Chapter 27

69 19 0
                                        

Chapter 27- Back


After ko manggaling sa The Groove ay napag desisyonan kong sa bahay naman umuwi. Kung ayaw nila ako doon ay kailangan nila mag-tiis. Parte ako ng pamilyang ito, at may karapatan ako umuwi sa sarili kong buhay. Tska ano 'yon? Matapos nila akong iwan ng five years ay basta basta nalang nila akong paaalisin dahil bumalik na sila? Hindi naman makatarungan iyon!

Tahimik ang buong bahay nang makarating ako doon. This time, hindi ako magkukulong sa kwarto ko.

Nilibang ko ang sarili ko sa entertainment room namin. Nag laro ako ng billiard (kahit wala naman akong kalaro) or 'di kaya ay, nanuod ako ng movie. Sa sobrang ka-bored-an ay nakatulog ako. Hapon na nang magising ako, agad agad akong pumunta sa kusina para kumuha ng makakain.

Nasa kala-gitnaan na ako ng paglalakad papunta sa kitchen namin nang narinig ko ang boses ni mommy na nanggagaling sa kwarto nila ni daddy, nakinig ako.

"Gawin niyo ang lahat! I can't be caught! Bye!"

'Yan lamang ang tanging narinig ko tapos sakto ay bumukas ang pinto. Namilog ang mata niya nang makita niya ako.

"K-Kanina ka pa ba d'yan?" Tanong niya.

I shook my head. "Hindi po." Sabi ko at akmang aalis na nang nagsalita uli siya.

"Why are you here?"

Napa kagat ako ng labi sa galit. Alam ko naman na ayaw niya ako dito pero jusko naman! Kailangan pa ba itanong iyan? Ang hilig talaga ako saktan ng sarili kong ina.

"I'm here because Grey's also my surname." Tapos naglakad na ako papuntang kusina.

Mabilis ang pag-hinga ko nang nakarating ako sa kitchen namin. Agad-agad akong uminom ng tubig para makalma ang sarili. Nanggalaiti ako sa galit. Kaya wala akong naging choice kung 'di Magkulong sa kwarto at tawagan si Raven, siya lang ang makaka-intindi sa akin.

"Kaya mo pa ba d'yan, Xien?" Tanong niya.

Napa lunok ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko na kaya. Sobrang sakit na kasi, eh. Tuwing uuwi nalang kasi ako dito, ganito lagi ang pakikitungo ni mommy at Eliza sa akin. Buong akala ko ay kaya ko na. Pero hindi. Mahina padin pala ako. Ako padin ito. Ako padin si Xien. Si Xien na kayang kaya nilang saktan. Si Xien na ayaw nila makasama, at higit sa lahat, si Xien na mahina.

Parang kinukurot ang puso ko. Unti-unti nadin tumulo ang luha ko. Pagdating talaga sa pamilya nagiging mahina ako. Sa Sobrang hina, hindi ko na matulungan ang sarili ko. Well, it's my fault in the first place anyway, ako naman kasi itong si 'uto-uto' na laging sumusunod kila mommy noon.

Pero masisisi niyo ba ako? Pamilya ko iyon! Syempre ay kahit anong hilingin o iutos nila sa akin ay gagawin ko! Sila ang unang priority ko! Pero hindi ko din naman inakala na ang mismong pamilya ko pa ang sisira sa pagkatao ko.

"K-Kaya ko pa, Rav-ven..." Nanginginig kong sabi.

Narinig kong bumuntong hininga siya. "I'll go there." Kasunod no'ng ay binaba na niya ang tawag.

Hindi ko na siya pipigilan dahil kailangan ko siya ngayon. Kailangan ko ng karamay. Kailangan ko ng taong magpapayo sa akin.

After 1 hour dumating nadin siya, sinalubong ko siya sa labas dahil baka maunahan pa ako ni mommy. At sigurado akong papaalisin niya si Raven. Hinigit ko agad siya papasok ng kwarto ko.

"Okay ka lang ba pumunta dito? I mean, baka kasi busy ka."

Umiling siya at umupo sa kama ko. "No. Medyo maluwag na ang schedule ko ngayon."

Umupo ako sa tabi niya at kumuha ng unan tapos nilagay ko ito sa lap ko. Nagsimula na ako magkwento at nakikinig naman siya.

"Kung hindi mo na kaya, Xien. 'Wag ka na umuwi dito." Aniya.

Broken Boy meets Broken Girl Stories to obsess over. Discover now