Chapter 26

85 21 2
                                        

Chapter 26- I'll make sure


Naka lipas ang ilang linggo na hindi padin humihingi ng tawad sa akin si mommy, at hindi padin kami nakakapag usap ni daddy.  Hindi ko alam kung paano ko nakakaya ang pang-iirap at pagbaliwala sa akin ni mommy at Eliza pero alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako. Ang tagal ko inintay mag balik si mommy at daddy dito pero hindi ko alam na ganito pala ang sorpresa nila sa akin.

Para lang akong isang anino sa kanila na nilalagpas-lagpasan. Tanging ang maids at si daddy lang ang bumabati sa akin tuwing umaga. Minsan, kapag hindi ko na kaya ang pangbabalewala nila ay sa condo unit ako nag se-stay. Naging busy din si Apollo kaya hindi na kami masyado nagkikita. Pero madalas siyang nag iiwan ng regalo sa condo unit ko.

Minsan nga, nag iwan siya doon ng pagkain galing sa isang restaurant, at buti nalang naisipan kong pumunta sa condo unit ko no'ng araw na iyon. Kasi kung hindi ako pumunta no'ng araw na iyon ay malamang sa malamang, napanis ang pagkain. Buti nalang talaga.

After ng exhibit ko, wala ako masyadong ginagawa nang mga nakaraang araw. Nag pe-paint lang ako tska nag-kukulong si condo unit ko.

Lumungkot ang mukha ko nang maalala kong aalis ngayon si Apollo dahil i-sho-shoot nila ang models sa Batangas. Pero sabi naman niya, last na ito tapos aalis kami at mag-Bo-bonding pagkatapos niya doon. Naiintindihan ko naman, hindi naman kasi ibigsabihin na kami na ay sa akin nalang iikot ang mundo niya.

"I'll miss you, Babe." He said, then kissed my forehead.

Umangat ako at hinalikan siya sa labi, halatang nagulat siya sa ginawa ko. "Holy crap! 'Wag mo akong simulan, baka hindi na ako tumuloy papuntang Batangas." Aniya.

Umiling nalang ako tapos niyakap uli siya, after no'n ay umalis na siya. Tatlong araw siya doon kaya sigurado akong mami-miss ko siya. 9:00 AM palang kaya hindi pa ako nakaka ligo, actually, puro pintura pa nga ako eh. Nagulat nalang talaga ako nang bumukas ang pinto kanina tapos nagpaalam si Apollo sa akin. Don't get me wrong, matagal ko ng alam na aalis siya papuntang Batangas.

Dumiretso nalang ako sa pag paint habang nakikinig ng music.

"I like your smile
I like your vibe
I like your style
But that's not why I love you

And I, I like the way
You're such a star
But that not why I love you

Hey
Do you feel, do you feel me?
Do you feel what I feel, too?
Do you need, do you need me?
Do you need me?

You're so beautiful
But that's not why I love you
I'm not sure you know
That the reason I love you is you
Being you
Just you
Yeah, the reason I love you is all that we've been through
And that's why I love you

La la
La la la la
La la
La la la"

Napa pikit ako, dindamdam ko ang kanta. Nag flashback sa akin lahat, simula umpisa. Ang unang pagkikita namin ni Apollo, no'ng naligaw siya ng condo unit na pinasukan. Ang pangalawang pagkikita namin sa museum. Ang pag sakay namin sa rides. Ang pag uusap namin. Ang pag punta namin sa iba't ibang lugar. Ang nangyari sa amin sa lighthouse. At lahat lahat.

"I like the way you misbehave
When we get wasted
But that's not why I love you
And how you keep your cool
When I'm complicated
But that's not why I love you"

Bakit nga ba ako na-in love kay Apollo? 'Yan ang tinatanong ko sa sarili ko gabi-gabi. Pero siguro, hindi mo naman kailangan ng dahilan kung bakit mahal Mo ang isang tao. Sapat na siguro ang pinagdaanan niyo (kung meron man) at sapat na siguro na tumibok ang puso mo para sa kaniya.

"Hey
Do you feel, do you feel me?
Do you feel what I feel, too?
Do you need, do you need me?
Do you need me?"

Minsan natatakot ako dahil masyado na akong dumedepende kay Apollo, at baka mamaya ay hindi ko na makayanang hindi ko siya nakakausap o nakikita kada araw. Natatakot din akong mawala siya. Kaya nga, hindi ako bumigay noong una dahil sa takot ko. Dahil alam ko, una palang, kung ano ang habol ng lalaki sa isang babae.

"You're so beautiful
But that's not why I love you
I'm not sure you know
That the reason I love you is you
Being you
Just you
Yeah, the reason I love you is all that we've been through
And that's why I love you"

Pero hindi, 'di ba? Kasi kung katawan ko lang ang habol niya, dapat ay pagkatapos palang ng nangyari sa amin sa lighthouse ay iniwan na niya ako. Pero hindi. Hindi niya ako iniwan, nasa tabi ko lang siya.

Sana lang. Sana lang, kami na nga talaga. Sana, this time, siya na talaga. Sana Tamang lalaki ang minamahal ko ngayon. Kasi, nakakasawa na ma-heart broken, eh. Sobrang nakakasawa. Pag na-ha-heart broken ka kasi, para kang desperado sa pagmamahal. At hindi ko kakayanin kung isang araw ay luluhod nalang ako kay Apollo at humingi ng pagmamahal niya.

Ngumiti ako. No, he won't leave me. He loves me. Kaya hindi niya ako iniiwan. Hindi dapat ako matakot. Tama. Gano'n nga.

Umiling-iling nalang ako habang tinapos ang painting ko. Nilagyan ko ito ng signature tapos naligo na ako. Balak kong pumunta sa mall, ibibili ko nalang si Apollo ng regalo. Pagkatapos ko maligo ay umalis na ako.

Medyo matraffic ngayon dahil Saturday at rush hour. Kaya wala ako naging choice kung 'di mag-intay. 10:00 AM na tuloy ako nakarating sa The Groove. Halos dumugo ang utak ko sa kakaisip kung ano 'yung pwede kong ibigay kay Apollo. Ang gusto lang naman niya kasi, ay magsuot ako ng dress lagi. Tsk. Manyak talaga.

"Ano po ba ang maganda ipang regalo sa lalaki?" Tanong ko sa shoe lady.

"Boyfriend niyo po ba?" Ngumiti siya.

Nag nod ako. "Opo, eh."

"Well, hindi naman po kasi mahilig ang lalaki sa material na bagay tulad ng relo, sapatos or damit." Lumapit siya ng kaunti sa akin. "Kadalasan po, ang gusto nila ay ang virginity ng babae." Namilog ang mga mata ko. Ano gusto ipahiwatig nito? Gusto ko tuloy sabihin, 'nakuha napo niya, eh' kaso nakakahiya tska hindi naman kami close nito.

Binigyan ko nalang siya ng awkward na ngiti. Loko din 'yon, ah?

Pagtagal, naisipan ko nalang siya bilan ng bagong DLSR camera. Pina-gift wrap ko ito tapos ay tumambay muna ako sa Sandra's milk teas, para maiba naman. Lagi nalang kasi ako sa 1994 Delights tumatambay.

Nag Facebook muna ako pampalipas oras. Ni-search ko ang pangalan ni Eliza dahil siguradong nag post siya ng pictures no'ng birthday niya. At tama nga ako, halos puro selfie niya ang pinost niya. Napa buntong hininga nalang ako.

Patuloy padin ako sa pag scroll sa feed niya, hindi naman kasi siya naka private.

Napa tigil ako sa pag scroll ng nakita ko ang isang post niya na 2 hours ago lang.

Elizabella Grey: Finally, nakuha ko na ang lahat. Isa nalang ang kulang. And I'll make sure na sa akin ang bagsak mo.

Kumunot ang noo ko. Sino ang tinutukoy nito?

--
Sorry po dahil maiksi lang. Pero try ko isunod ang chapter 27 ngayon. Try lang po, ah?

Vote, Comment, and Enjoy!

Love lots!

-Chamcey💋

Broken Boy meets Broken Girl Stories to obsess over. Discover now