Tormenting Fire

13.5K 160 2
                                        

NAGPASYANG MAG-SHOWER ni Harold upang palisin ang init na lumukob sa kanya. Naroon pa rin ang ala-ala ng ginawa niyang oral sex kay Louise.

Muling umigkas ang kanyang batuta sa pagbabalik-tanaw sa naganap kanina. Malaya niyang piaagos ang tubig mula sa dutsa at ipinadaloy iyon sa kanyang katawan. Malamig ang tubig ngunit hindi sapat iyon upang tupukin ang nag-uumigting na libog na nadarama niya. Ipinikit niya ang mga mata at sinabon ang kanyang dibdib. Nanigas ang kanyang utong sa pagdunggol ng mga daliri niya sa mga iyon. Ibinaba niya ang isang kamay sa puson at minasahe iyon samantalang ang kanan ay idinapo niya sa tirik niyang ari.

Binalot niya ng palad ang katawan ng kanyang sandata, pinadulas ang masabong palad. Marahan niyang pinisil ang ulo niyon. Parang nakiliti ang kanyang puson sa ginawang iyon. Itinuloy niya ang pagmasahe sa kanyang ari habang nakapikit at inaalala ang ginawa niyang pag-brotsa kay Louise.

"Oh, shit..." aniya nang makuha ang ritmo ng pagsalsal ng kanyang kamay sa kahabaan niyon.

Napapaigtad siya sa pagdunggol ng palad sa sensitibong ulo sa mabilis-mabagal niyang paghagod. Walang kapaguran ang kanyang kamay sa ilang minutong pagsalsal. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang kalauna'y madama ang kiliting nag-iibayo sa kanyang puson.

Lalabasan na siya.

Itinukod niya ang kaliwang braso sa dingding ng banyo upang suportahan ang katawan. Umangat-bumaba ang kanyang balakang. Paminsa'y tumitihin siya upang habulin ang bawat pag-igkas ng kanyang kamay. Ang kiliti sa kanyang puson ay gumapang sa pinadulo ng kanyang sandata. Parang cobra na lumaki ang ulo niyon at sa muling pag-igkas ng kanyang palad ay napaungol siya sa pagtilamsik ng saganang katas sa dingding ng banyo. Tumulo iyon hanggang sahig ay sumama sa tubig na dumadaloy pababa. Nanginginig-nginig na piniga niya ang ari hanggang sa walang nang lumabas doon.

Habol pa rin ang hininga, inalis na niya ang pagkakatukod ng braso saka hinagilap ang sabon. Itinuloy na niya ang paliligo matapos makaraos.


"KUMUSTA NAMAN ang first week mo sa condo?" panimulang tanong ni Amie nang sabay silang nananghalian sa branch ng Chowking na malapit sa school.

Parehas nang tapos ang kanilang klase ngunit sa halip na umuwi, niyaya ni Louise ang kaibigan na mag-usap. Isang linggo kasi matapos ang 'encounter' nila ni Harold ay hindi na napakali si Louise. Nabibilisan siya sa mga pangyayari at hindi makasabay ang kanyang utak sa takbo niyon. Gusto niyang sumalungat sa daloy ngunit ang udyok ng kanyang puso at katawan ay nagsasabing gusto niya ang mga nangyayari.

Matapos ang namagitan sa kanila ni Harold, walang nagbago sa pagitan nila. Pakiwari niya'y mas naging agresibo pa ito sa kanya. Ngunit para sa kanya, lalong nag-ibayo ang tensyon sa kanilang pagitan. Pero may pagkakataong pinanabikan niyang gawin ulit ni Harold sa kanya ang pagpapaligayang ginawa nito.

Nilaro-laro lamang ng dalaga ang pancit canton sa pamamagitan ng tinidor. Tiningnan ang kaibigang naghihintay sa isasagot niya sa tanong nito.

"Okay naman.." matipid niyang turan.

"Ano'ng okay? Okay na magkasama kayo ni Harold sa iisang bahay? Okay as in exciting? Frustrating? Hindi ba para na rin kayong nagli-live in ng boyfriend mo?" prangkang tanong nito sa mahinang tinig, ilag sa mga estudyante ng Saint John The Baptist na naroon.

"Iyon nga eh. Hindi ko alam kung ano'ng level na ang relasyon namin."

Napa-facepalm ang kaibigan saka siya pinanlakihan ng mga mata.

"Dios mio naman, Louise. Ano'ng tawag n'yo sa relasyon n'yo eh exclusively dating kayo? Magdyowa kayo baka nakakalimutan mo. Saka ano'ng level up ang sinasabi mo?"

"Hindi ko nga alam." Giit niya.

"Hindi ba ang usapan naman ninyo ay hindi ninyo seseryosohin ang mga bagay-bagay. Go with the flow. Give it a try. Make it work. Ang mahalaga masaya kayo sa mga nangyayari."

"Ewan ko." Nagkibit-balikat siya. "Siguro may hinihintay lang ako."

"Iyong I love you niya?"

Tumango siya. "Actually mukhang ako rin ang dahilan kaya ganoon lang ang usapan namin ni Harold. Sinabi ko kasi noon na hindi pa ako ready sumugal sa relationship. Kaya siguro nag-aaalangan siyang sabihin iyon sa akin..." bumuntong-hininga siya. "O baka talagang gusto n'ya lang ako. Hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman niya sa akin." Nanghihinang saad niya.

Natahimik si Amie. Katulad niya'y pinaikot-ikot lang ang pansit sa tinidor nito. "MMU nga lang kayo."

Kumunot ang noo niya. "MMU. Bakit nadagdagan na ng M?"

"MMU as in magdyowang malabo ang usapan."

Natawa siya. After a few seconds, she let out an air then looked away. Pagkatapos ay ibinalik ang mga mata sa kaibigan.

"MMU, siguro nga tama ka. Pero may nangyari-"

"O, shit! Iyan na nga ba ang sinasabi ko." Putol ni Amie, bakas ang disppointment sa mukha. Napasiksik ito sa inuupuan.

"T-teka, hindi naman as in sex ang nangyari. Parang ano lang..." depensa niyang halos pabulong.

Oral sex. Cunnilingus. Petting, necking and manual stimulation. All those amounted to sex. Nirendahan ni Louise ang pangongontra ng utak niya.

"Ano'ng ano lang?"

Hindi niya alam ang isasagot. Saglit siyang natahimik.

"Nabibilisan ako sa mga nangyayari. Kahit naman magdadalawang buwan na simula nang pumayag ako sa relasyon namin, parang ang bilis lang."

"Gaga, sagutin mo ang tanong ko. Ano nga'ng nangyari." Pangungulit nito.

"Basta. Huwag mo nang ungkatin. Just trust me na hindi iyon kagaya ng iniisip mo."

"Sino ba'ng nagsabing sex ang iniisip ko."

Tinampal niya ang braso ng kaibigan. "I'm serious. Namomroblema na nga ako, lalo mo pa akong nililito." Reklamo niya.

"O siya, 'di hindi na sex kung hindi sex." Pilit na sang-ayon nito. Kontrolado rin ang boses ng kaibigan dahil sensitibo ang topic nila. Maigi na iyon kahit pa nga malayo-layo sa sulok na pinuwestuhan nila ang ibang kumakain sa fastfood.

"Sino ba ang gumawa ng first move?" pagkuwa'y tanong nito.

Pinamulagatan niya ang kaibigan. Sumipsip ng iced tea saka salubong ang kilay na pinukol ito ng tingin.

"Malamang siya. Ano naman ang akala mo sa akin? Manyak?" natatawang palatak niya.

Napalakas yata ang boses niya dahil tumawag iyon ng atensyon ng grupong tatlong table ang layo sa kanila.

"Noong siya ang nag-initiate, pumalag ka ba? Tumanggi ka ba?" Amie probed.

Nahihiyang napayuko ang dalaga.

"O, 'di gusto mo rin ang nangyari."

"Parang..."

"Parang." Panggagaya ng kaibigan. "Pumayag ka sa gusto n'yang mangyari, kung ano man ang nangyari na 'ika mo ay hindi naman sex. That means, bukal sa loob mo at gusto mo ang namagitan sa inyong dalawa. And that means...again, na wala kang dapat pinoproblema. Go with the flow ka na lang."

"Hindi mo man lang ako bibigyan ng advice?"

"Ano'ng advice ang ibibigay ko sa'yo, eh mas matino ka sa akin. Ang kailangan mo lang isipin ay kung worth it ba si Harold sa pagbali mo sa sarili mong prinsipyo. Kung tingin mo ay hadlang siya sa pangarap mo gaya ng sinasabi mo noon, tanungin mo ang sarili mong kung handa ka bang isuko ang pangarap mo dahil sa pagmamahal sa kanya. Pagmamahal ba o kung ano pa ang tawag sa nararamdaman n'yo sa isa't isa dahil kasasabi mo nga lang, kayo na parang hindi. Magdyowang malabo ang usapan. MMU, as in ganern." Mahabang litanya nito.

Nagkatinginan sila saka parang timang na sabay ding natawa.

"Kumain na nga lang muna tayo, baka gutom lang ito."

"Kumain ka nang marami para sa susunod na yayain ka ni Harold, may resistensya ka."

"Gaga!" palatak niya sa mababang tinig.

Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon