapigilang maluha. "Namarkahan ko pala siyang akin pero hindi naman pala kami magkaka-sama habang buhay."
"I prayed. I prayed na sana ay na-buntis ko ang mommy mo, bago ako ikasal. Because it's the only way for me to be happy with your mother. Pero sadyang nang-aasar ang panahon, hindi sumang-ayon sa tamang oras." he sadly chuckled. "Na-buntis ko nga. Pero kinasal muna ako."
Napa-yuko ako. Damang dama ko ang lungkot at sakit sa puso ni daddy.
"Dad, bakit po ba kasi, hindi niyo pinag-laban si mommy kay lola?" I asked.
"It's useless. I tried it. Halos araw araw ko silang kinukulit na 'wag ako ipakasal kay Trina dahil mahal ko ang mommy mo. Pero hindi sila nakinig. They never listened. Inamin ko na, lumuhod pa nga ako sa harap nila. Pero wala. They're just too heartless."
"Nalaman 'yon ng mommy mo dahil kalat na sa buong bayan ng Laverde na ikakasal ako kay Trina. I explained, but she too, didn't listen. Lumuhod ako sa harap niya, 'wag niya lang ako iwan. But she didn't listen. Instead, she left me at the middle of the woods. She left me."
Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at lumapit kay daddy tska siya niyakap. Unti unti nang tumulo ang luha niya. Hinagod ko naman ang makisig niyang braso.
"Shh. We'll visit mom's grave next week, okay? 'Wag na po kayo umiyak."
Umiling siya. "Hindi ko pa kaya, anak. Hindi ko pa kaya." he said. "Ako nalang ang pupunta doon kapag kaya ko na. Pero next week? Hindi ko kaya iyon. I don't think my heart can handle seeing your mother's grave."
Tumango ako at sumang-ayon nalang. Ayoko naman kasi pilitin siya. Kung hindi niya kaya, then I won't force him. Ako nga mismo no'ng una ay hindi ko alam kung paano hahanarapin iyon. Kaya naiintindihan ko si daddy.
Kumain nalang kami ni daddy no'ng inorder niya at nag kwentuhan pa ulit. Maya-maya ay siya naman ang nag-tanong tungkol sa akin, or rather, tungkol sa amin ni Apollo.
He asked me about us. How we met. How we became friends. And how we became lovers. I answered his questions honestly, though I didn't told him the light house part. Kasi syempre, baka magalit si daddy sa akin at baka sermonan pa ako.
Pinayuhan naman ako ni dad tungkol sa relasyon namin. Tinuruan niya din ako ng mga tips kung paano lambingin ang lalaki kapag minsan ay nagkaka-away kami. Aniya'y, hindi naman daw sa lahat ng oras ay ang babae lang ang aamuhin. Tumango naman ako at nakinig pa sa mga payo niya.
"Xien, gusto ko lang sabihin na payag ako. Seryoso. Payag talaga ako." mariin niyang sabi.
Napa-kunot ang noo ko. Payag? Payag, saan?
"Payag po? Payag saan?" inosente kong tanong.
"Payag akong magpakasal ka na." aniya na ikinalaglag ng panga ko.
YOU ARE READING
Broken Boy meets Broken Girl
RomanceShattered Hearts Series: #1 ✔️ (Editing...) "Broken sticks, broken promises, broken hearts. So many broken things in the world, but the world chose the two of us to meet-up." If your family doesn't consider you as a member, what would you do? If the...
