Chapter 32

61 18 0
                                    

Chapter 32- Kaya pala


Mabilis niya ako dinala sa kwarto at hiniga sa kama. Namula ang pisngi ko nang tumigil nanaman siya sa pag halik sa akin at tinignan ang katawan ko. Jusko, Apollo. Can you please just stop doing that? After niya ako titigan ay hinalikan nanaman niya ako at nag simula ng lumibot ang mga kamay niya sa katawan ko.

Loko talaga ito, gusto talaga akong buntisin. Tapos ako naman itong si walang hiya, pumapayag sa kaniya at inaalay ang sarili.

Parehas kaming napa-tigil sa pag halik nang narinig naming tumunog ang phone ni Apollo. Umiling siya at bumaling sa akin. Akmang hahalikan nanaman niya ako ng tumunog pa lalo ang phone.

"Hayaan mo 'yan," aniya.

Lumakas pa lalo ang tunog ng phone.

Tumango ako. "Sige na, sagutin mo na 'yon. Baka importante."

Tumayo siya at napa-kamot nalang sa ulo. "Saglit lang, babe. Tsk... Istorbo naman kasi 'to."

Tumango nalang ako. Baka naman importante iyon. Tumalikod siya sa akin at ako naman ay gumapang sa kama at binalot ang sarili ko ng kumot. Sa gawing dibdib kasi napilas 'yong dress.

Naka-pamewang si Apollo habang nakalagay sa tenga ang phone niya. Tinitigan ko lang siya.

Naka topless nalang siya ngayon at tanging pants nalang ang suot. Grabe. Likod palang alam mo na, na maganda ang hubog ng katawan. Tapos sa braso naman, kitang kita ang muscles niya na tama lang sa size niya, hindi naman kasi sobrang laki na tipong bodybuilder na.

Medyo pawis nadin ang black-brown niyang buhok at magulo na. Well, lagi naman pala iyan magulo.

"Tito, napatawag po kayo? Kasama ko po si Luxien."

Kumunot ang noo ko habang nakikinig kay Apollo. Ano daw? Sino ba 'yung tumawag at bakit ako related do'n?

"Po? Hindi na po... Opo... Ano?... Wala po akong kinalaman doon! Hindi po pwede na..... Opo... What?!" napalakas ang tono ng boses niya.

Tumayo ako sa kama at dali dali nag bihis ng shorts at shirt tapos ay nilapitan ko siya. Sobrang stressed ng itsura niya ngayon kumpara sa kanina. Ano kaya ang problema?

"Sige po. Pupunta ako d'yan pero hindi ibigsabihin na babalik ako sa kan--"

Hinimas ko ang braso niya, napa sulyap siya sa akin sa ginawa ko. Inangat niya ang isa niyang braso at niyakap ako habang nasa tenga padin niya ang phone. Maya maya ay binaba na niya ang tawag.

Bumaling siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga. "Ano ba 'yon, babe?" tanong ko.

"Sorry. Babalik ako baby, huh? May tatapusin lang. Matulog ka na." sabi niya habang nasa noo ko padin ang bibig niya.

Tumango ako, ayoko na siya kulitin. I'm sure naman, sasabihin niya 'yon pagkatapos niya matapos ang problema. Kumalas na kami sa yakap, mabilis siyang nag bihis ng damit. Hinatid ko siya hanggang sa labas ng pintuan tapos ay bumalik na uli ako sa kama.

Ikot lang ako ng ikot sa kama dahil hindi ako maka tulog. Madaming tanong ang nag lalaro sa isip ko. Ano kaya ang nangyari? Bakit nabanggit niya ang pangalan ko? Sino ba  'yung tumawag?

Kaya sa sobrang pag iisip ay madaling araw na ako naka tulog. Kinabukasan ay nagising akong wala padin si Apollo sa tabi ko. Medyo kinabahan tuloy ako. Dali dali kong tinignan ang phone ko at wala akong nakitang ni-isang text galing sa kaniya. Nagkibit balikat nalang ako at naligo.

Pagkatapos kong maligo ay kumain muna ako ng kung anong meron sa ref tapos ay tinignan ko uli ang phone ko. Kumunot ang noo ko. Ano ba nangyari? Bakit wala pang text si Apollo?

Broken Boy meets Broken Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon