Chapter 40- Masagot
Naka lipas ang ilang araw na parang kahapon lang nangyari lahat. Sa condo unit ko ako nag stay. Madalas naman pumupunta dito si Apollo pero hindi na ako uli pumunta sa unit niya dahil minsan ay pupunta pala doon ng biglaan si Eliza. Hanggang ngayon kasi, ang lama ni daddy, nasa Laverde ako. Tinext ko din naman sila Tita na dito muna ako at babalik nalang ako sa Laverde kapag may update na sa kaso ni mommy.
Medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil nabawasan na ang isang problema ko. Nagkabati na kami ni Apollo. At ngayon, 'yung tungkol naman sa amin ni Raven. Ngayon ko siya tinext na nakikipag meet ako sa 1994 Delights. Gusto ko marinig ang explanation niya. Hindi naman ako galit or naiinis, I just want to know.
Pagka bihis ko ay nilagay ko na ang phone ko sa bag at lumabas na. Hanggang ngayon ay pa-commute commute ako dahil nasa Laverde pa ang sasakyan ko, at isa pa, ayoko magpahatid kay Apollo dahil baka makita kami ni Eliza. Kaka bati pa lang namin at ayaw pa namin kausapin si daddy or si Eliza.
Medyo ma-traffic kaya 10:00 AM ako nakarating sa The Groove. Sana lang ay wala si Eliza sa mall na ito ngayon. Shopaholic panaman iyon, at posibleng magkita kami. Pag pasok ko sa loob ng 1994 Delights ay nakita ko agad si Raven na naka upo sa gawing dulo. Natuwa naman ako dahil saktong dulo ang napili niyang upuan namin.
"Rave!" masaya kong bati. Miss na miss ko na kasi si Raven.
Halata mong nakikiramdam siya at parang binabantayan ang bawat kilos niya. Kaya ako nalang ang humila sa kaniya at niyakap siya. "I missed you! Kumusta ka na?" I asked, tapos kumalas na kami sa yakap namin.
"I'm fine. Uhmm... Xien, loo--" I cut her off.
"Shh. Pwedeng maupo muna tayo?" I chuckled. Halatang kinakabahan siya.
"Xien--" I cut her off once again.
"Order muna tayo." I said. Tapos siya na ang nag order. Nang dumating na ang order ay kumain agad ako at uminom ng frappe. God! Na miss ko ito!
"Xien, I'm sorry." sambit ni Raven.
I smiled. "It's fine. Kwentuhan mo lang ako,"
Sinunod naman niya ako. Kinuwento niya na matagal na sila magkaibigan ni Tyrese, na siyang kinagulat ko. Matagal na pala sila magkakilala, pero bakit ni-isa sa kanila ay hindi nagsabi sa akin? Kinuwento niya pa na, bago daw maging kami ni Tyrese, ay naging sila na. Naghiwalay lang daw sila nang magustuhan ako ni Tyrese.
Tapos no'n ay tungkol sa akin naman ang kinuwento ko. Sinabi ko sa kaniya mga nalaman ko at gulat na gulat naman siya. Pagkatapos ko magkwento ay para akong nakahinga ng maluwag. Ang sarap din pala may mapagkwentuhan ng mga problema mo, parang gumagaan ang pakiramdam mo.
"Tinext ko na si Yen, papunta na daw." ani Raven habang naka tingin sa phone niya. Napag desisyonan kasi namin imbitahin nadin si Yen, tutal ang tagal tagal na naming 'di nagkikita kita. At mukhang, close na nga si Raven at Yen, eh.
Maya maya ay dumating nadin si Yen. Mas lalong sumexy ang katawan niya ngayon kumpara sa huling kita ko sa kaniya. Naka off shoulder dress siya ngayon at stilettos. Naka braid ba ang buhok niya. 'Di talaga 'to sanay magsuot ng jeans at shirt. Swerte din ang makakatuluyan nito pag nagkataon dahil pala-ayos.
"Hoy! Bruha ka! Saan ka ba nagsususuot? 'Di ka namin mahanap ni Raven!" bungad sa akin ni Yen. Napa ngiti nalang ako sa kakulitan nito.
"Mahabang storya." sambit ko.
"Tapos hindi mo ikukwento, gano'n?" umirap siya. Napa tawa ako.
Wala akong naging choice kung 'di, magkwento nadin kay Yen. Para na nga akong nag story telling nga buong buhay ko. Gulat na gulat naman siya sa mga nalaman niya. Para nga daw isang malaking drama ang buhay ko, sabi ko naman, makakaya ko naman.
"Grabe pala, Yvanna." aniya.
Tumango nalang ako. Ayaw ko kasi masyado din pinag-uusapan ang buhay ko. As much as possible, gusto ko ikukwento ko lang pero hindi na iyon ang magiging topic sa buong oras ng pag uusap. Napansin naman nila iyon kaya nag kwentuhan sila tungkol sa mga idols nanamn nila at iba't iba pang celebrities.
'Di ko din naman maiwasang ma-bored kasi hindi naman ako nakaka-relate. Medyo naka relate lang ako nung sinali nila sa topic nila sa Avril Lavigne. Kaso 'di din natagal, dahil hindi naman daw iyon kilala ni Yen.
"Try mong i-search mga kanta niya. Ang gaganda!" Raven suggested. Little black star din kasi ito, kaya ko din siya naging kaibigan.
Yen nodded then they changed the topic. Tungkol nanaman sa 5 seconds of summer ang pinag usapan nila. D'yan naman ako 'di naka-relate. Napa irap pa nga ako nang parehas silang nangisay sa kilig sa pinag-uusapan nila.
Ngumuso ako at tinignan ang phone ko, nakita kong may isang text message do'n si Apollo.
From: Baby Caiden
'Di ka pa tapos?
Agad agad naman akong nag reply.
To: Baby Caiden
Not yet. We decided to invite Yen kasi.
Wala pang isang minuto ay nag reply na siya.
Hmm. Miss na kita, eh.
Napa-irap ako at 'di na siya nireplyan. Baka kung saan nanaman mapunta ang usapan namin. Baka mamaya, eh bumigay ako.
Hindi muna kasi ako naglalambing sa kaniya dahil para hindi muna ako mapalapit agad. Kailangan kong dumistansya kahit papano. Kasi, malay ko ba kung pinapaikot nanaman niya ako. Pero nangako naman na ako sa kaniya at pati sa sarili ko na hindi na ako maghihinala sa pagmamahal niya para sa akin.
Pagkatapos namin sa 1994 Delights ay dumiretso kami sa department store para mag shopping. Pero ingat na ingat naman ang dalawa sa pag takip sa akin dahil baka daw nasa paligid lang si Eliza. Binatukan ko nalang. Napaka paranoid naman ng mga 'to. Syempre, alam ko naman kung nandito si Eliza. Hindi namin kailangang taipan ng panyo ang buong mukha ko.
Pano banaman si Yen, tinakpan ang mukha ko ng panyo niya tapos si Raven naman tingin ng tingin sa kaliwa't kanan.
"Guys, uwi na ako." paalam ni Yen nang matapos kami mag shopping. Kumunot ang noo ko, at parehas pa kami nagkatinginan ni Raven.
"Aga naman yata?" tanong ko.
"Ah. Magba-bar pa kasi. Alam mo naman ako, mahilig nagpunta kung saan saan." aniya.
Nagkatinginan kami ni Raven at parehas humagalpak sa tawa. Buhay prinsesa talaga 'tong babaeng 'to.
"Sige na! Alis na ako, ah? Thank you ulit!" nag wave siya at naglakad na papuntang parking lot.
"Grabe talaga 'yang babaeng 'yan," bumuntong hininga si Raven tapos tumawa nanaman.
Napa ngiti ako. Sobrang saya ko kasi okay kami ni Raven kahit nalaman kong sila pala ni Tyrese. 'Yung kaba niya kanina ay napalitan na ng saya.
Napa lunok ako ng malalim. Matagal ko na itong pinag-iisipan kanina pero hindi ko lang alam kung itutuloy ko. Gusto ko lang maliwanagan at masagot ang mga tanong sa utak ko. Hindi sa, gusto ko siyang balikan or what. Gusto ko lang siya makita uli at masagot ang mga tanong ko.
"Uhmm... Rave?"
"Hmm?" napatingin siya sa akin.
"Pwede ba humingi ng favor?" I asked.
She nodded. "Sure. Ano ba 'yon?"
"C-Can I talk to Tyrese tomorrow? If ever, free ang schedule niya."
Walang pag-aalinlangan, agad siyang tumango. "Of course, Xien. I'll ask him nalang kung pwede bukas. Itetext nalang kita kung free siya tomorrow." ngiti niya.
"Talaga? Thank you!" sabi ko sabay yakap sa kaniya.
"Anytime." she hugged me back. "Alam ko naman kasi na may mga tanong ka pa na matagal mo nang gusto masagot."
Napa ngiti ako. Sobrang swerte ko kay Raven.
--
Hi, readers! Happy 40 chapters! And, bumawi ulit ako ng update. :) may good news po ako sa inyo, medyo matagal pa po ang pasukan ng school namin so baka makapag update ako agad. Sana po nagustuhan niya ang updates ko.
Read, Vote, Comment, and Enjoy!
Love lots!
- Chamcey 💋
YOU ARE READING
Broken Boy meets Broken Girl
RomanceShattered Hearts Series: #1 ✔️ (Editing...) "Broken sticks, broken promises, broken hearts. So many broken things in the world, but the world chose the two of us to meet-up." If your family doesn't consider you as a member, what would you do? If the...
