Chapter 22- Madly, Deeply, and Crazy
Sunod-sunod na bati ang natanggap ko nang dumating ako doon. I gave them my sweetest smile. Napa sulyap ako kay Eliza na kakadating lang at umupo agad sa table. I invited her here because she's my sister and I respect her. Tska baka magtanong ang mga tao bakit wala dito ang sarili kong kapatid. 'Wag lang niya subukan magkalat dito.
Napa-ngiti ako nang nahagip ng mga mata ko si Raven na tinitignan ang Ferris wheel painting ko. Buti at nasingit niya pa pumunta dito kahit na ang dami niyang ginagawa. May bago kasi siyang ire-release na album kaya busy siya.
Napa tingin ako sa likod ko nang may naramdaman akong kumalabit sa akin. "Madame!" Bati ko sabay beso sa kaniya.
"Ms. Grey! Thank you for inviting me here!"
"Just call me Yvanna, Madame. Anyway, of course I'll invite you! Ikaw po ang first buyer ng painting ko." Ngiti ko.
"Thank you! And I would love to buy one of your paintings!" She said.
"Okay, Madame, just approach me if you need something."
Umalis na ako do'n at nilapitan si Raven na naka tingin padin si Ferris Wheel painting ko. Para siyang may matinding iniisip. Kinalabit ko siya at niyakap niya agad ako. Red long sleeve ang dress niya na bare ang likod, and god! She's so beautiful!
"You want that? Sana sinabi mo, you know I can give it to you." Ngumiti ako.
Ngumiti siya at umiling. "No. Kung gusto ko 'yan, ay bibilhin ko."
Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. "So, meaning, hindi mo gusto?"
She chuckled. "No! I love it, actually. Ang punto ko, ay hindi mo dapat ibigay lang sa akin 'yan."
"Ok. Sabi mo, eh."
"And, tutal sinabi mo nadin. I'll buy it, Xien. Pero patawarin mo ako kung sasabihin kong pagka-bili ko niyan ay aalis na ako. You know my schedule." Bumuntong hininga siya.
"Okay, okay. Sure." Tapos ay pinabuhat ko na iyong painting papunta sa sasakyan niya.
"I'll send the money to your bank account. Bye! Goodluck!" Aniya at kumaway na.
Tumango ako at nag wave din.
Pinalibutan ako ng mga kakilala ko at pati mga pinsan ko. Alam ko naman na hindi sila bibili pero gusto ko padin sila imbitahan dito sa exhibit ko. Tuwang tuwa ako dahil tatlong painting na ang naibenta ko at isa nalang ang natitira. Ang, Fading face.
Isang batang babae ang ipininta ko doon. Halos lumabas ang mukha ko sa painting ng batang iyon. Nakikita ko ang sarili ko sa painting na iyon. Naka dress ang batang babae na may hawak na pink balloon tapos unti-unti kong ni-fade ang kalahating katawan niya. Naluha pa nga ako nang pinipinta ko iyon, eh.
"Yvanna!" Napalingon ako at nakita ko si Ate Ana.
"Ate Ana!" Tapos nag beso kami.
"Oh my god! Na-late ako, kaya ayan, isa nalang ang natira." Ngumuso siya habang tinitignan ang Fading Face.
"I'll buy that. Tutal 'yan nalang ang natira. Hmp!" Tinuro niya ang painting ko.
Tumango ako. "Sure, Ate." Tapos ay pinabuhat ko na ito.
"I'll send the money to your bank account nalang, kay?" Tumango ako.
Lumipat ang tingin ko sa batang babae na kasama niya. This must be Apollo's baby sister. God! Sadya bang magaganda ang lahi ng mga Atkins?
Napansin ata ni Ate Ana na tinitignan ko ang batang katabi niya, kaya ipinakilala niya ito. "Oh, Yvanna. This is Audrianna Celine Atkins. Ang aming baby sister." Ngumiti ako sa kaniya.
YOU ARE READING
Broken Boy meets Broken Girl
RomanceShattered Hearts Series: #1 ✔️ (Editing...) "Broken sticks, broken promises, broken hearts. So many broken things in the world, but the world chose the two of us to meet-up." If your family doesn't consider you as a member, what would you do? If the...
