HINDI niya alam kung saan siya patutungo. Hinayaan lamang niya kung saan siya nais dalhin ng kanyang mga paa. Harold needed a temporary refuge. A silent sanctuary where he could think things over. Malayo sa lahat ng bumabagabag sa kanya. Ngunit kahit ano'ng pagpapagod at pag-aabala ang gawin niya sa sarili, hindi mawaglit sa isip niya ang lahat ng alalahanin.
Bakit kailangang magsalimbayan lahat ng problema sa iisang buhos ng pagkakataon?
Ang kanyang grades at ang napipintong pagkaantala ng kanyang pag-aaral.
Ang banta at ang panggugulo ni Danielle.
Higit sa lahat, ang paghihiwalay nina Henry at Francine na dahilan ng maaring paglayo ni Louise.
The last weighed in even more than the heaviness in his heart now. Hindi maaring umalis si Louise. Hindi sila maaring maghiwalay. Sa murang edad, itinuro na sa kanya ng dalaga ang kahulugan ng pagmamahal. Hindi lamang iyon libog gaya ng ini-insinuate ni Francine. Isinasaksak lamang iyon ng ina ni Louise sa kanyang utak upang isipin niyang hindi malalim ang damdamin niya sa anak nito. Alam niyang sa kaibuturan ng kanyang puso, mahal na mahal niya ang kasintahan.
Ngunit paano kung hindi umaayon ang pagkakataon sa kanilang dalawa? Paano kung sa kagustuhan niyang magkasama sila, masira nila ang isa't isa? Ang buhay at ang mga pangarap ni Louise? Ang sarili niyang pangarap? Hindi kaya masyado silang nagpadala sa kapusukan at nakalimot sa ibang mahahalagang aspeto ng kanilang buhay?
"No! Walang mali sa pagmamahal. It can never go wrong." Malakas niyang sabi sa sarili habang patuloy sa paglalakad sa kalye. Nag-uumpisa nang lamunin ng kadiliman ang paligid. Ngunit wala nang mas didilim pa sa damdaming pumapaloob sa kanya ngayon. Wala nang mas mabigat sa mga emosyong nagsasalimbayan sa kanyang dibdib.
Kailangan niyang uminom. Yeah, he definitely needed that. Pwede sigurong magpasundo siya kay Marco. O Levi. Pero hindi kay Drake. Masama pa ang loob niya rito.
Kailangan niyang lunurin ang sarili panumandali upang kalimutan ang mga problema. Saka na niya iisipin ang kahihinatnan ng lahat. For now, he felt the urge to numb his mind and heart.
WARING tinakasan ng lakas si Louise nang marating ang condo. Pahinamad niyang isinalampak ang katawan sa kama matapos ilapag ang mga pinamili.
Kanina, pakiwari niya ay nakita siya ni Harold sa mall kaya dagli niyang hinila si Drake at kunwang nagpasama sa loob upang bumili ng kung ano-ano. Hindi niya maunawaan ang sarili na siya pa itong iwas gayong si Harold ang nagkasala sa kanya.
Kanina rin habang lulan ng taxi pauwi ay hindi niya naiwasan ang mapaiyak. Hindi naman siya manhid para hindi masaktan sa ginawang paglilihim sa kanya ng nobyo na nakikipagkita pala ito kay Danielle. What was she supposed to feel? Na balewala lamang ang lahat? Na friendly date lamang ito sa pagitan ng dating magkasintahan? No, she did not feel that way awhile ago. Hanggang ngayon, may pagdududa pa ring bumabalot sa kanyang isip.
Nauntag lamang ang malalim na pag-iisip ng dalaga nang malingunan ang pumasok na si Francine.
"Ma? Akala ko mamaya pa ang uwi ninyo ni Tito Henry? Hindi ba may dinner date kayo?'
Pilit na ngumiti ang ina saka derechong naupo sa kama. Bumangon siya at hinarap ito. She could glean sadness in her eyes. Nangangalamuta ito at mukhang kagagaling lamang sa pag-iyak.
"M-may problema ka, ma?"
"Aalis na tayo ng condo baka bukas o sa isang araw. Tutuloy muna tayo sa isang kaibigan ko sa Olongapo habang pino-proseso ang papel natin papuntang Japan."
Kulang ang salitang 'gimbal' upang lunukin ni Louise ang sinabing iyon ng ina. Mas nakakagimbal iyo kaysa isiping tinu-twotime siya ng nobyo.
"Ho?! B-bakit, ma?"
Mapaklang ngumiti ang ina. Tumapat sa kanya saka banayad na hinaplos ang kanyang pisngi. Sumungaw sa mga mata nito ang mga luhang kanina pa kinikimkim. "I'm sorry kung pinasok kita sa gulong ito, anak? I'm sorry kung hinayaan kong..."
Takang tinitigan niya ang ina. "Please tell me, ma. Bakit kayo umiiyak? Bakit tayo aalis? Ano'ng Japan? Bakit tayo pupunta ng Japan?" sunod-sunod niyang tanong. Gumagapang na ang ibayong kaba sa kanyang dibdib.
"Hiwalay na kami ni Henry. Wala nang dahilan para manatili pa tayo rito."
Sunod-sunod siyang umiling. "Ho?! Hindi n'yo na ba maayos ang relasyon ninyo, ma?"
"Alam ko namang simula't sapul mali ang ginawa kong desisyon. Masyado akong nagpadala sa excitement kong finally ay may lalaki nang mag-seseryoso sa akin. Kasi iyon ang ipinakita at ipinadama sa akin ng Tito Henry mo. Kasi anak, masaya ako kapag nararamdaman kong may nagmamahal sa akin. Iyong pagmamahal na matagal ko nang hinahanap. Iyong pagmamahal na buo at tanggap ang buong pagkatao ko. Iyong tanggap ka. Pero iniisip ko rin ang kapakanan natin. Na hindi sapat ang pagmamahal lang..."
"Ma..."
"Mali palang iasa ko sa lalaki ang pagmamahal at katuparan ng mga pangarap ko para sa ating dalawa. Mali palang hanapin ang self-worth sa pagmamahal at pagkalinga ng iba. Naiintindihan mo ba ako, huh, Louise?"
Umiling ang dalaga.
"Self-respect. Iyon ang nakalimutan ko nang dahil sa pagmamahal, Louise. At iyon ang gusto kong ipaintindi sa'yo. Na bago ka magmahal, dapat mahalin mo muna nang buo ang sarili mo. And I'm sorry na pati ikaw ay nadamay sa kagagahan ko."
Tuluyan nang humagulhol si Francine saka mahigpit na yumakap sa kanya. "Sana mapatawad mo ako, Louise."
"P-paano na kami... Paano ho si-"
"Harold?" Francine let out a heavy sigh. Dumistansiya nang bahagya sa kanya. From a soft expression, her face tightened up. "Ayaw ko nang ungkatin ang tungkol sa inyo. Kung paanong nangyari ang lahat. Ayaw kong pangunahan ang damdamin mo pero pwede bang sa pagkakataong ito, pagkatiwalaan mo ang desisyon ko, Louise. Hayaan mo na muna ang mama? At kasama sa desisyong 'yun ang...layuan mo si Harold."
Gusto niyang sumagot ng 'pero' ngunit naumid ang dila niya. Bagkus at naglandas sa kanyang pisngi ang masaganang luha. Nalilito siya. Nalilito siya sa lahat ng sinasabi ng ina. Ngunit may isang bagay siyang labis na inaalala sa gusto nitong mangyari. Ang bagong buhay sa Japan.
Ang bagong buhay na malayo kay Harold.
![](https://img.wattpad.com/cover/68862666-288-k944368.jpg)
BINABASA MO ANG
Wild Innocence
RomansaSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...