Chapter 49

68 15 2
                                        

Chapter 49- Too possessive


Days passed and we were very busy. Busy sa wedding preparations. Busy sa lahat. Naging busy din ako dahil madami ang bumili ng paintings ko. Everything was planned. Laking tuwa ko nga dahil tinutulungan ako ni Raven at Yen sa wedding theme, wedding gown, cake at iba pa.

Ang theme ng wedding ay blue-green and emerald. Since, it's our favourite color.  Ang cake ay gano'n din. Ang frosting ay mixed blue-green and emerald. Sa gown naman ay namimili padin ako. Pati din sa shoes.

"Damn! Bilis na! Maligo ka na! Anong oras na, oh!" reklamo ni Yen.

"Fine!" I answered back then made my way towards the bathroom.

Ngayon'g araw kasi ang pamamanhikan. 'Yun daw ang i-me-meet ang parents ng magiging asawa mo. Medyo kinakabahan ako dahil wala naman akong alam doon. At kaming dalawa ni daddy ang pupunta sa bahay nila Apollo. Dapat nga daw ay 'yung lalaki muna, do'n sa pamilya no'ng babae tapos ang babae naman daw do'n sa pamilya no'ng lalaki.

Pero napag-desisyonan namin ni Apollo na pag-sabayin na daw.

Pagkatapos ko maligo ay nag-bath robe muna ako habang bino-blower ni Yen ang buhok ko at namimili naman ng high heels si Raven.

"Ano gagawin niyo sa buhok ko?" tanong ko.

"Mmm... We'll curl it and half pony tail it."

Kumunot ang noo ko. "Again?"

"Yeah! Bagay kaya sa'yo! Right, Raven?"

Tumango si Raven habang hawak hawak ang red pumps. "Right!... And I found the perfect shoes for your perfect dress!" she said then showed me those pair of 5 inches pumps. Napa-nga nga ako. Can I even wear it on the whole dinner?

"Pumps... Again? I mean, seriously, Yvanna? Puro pumps nalang ba ang sapatos mo?" maarte'ng tanong ni Yen.

"Correction! Sapatos ni Eliza. Nakalimutan mo ba na hindi ako nag-hi-heels?"

"Oops. Sorry. Edi dapat pala 'yung ate mo nalang kinaibigan ko dahil parehas kami ng fashion taste?" she joked.

"Gosh, Yen! Stop talking to Xien and just focus on her hair!" Raven said in her stressed tone of voice.

"Fine." ngumuso si Yen.

After Yen finished my hair, she started doing my makeup. She put on eyeliner, eye shadow, blush-on, lipstick, at kung ano-ano pang kaartehan hanggang sa dress nalang ang kulang. Tinulungan nila ako sa pag-suot ng dress.

Hindi ko alam kung sadyang fitted lang ang dress o tumataba na ako dahil hirap na hirap kaming tatlo na suotin 'yon.

After that, I looked at myself on the mirror. Halos malag-lag ang panga ko. Ako na talaga 'to? I mean, I looked like Cinderella. Mula basahan, naging prinsesa.

Nude ang shade ng lipstick ko at konti lang din ang blush-on, parang wala lang. Pero sa mata ko bumawi, it was darkened. Pinag-halo ni Yen ang black eyeliner at eye shadow pero hindi naman sobrang itim. Basta ang ganda no'ng pag-blend niya.

Then sa dress naman, it was a red sleeveless, fitted dress. It's one inch above the knee. And backless siya. Hindi masyadong daring at formal din ang pagkaka-design. Tamang tama naman ang red pumps ni Eliza. Damn. I should thank her for this.

"Thank you!" I said then hugged them. I am so, so lucky to have a friend like them.

"You're welcome, as always!"

"True. Alam mo naman na kapatid ka namin." Yen said.

Pagkatapos namin mag-yakap an ay saktong 6:30 PM ay handa na kami ni daddy. Nalaglag ang panga ko nang nakita ko si daddy na suot suot ang formal attire niya. Naka tie and coat with slacks siya.

"Ang ganda ganda naman ng prinsesa ko!" dad said then hugged me.

"Same as my dad!"

"But you won't be my princess anymore, ikakasal ka na. Ang bilis."

Napa-ngiti ako. "Dad! ano ba 'yan? 'Wag mo naman ako pa-iyakin! Magagalit si Yen, ganda ganda ng makeup niya sa akin, eh."

Dad chuckled. "Sige na nga. And'yan panaman si Eliza, eh."

Dumiretso kami sa sasakyan ni Daddy at siya na ang nag-drive papunta sa bahay nila Apollo. And on our way to my fiancé's house, we listened to Avril Lavigne's music. But this time, hindi ako nakaka-relate sa break-up songs ng aking favorite singer.

Dumating kami doon ng saktong 7:00 PM. Dala dala ko ang pouch ko at ang mga regalo na ibibigay ko sa pamilya ni Apollo.

Pinapasok kami ng guard at pinag-buksan kami ng golden gate. Dad parked his car In front of  the Atkins' veranda. Tapos no'n ay kumatok na kami sa double doors ng mansion nila Apollo.

"Ate Yvanna!" bati sa akin ni Audri.

"Hi, Audri! Where's your Kuya?"

"He's right here. Iniintay ka niya at naiinip na nga siya, eh. Baka daw 'di ka na dumating." she said then held my hand.

Hinigit niya ako papasok sa mansion nila Apollo at sumalubong agad sa akin ang mommy't daddy ni Apollo. Napapa-mura nalang ako nang nakita ko ang itsura ng mommy't daddy niya. Fuck. Kaya naman pala, gwapo ang kumag na iyon.

"Hi po, Mrs. Atkins." I greeted Apollo's mother.

"Call me Mama. Tutal naman ay magiging parte ka na ng pamilyang ito." ngiti niya at nakipag-beso sa akin.

"Hi po, Mr. A--"

"Papa nalang, hija. Masyadong pormal." ngiti ng papa ni Apollo.

Yayakap sana ako sa papa ni Apollo ngunit naramdaman kong may humawak ng braso ko. Bumaling ako doon sa humila sa akin nang naka-kunot ang noo.

Literally, my jaw dropped when I saw Apollo in his black slacks, navy blue coat and tie. At ang buhok niya ngayon ay hindi gulo-gulo. It was arranged. It was combed. Damn. He's fucking hot. Lalo na nang makita ko ang magandang pagka-tayo ng mga buhok niya sa gitna ng kaniyang ulo. Ayos na ayos ito.

Bumusangot ang mukha niya. "Sabi ko, bawal may humawak sa'yo'ng ibang lalaki 'di ba?"

I chucked. "Are you crazy? Tatay mo naman ang yayakapin ko!"

He shook his head. "Still. What if you realized that you don't love me? And you would decide to love my father, instead?"

Napa-kagat ako ng labi. Shit! Gustong gusto ko siyang batukan ngayon din!

"Caiden, that's too much. You're being too possessive." saway ni Mr--Papa.

"But, dad! I don't want to see her in someone else's arms!"

"Fine! Then I won't hug her,"

Napa-iling nalang ako. Now I know where Apollo got his naughtiness.

"For you po Mrs. A--I mean, mama." sambit ko sabay abot kay mama no'ng pink box na may white ribbon.

"Oh, thank you, hija! I love receiving gifts pero dapat ay hindi ka na nag-abala."

"No, it's fine, Mama." I smiled. Bumaling naman ako kay Papa at inabot sa kaniya ang blue box na may white ribbon din. He thanked me after I gave his present.

"Omg! Andito ka na? Damn! You're so beautiful!"

Napa-lingon naman ako doon sa nagsalita at nakita ko si Ate Ana na naka-white sleeveless, fitted dress and stilettos. Naka-curl din ang buhok niya.

"Long time no see, Ate Ana!" nag-beso kami.

"I know right! I missed you na!"

Inabot ko din sa kaniya ang purple box na may white ribbon.

"Omg! Thank you!"

Inabot ko din ang gift ko kay Audri, and she, too thanked me. Hanggang sa ipina-kilala ko na si daddy kila mama at papa. Pina-kilala din ni Apollo kay daddy ang si mama, papa, Audri at Ate Ana.

"Halika! Do'n tayo sa dining room. Naka-handa na ang pagkain." ani mama.

Tumango kaming lahat at sinunod siya.

Broken Boy meets Broken Girl Stories to obsess over. Discover now