Chapter 29

76 19 3
                                    

Chapter 29- Damage


Nakalipas ang isang araw ay andito padin ako sa mansion ni Raven. Pangatlong araw na ni Apollo ngayon sa Batangas, at sigurado akong mamayang gabi ay pauwi na siya. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Hindi ko ata kaya magkaaway kami, pero hindi din naman pwedeng hindi namin pag usapan ang tungkol sa kanila ni Eliza noon. Handa naman akong makinig, kinakabahan lang ako kung ano ang masasabi niya.

Kinakabahan din ako kung handa akong tanggapin kung ano man ang sasabihin niya. Hindi ko din alam kung handa ba ako kung sasabihin niyang mahal padin niya ang kapatid ko. At lalong hindi ko alam kung ipapaubaya ko ba si Apollo kay Eliza, kasi parang hindi ko kayang tignan o malamang may ibang kinababaliwang babae si Apollo bukod sa akin.

Wala na masyadong projects si Raven ngayon kaya sinasamahan niya ako sa mansion nila. Wala pa akong balak bumalik sa bahay, actually, hindi ko nga alam kung kaya ko pa bumalik. Dahil ultimo impyerno ang buhay ko doon.

"Konti nalang talaga makakalbo ko na iyang kapatid mo, ah!" aniya. Napa tawa nalang ako dahil naalala ko tuloy ang kakulitan ni Yen. Asan na kaya ang bruhang iyon? Nasa Newris na kaya siya?

"Hayaan mo na nga sya, Rave," bumuntong hininga ako at hinanap sa contacts ko ang number ni Yen. "Lumabas nalang tayo, may ipapakilala ako sa'yo." sabi ko at sakto ay nahanap ko ang number ni Yen kaya ni-dial ko ito.

Na-sense kong umirap si Raven. "Kung lalaki yan at ise-set-up mo ako sa blind date. No thanks nalang," aniya. Umiling nalang ako.

Maya maya ay sinagot nadin ni Yen ang tawag ko.

"Yen!"

"Oh?" tapos narinig kong humikab siya.

"Nasa Newris ka na ba?"

"'Di. Si dad kasi, ayaw ako pabalikin sa Newris. Eh, sa totoo lang ayoko naman dito sa Manila. Napaka boring."

Tumango tango ako kahit hindi naman niya nakikita. "Ah! Halika, sama ka sa amin ng friend ko. Lalabas kami ngayon papuntang The Groove, free ka?"

"Uhmm... Sige, tutal naman ay wala akong magawa dito." sabi niya. Napatalon ako sa tuwa.

"Sige! See you! Text ko sa'yo kung anong oras," sabi ko tapos binaba na niya ang tawag. Bumaling ako kay Raven na kumakain ng yogurt habang nagso-scroll sa phone niya.

"Raven! Halika dali! Mag bihis ka na, pupunta tayo sa The Groove."

Tumango siya at humikab-hikaw pang tumayo at pumasok sa kwarto niya. Excited ako habang tumatalon talon pang papasok sa guest's room. Nag bihis ako ng karaniwang suot ko, jeans and cropped tops nakaligo naman na ako kaya nag bihis nalang ako ng pang alis tapos ay kinuha ko na ang phone at wallet ko.

Paglabas ko ay hinintay ko muna si Raven sa tapat ng pinto niya.

"Lika na," bored niyang sabi.

"Raven, pwedeng car mo naman ang gamitin natin?"

Tumango siya. "Kay. Kunin ko lang 'yung alarm key." Aniya at pumasok uli siya sa kwarto niya tapos ako naman ay dumiretso na sa labas.

Medyo natagalan  siya sa pagdating. Naka lipas na ata ang thirty minutes pero 'di padin siya dumadating kaya sumigaw na ako. "RAVEN! BILIS NA!"

Broken Boy meets Broken Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon