ILANG ULIT NA inihilamos ni Harold ang mga kamay sa mukha. Nang hindi makontento ay binuksan niya ang gripo ng lavatory at hinayaang malayang dumaloy ang tubig sa kanyang mga kamay. Ngunit kahit anong gawin niya'y hindi matupok-tupok ang init na lumukob sa kanya, waring gumapang pa iyon hanggang sa kanyang kaibuturan. Hanggang ngayo'y naninikip pa rin ang kanyang pantalon sa harapang bahagi sa epekto ng pagkakadaiti ng kamay ni Louise sa kanyang hita kanina. Inayos na niya iyon sa loob ng cubicle kanina ngunit ayaw yata paawat ang pagngangalit ng kanyang alaga.
"No, Harold. Louise is different. Hindi siya ang klase ng babaeng pinararausan." Pag-remind niya sa sarili.
Tinitigan niya ang sarili sa salamin, patuloy ang pagsansala ng malamig na tubig sa kanyang mga kamay. Nang walang mabago sa pagkabuhay ng kanyang pagnanasa ay kagyat siyang naghimalos. Kinusot-kusot niya ang mga mata saka marahas na nagbuga ng hangin. Lumikha iyon ng vapor sa salamin.
Matapos gawin iyon ay lumabas na siya saka nagbalik sa loob.
"Ang tagal mo yata. Matatapos na ang palabas." Bungad ni Louise na nagbigay daan sa kanyang pag-upong muli.
Agad niyang tinapunan ng ngiti saka muling umakbay.
"Ang haba kasi ng pila." Pagdadahilan niya saka ipinagpatuloy ang panonood.
BALOT NG PAGTATAKA ang mukha ni Louise nang maratnan ang ina na nag-eempake.
"Alis ka, ma? Bakit ang dami mo yatang baong damit?" tanong niya nang makita ang nakasalansan nitong mga damit. Sinimot nitong halos ang laman ng tokador.
Mula sa pagkakaupo sa kama ay tumayo ang ina saka dumerecho sa isa pang cabinet at inilabas ang laman ng mga drawers.
"Mag-empake ka na rin, Louise. Aalis na tayo rito sa apartment. Tatapusin lang natin ang renta hanggang sa makalawa."
"Hindi na ho tayo mangungupahan sa apartment? Ang tagal na natin dito, ma. Bakit ho? Saan tayo lilipat?" sunod-sunod na tanong niya hang nakamata sa inang maliksing paroon at parito.
Tumigil ito saglit sa ginagawa at hinarap siya. "Doon na tayo kina Tito Henry mo titira."
"What!?"
Pakiwari ni Louise ay nanigas ang panga niya sa sinabi ni Francine. Nang makabawi ay umupo siya kama at pinanood ulit ang ina habang nagtutupi. "Bakit ho?"
"Nagdesisyon kami ni Henry na magsama na sa condominium n'ya. Doon na tayo titira."
Naalarma siya. Sa condo ng papa nito nakatira si Harold. Ibig sabihin ba noon, titira silang apat sa isang bubong? Ano na lang ang iispin ng mga kaklase o kaibigan nila ni Harold na makakaalam ng kakaibang set-up nilang apat?
"Alam ko ang sa isip mo, anak. Nag-aalala ka ba na makasama sina Henry at Harold sa iisang bahay?" nanghulang tanong nito.
"Hindi ba awkward, ma? Awkward na ngang mag-boyfriend kayo ni Tito Henry pagkatapos ay titira pa akong kasama siya at si Harold..."
"Oh, ano naman? Pero teka, kayo ba ay nagkakamabutihan ni Harold? Sinagot mo na ba ang panliligaw niya? O nanliligaw nga ba siya sa'yo? Naguguluhan ako sa real score ninyong dalawa, ha."
Saglit na natameme si Louise.
Mutual decision nila ni Harold na huwag sabihin sa mga magulang ang tungkol sa relasyon nila. Alam ni Francine na nanliligaw ito sa kanya pero agad niyang pinalis sa ina ang ideyang iyon mula nang malamang nagde-date ito at si Henry. Hindi naman sa natatakot siyang ipaalam dito ang tungkol sa relasyon nila. Ang ikinababahala niya ay ang pagtanggap ng ibang taong makakaalam sa sanga-sangang love life nilang mag-ina.
She wanted to keep it to the downlow. Pinagsabihan na rin niya Harold tungkol sa nais niyang mangyari at pumayag naman ito nang walang alinlangan. Lately nga ay hagya na silang mag-usap ng binata sa university.
"Hindi mo na sinagot ang tanong ko. Kayo na ba ni Harold?" untag ni Francine.
"Magkaibigan lang kaming dalawa, ma. Hindi na siya nanliligaw sa akin. Simula noong nalaman naming na kayo na ni Tito Henry."
"O, iyon naman pala. Hindi mahirap sa'yong pakitunguhan si Harold kung walang namamagitan sa inyo. Isa pa, malaki ang condo ni Henry. Apat ang kwarto kaya maluwang pa tayong lahat doon. Hindi naman siguro kaso sa'yo na magkakasama tayong apat d'un."
Maluwang ang condo unit ngunit magiging masikip ang mundo niya kasama ang boyfried sa iisang bahay. Komplikado man para sa kanya, wala na siyang magagawa sa desisyon ng ina. Francine's decision could not be swayed once she made up her mind. Danas na niya iyon sa ina sa tuwing may gugustuhin itong gawin.
Hindi na nakipag-argumento ang dalaga bagkus ay tumalima na lamang siya sa inuutos ni Francine. Mag-uusap na lang sila ni Harold ukol sa bagay na ito. Sigurado naman siyang nabanggit na ng papa nito ang tungkol sa pagmove-in nilang mag-ina sa condo nito.
BINABASA MO ANG
Wild Innocence
RomanceSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...