Chapter 23

108 19 1
                                    

Chapter 23- Araw-araw


Kinabukasan ay nagising akong naka yakap sa akin si Apollo habang naka tapis ako ng kumot. Bumaling ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo, nose bridge, ilong, nguso hanggang mapunta sa labi. Kumilos siya ng kaunti sa ginawa ko. Pag bukas ng mga mata niya ang nginitian niya ako agad.

"Good morning," I greeted him.

He gave me a heart melting smile. "Good morning. I love you." Then he kissed my lips, again.

Sinampal ko siya nga marahan sa mukha. "Hindi porke't tayo na ay, hahalik-halikan mo nalang ako, ah." Umirap ako.

He chuckled. God, bakit ang sexy niya humalakhak?

"Bakit hindi? Pag-aari kita. Akin ka na, simula nang naligaw ako sa condo unit na pinasukan ko." He laughed.

Tumayo ako sa kama at iniwan siya doon. Hindi ko na kasi kaya. Feeling ko pag gano'n kami ka-lapit sa isa't isa ay sasabog ang puso ko, para akong magkaka-heart attack. At hindi maganda iyon. Hinding hindi!

Dumiretso ako sa banyo at naligo agad. Pagkatapos ko maligo ay dumiretso ako sa mini kitchen at nakitang naka topless at boxer shorts lang siya tapos tanging apron lang ang nag tatakip ng abs niya. Gosh! Namumula ako tuwing naaalala kong hinawakan ko 'yon kagabi! Nilapag niya ang serving plate na may lamang bacon, hotdogs, and eggs. Tapos ay nag timpla siya ng orange juice.

Lumunok ako ng malalim tapos umupo na. After niyang mag timpla ng juice ay nilapag na niya ito tsaka siya umupo sa upuan niya. Tanging ang glass table lang ang naka pagitna sa aming dalawa. Walang umimik sa aming dalawa, nakaka bingi. Subo lang ako ng subo pero hindi ako mapakali dahil tinititigan niya ako. Para bang, bawat kilos ko ay binabantayan n'ya.

"Stop it." I said, almost a whisper.

He raised an eyebrow at me. "Why? You're already mine. And That gives me the right to stare at you."

Nanlaki ang mata ko tapos bumilis ang tibok ng puso ko. No! Hindi na 'to normal! No'ng kami ni Tyrese noon ay hindi niya nagagawang pabilisin ng sobra ang tibok ng puso ko! Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito sa akin? Kinukulam siguro ako nito.
Dammit! I look like a love sick dog!

Uminom siya ng juice tapos ngumisi. "Payo lang, Babe, 'wag kang magsusuot ng dress tuwing kasama mo ako. Kasi sigurado, wala pang isang buwan sampu na anak natin," humalakhak siya.

Napa ngiwi ako. "Gago! Ano tingin mo? Bibigay ako sa'yo lagi?" Humalukipkip ako habang tinitignan siyang namimilipit sa katatawa.

Pero oo nga, no'ng unang ginawa namin 'yon sa light house ay naka dress ako. Tapos kahapon, dress din ang suot ko sa exhibit. Fuck! hindi na ako mag susuot ng dress! Kahit hindi ko siya kasama. Hinding hindi! Sa bwisit ko ay dali dali kong inubos ang pagkain ko at hinugasan ang pinagkainan.

"Oh, saan ka pupunta? Magpapalit ka ng dress?" Humagalpak siya sa tawa.

Umirap ako sa kawalan at pumasok sa loob ng kwarto. Fuck you, Apollo! Nakaka inis ka pero nakaka-in love din! Ugh! Binaon ko ang mukha kong pulang pula sa puti na unan. Kinalaunan ay umiwas agad ako sa kama. Ginulo ko ang buhok ko. Bwisit! May trauma na ata ako sa light house at kama! Bwisit!

Nag palit agad ako ng jeans at t-shirt tapos ay nag hoodie jacket. Lumabas ako ng kwarto at nag dere-deretso sa paglalakad. Mas gusto kong puntahan si Yen kaysa dito sa condo ko na kasama si Apollo buong araw.

"Oh! Balot na balot tayo, ah?" Narinig kong sabi niya bago ko Sinara ang pinto ng condo unit ko.

Sumakay agad ako sa kotse ko at pina-andar papuntang banko. Medyo traffic ngayon kaya siguradong matatagalan ako bago makarating doon. Habang nag iintay na umusog ang sasakyan ay namataan ko si Tyrese na pumasok uli sa isang coffee shop. Nagulat ako dahil hindi na ako masyado nasasaktan, bakit? Dahil kay Apollo?

Broken Boy meets Broken Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon