Taking The Final Blow

9.5K 146 6
                                    

                  "HAROLD!" gulat na bulalas ni Levi nang pagbuksan siya nito ng pinto.

Parang ibinabad ang mukha nito sa suka sa labis na pamumutla pagkakita sa kanya. Nadagdagan ang hinala niya sa pagkaaligaga nito. He could sense he was bothered as hell. Bantulot ito kung papasukin siya o hindi.

"Pwede ba tayong mag-usap, pare?"

Sumidhi ang tensyong nabanaag niya sa mukha ng kaibigan. O kung kaibigan pa niya itong ituturing sakaling makumpirma niya ang hinala.

"T-Tuloy ka..." nag-aalangan nitong sabi bago niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

Bumulaga sa kanya ang magulong silid ni Levi. Maliit lamang ang unit nito. May maliit iyong sala na naglalaman ng isang mahabang upuang monobloc na kulay green at wooden stool na sira. May mataas na Orocan cabinet, kahilera ng book shelf na wala namang libro ang nagsisilbing dibisyon ng sala at kwarto nito. Sa gawing kaliwa ay may maliit na pasilyo derecho sa kusina kung saan malapit lang din ang banyo.

Sininop ng kanyang paningin ang kinapapaloobang silid. May ilang beses na rin silang nakapag-inuman ng buong tropa roon. Pero nang mga sandaling iyon, parang estranghero siya sa lugar na dating pamilyar sa kanya. Katulad ni Levi, na sa isang iglap ay parang estranghero na rin sa kanya.

"Ikukuha lang kita ng beer. May stock pa ako sa kwarto. Bibili na rin ako ng yelo-"

"Mag-uusap lang tayo, Levi. Huwag ka nang mag-abala." Sansala niya.

Mas naging obvious ang pamumutla nito, iyong reaksiyon ng asawang pumependeho sa mga misis nila matapos mahuli sa akto. Itinuro nito sa kanya ang monobloc chair upang okupahin iyon. Tumalima siya. Humila ng isa pang upuan ang kaibigan at pumuwesto sa harap niya.

Tinantiya niya ito ng tingin. Harold's gaze seemed to penetrate into his very soul. Kilala niya ang kaibigan. Kapag guilty ito, ito na ang kusang pumipiyok. Levi cleared his throat. Hindi nga siya nagkamali nang mag-umpisa itong magkwneto, malikot ang mga mata na hindi mawari kung kanino o kung saan titingin.

"I'm sorry, Harold. Si...si Danielle. Kinausap niya ako na kung pwedeng gumawa ako ng paraan na magkausap kayo. Nang gabing yayain mo ako sa bar, itinext ko sa kanya kung nasaan tayo."

Harold felt his jaw stiffened. Hudyat iyon na naghihintay pa siya sa susunod na sasabihin ng kausap.

"Maniwala ka, wala akong alam sa kung anuman ang plano niya. Nakiusap siya sa akin nang araw na 'yon, may mahalaga lang daw siyang sasabihin sa'yo. Naawa ako sa kanya." Bumuntong-hininga ang lalaki. "Kahit naman hindi mo nakukwento ang tungkol sa inyo ni Danielle, alam kong malalim ang pinagsamahan n'yo. Inisip kong wala namang masama kung...kung pagbibigyan ko ang huling niya."

Yumuko panumandali si Levi bago muling kinatagpo ang kanyang mga mata. "Iyon lang 'yon, pare. Nang makita kitang kinakausap si Danielle sa dance floor, kusa na akong lumabas sa bar. Ang pplano ko ay magpahangin sa labas saka kita babalikan sa loob. Pero pagbalik ko, wala ka na. Wala na kayo ni Danielle. Ang sabi ng security na napagtanungan ko, sa kabilang pinto kayo dumaan palabas. That was it..."

He was lying, he could sense he wasn't telling the whole truth. Just snippets of it. May ilan pa sana siyang itatanong kay Levi nang mag-vibrate ang kanyang phone. At nilukuban siya ng masidhing lamig sa nabasang mensahe mula kay Francine.

"Harold, pmnta ka ng Ospital ng Maynila. ASAP. Naaksdnte si Henry."

Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon