DALAWANG PINAGHALONG emosyon ang sumaklot sa puso ni Louise nang makita ang humahangos na si Harold. Awa sa miserableng hitsura nito kasabay ng matinding pagkasabik na yakapin ang kasintahan. Nais niyang makiramay sa pinagdadaanan nito ngayon o kung maari lamang ibsan ang takot na nararamdaman nito. Ngunit pinipigilan siya ng pagdududa at galit dahil sa nalamang pagtataksil nito. Or if she would give him the benefit of the doubt, Harold still kept something from her knowledge. Alam niyang mali ang lugar at sitwasyon para sa isang komprontasyon.
Not now.
Let Harold think of nothing but his father. Kailangan ng Papa nito ang presensya ng isang anak. When times got hard, Henry needed a logical son. Kailangan ni Harold na kalmahin ang sarili, ang ipakita sa ama na malakas ito.
Hindi niya namalayan kung dumako ang paningin ni Harold sa kanya dahil agad niyang idinistansiya ang sarili. Louise didn't why she did that. O siguro natural na reaksiyon iyon ng kanyang katawan matapos ang mga nalaman. Hindi siya manhid para hindi masaktan.
"Harold, mabuti at nakarating ka agad." Niyakap ni Francine si Harold. Noong una'y nag-aalangan ang binata, hindi niya alam kung ano ang eksaktong ipinahiwatig ng body language nito. There was certain awkwardness between them. May nababanaag din siyang indifference sa parte ng binata.
Hindi kaya sinisisi nito ang Mama niya sa nangyari sa Papa nito? No! Agad niyang sinawata ang naiisip.
Sa loob ng ilang segundo, tila tuod lang na nakatayo ang kasintahan habang yakap ng Mama niya. He just stood rooted to the ground. Ngunit kalaunan, parang nanlupyo ito at ipinulupot ang braso sa kanyang Mama. Nakita niya ang paglukot ng mukha ni Danielle at ang bahagyang pagtigas ng panga ni Drake habang magkayakap ang dalawa.
Matapos ang ilang sandali, nagbitiw si Harold, madilim at malungkot ang mga matang pinukol siya sa kanyang kinatatayuan. May sinasabi ang mga mata nito. Hindi niya mawari kung ano. Pananaigin ba niya ang galit?
Louise heaved an air of weariness.
Harold needs you now, Louise. Go on, hug him. Make him feel safe. Assure him that everything will be fine. Mahal mo naman siya, 'di ba? At hindi kayang tuluyang takpan ng malaking pagdududa ng pagmamahal na 'yon.
Kumilos siya mula sa kinatatayuan. Marahan niyang inihakbang ang paa upang lapitan ang nobyo at ang ina. Ngunit tumigil siya nang lumapit sa kanya si Drake. Napatda siya sa ginawa nitong biglang pagyakap sa kanya.
"Okay ka lang, Louise? I just learned everything from Danielle." tanong nito nang kumalas.
Tumango siya. Pagkuwa'y tinapunan niya ng tingin si Harold na nakapako lang sa pagitan nina Francine at Danielle sa gilid nito. Maya-maya, umupo ito sa mahabang metal chair, napapagitnaaan ng dalawang babae. Nag-uusap ang tatlo at alam niyang dindetalye ni Francine sa boyfriend ang nangyari sa ama nito at sa kalagayan nito ngayon.
Nauntag siya sa narinig na mahinang ungol ng boyfriend. Ikinulong ng lalaki ang mukha sa dalawang palad. Humahagulhol ito. Nang matanaw ang eksenang 'yon, halos madurog ang puso niya. Muli siyang nagtangkang lumapit ngunit nadaman niya ang mainit na kamay ni Drake na kumulong sa isang kamay niya. Nakontento na lamang siyang tingnan ang nobyo, hagod ni Francine ang likod ng binata habang si Danielle ay hinimas-himas ang tuhod nito.
Maling magselos sa emosyonal na sandaling ito para sa kanilang lahat. Mali ang pagngingitngit na naramdaman niya. Ang muling pagbangon ng pagdududa na sa nakikita niya ngayo'y maaring kumpirmasyon ng lahat. Ng kanyang naunang hinala. Ng mga sinabi ni Danielle sa kanya kahapon. Ng dahilan ng dalawang araw na pagkawala ng nobyo.
She wanted to say something and yet her words lodged in her throat. She let it die there. At times like this, there were words best left unspoken.
Nanatili silang nakatayo ni Drake. "M-may ipapakiusap sana ako, Drake..." Louise forced each word from her mouth. Gumaralgal iyon ngunit agad niyang pinalis ang panginginig ng tinig sa pamamagitan ng paghugot ng hangin sa dibdib. "Alam kong hindi tama ang pagkakataon at alam ko ring nalilito ka na makita ako rito. I mean, hindi mo siguro alam ang tungkol sa relasyon ng Mama ko at ng Papa ni Harold..."
"Don't worry, Louise. Wala akong nakikitang mali sa sitwasyon. Isa pa, matagal ko nang alam ang tungkol sa pagkakaibigan n'yo ni Harold. Hanggang sa nalaman ko kay Danielle ang set-up ng family n'yo."
Eh, ang tungkol sa relasyon nila ni Harold, ikinuwento rin kaya iyon ni Danielle? Pero sa nangyayari ngayon. Sa napipintong pag-alis nilang mag-ina sa poder ni Henry at pag-transfer out niya sa pinapasukang university, mahalaga pa ba iyon? It would not matter anymore. More than anything or anyone else, ang kalagayan ni Henry ang mahalaga ngayon.
"Si Tito Henry...siya na lang ang naiwang pamilya ni Harold. Paano kung-" Umiling-iling siya, agad na pinahid ang luhang nangilid sa mga mata.
"Tito Henry will be fine, Louise."
"Oh, God. Napakabait niya para mangyari ito sa kanya."
"Accidents happen. Bad things happen to good people too. Walang may gusto ng aksidente, Louise. Huwag kang mag-alala, malalampasan ni Tito Henry ang lahat ng 'to. Even Harold."
Ipinikit niya ang mga mata sa muling pagsaklot ng katanungan sa kanyang isip. Gusto niyang palisin ang ideyang kumintal sa kanyang utak ngunit sa pagbalong ng nagsasalinbayang damdamin, kailangan niya ng kapangyarihan na kontrolin ang sarili. Louise felt vulnerable to think rationally enough.
Not now, Louise. Wrong timing ka, eh.
No, may lilinawin ka lang naman. Alam niyang sa nangyayari ngayon, hindi siya makakakuha ng kasagutan kay Harold. Siguro naman, may ilang bagay na kayang linawin si Drake.
"M-may itatanong sana ako, Drake."
Tumitig sa kanya ang lalaki. Nangunot ang noo nito sa nabanaag na urgency sa kanyang sinabi. "Tungkol ba kay Harold at Danielle?"
She swallowed an imaginary lump. "Hindi ba maling itanong ko ito sa kabila ng nangyayari? It's a selfish thought pero dalawang araw na akong hindi matahimik. Ayaw kong komprontahin siya ngayon. Napaka-insensitive sa parte ko para gawin iyon sa kabila ng sitwasyon ni Tito Henry..."
Tumango si Drake. "Gusto mo bang sa cafeteria na tayo mag-usap? Namumutla ka na. Kailangan mo ring kumain. Hayaan mo na muna si Harold sa Mama mo at kay Danielle."
Iyon nga ang isa pang ipinagngitngit niya. Ang presensya ni Danielle, ang pag-akto nitong girlfriend ni Harold gayong siya dapat ang katabi ng nobyo ngayon. Siya dapat ang umaalo rito, dumadamay dito. Pero hindi niya magawa. Iyon bang parang may invisible wall sa pagitan nila ng kasintahan na hindi niya maaring tibagin. Maybe that same wall was what holding Harold together now.
Si Drake na ang nagbigay alam sa tatlo na sasaglit sila sa cafeteria para kumain at bumili na rin ng para sa tatlo. Nabanaag niya ang pagtiim ng panga ni Harold sa pagpaalam ni Drake. Natuon ang paningin nito sa kanya at sa unang pagkakataon, nagtagpo nang matagal ang kanilang mga mata.
Louise could feel her knees wobble at his mere gaze. Ang mga tinging iyon ang tanging may kakayahang burahin ang alinlangan at pagdududa. But ske knew, it was not the way Harold used to look at her. Nang-uusig ang mga matang nakatunghay sa kanya. Nagtatanong. Nagbabanta.
Nababanaag niya ang poot.
Bakit?
Galit ba ito sa kanya o sa nangyayari? Harold must be really distraught about Henry. Iyon nga siguro ang dahilan. Anyway, makakahanap din siguro siya ng pagkakataong magkasarilinan sila ni Harold mamaya. Malayo sa mga mata ni Francine na pakiwari niya ay laging nakabantay sa kilos nilang dalawa ni Harold. O sa paningin ni Danielle na ginagawa yang lahat para agawin sa kanya ang atensyon ng nobyo.
BINABASA MO ANG
Wild Innocence
RomanceSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...