Harold's Right of Passage

50.3K 441 18
                                    

SEX.

Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal.

Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang. Walang pre-requisite o qualification para rito. If you were horny as a rabbit, you could basically screw anyone as long as it's conscientious.

Para kay Harold Deviera, ito ang kanyang right of passage. Ngayon ang ikalabing-walong kaarawan niya. At ang natatanging gabing ito ang magtatawid sa kanya sa pagiging ganap na binata.

Mabilis pa sa pagsargo ng libido sa kanyang katawan ang maya-mayang pagsikdo ng kanyang dibdib. Halos malunod na siya sa sariling pawis dahil sa nag-uumapaw na tension bago pa man ang magiging first encounter ng babaeng do-donselya sa kanya.

Bilang ang bawat hakbang, tinalunton niya ang masikip at mahabang pasilyo patungo sa numero ng kwartong naka-indicate sa susi na ibinigay sa kanya ng receptionist. Ni-renta iyon para sa kanya ng mga barkada. Kasama na ang ang babaeng lalagariin niya.

Room 201.

Inaninag niya nang maigi ang numero ng kwartong iyon. Sa likod ng pintong ito, naghihintay ang panibagong karanasan. Ito ang magiging unang pagkamulat niya.

"Ugh, putcha!"

Bantulot si Harold, urong-sulong sa simula. Ipasok-ilabas ang susi sa keyhole. Pinuno niya ng hangin ang baga saka marahas na ibinuga iyon. Nang makaipon ng sapat na lakas ng loob ay nanginginig na pinihit ng binata ang seradura, marahang marahan. Pakiramdam niya ay para itong bombang sasabog sa isang maling galaw lamang niya.

Harold drew a deep breath as he glided past the door.

Putcha naman, may isang pinto pa.

Nasa ante-room siya. Kaparehas noong una, maingat niyang inikot ang seradura ng ikalawang pinto. Marahan niyang itinulak iyon.

Sumalubong ang mabango at malamig na hanging nagmumula sa air-conditioner. Ngunit pakiramdam niya ay hindi sapat ang lamig niyon upang pawiin ang mainit na pakiramdam na lumulukob sa kanya. Malamlam ang ilaw sa loob, nanggaling sa dalawang desk lamps na naka-puwesto sa dalawang lamesitang nasa magkabilang gilid ng kama.

Walang anumang gusot ang puting linen na nakatabing sa queen sized bed. May dalawang unan na magkatabi sa ulunan na puti din ang punda. Pulido naman ang pagkakatupi ng kumot sa gitna ng kama.

"Fuck, nasaan...? Pinagloloko yata ako ng mga mokong na 'yon, ah." Usal niya sa sarili nang mapagtantong walang tao roon.

Dumako ang tingin niya sa isang pinto sa kanyang kanan. Dinig ng binata ang mahinang lagaslas ng tubig mula sa loob ng banyo.

Ah, okay.

Malamang naliligo pa ang babaeng binayaran ng tropa upang donselyahin siya. Buong ingat niyang itinawid ang sarili hanggang kama. Naupo sa gilid, pinagsalikop ang mga daliring hanggang ngayo'y nangingislot pa rin dahil sa hindi maipaliwanag na nerbyos.

"Kaya mo 'to Harold. Ito na 'yun, eh." Pampalakas-loob na saad niya.

Habang naghihintay ay pinagyaman ang mga mata sa kabuuan ng silid. Higit na mas malaki ang kanyang kwarto sa kanilang condo kumpara sa kinapapalooban niya ngayon. Kung tutuusin, mas maluwang pa ang banyo nila kumpara rito.

However, his room was boring. Ordinaryong tulugan, pahingahan at tambayan lamang ang silid niyang iyon.

Sa kwartong ito...nandito ang aksyon.

Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon