DANIELLE HAD EVERY RIGHT to feel the bitterness she's feeling right now.
Kailangan siya ni Harold. Nabawasan man ang pagmamahal nito sa kanya pero sapat nang kailangan siya nito. Ngunit hindi siya manhid para hindi maramdaman ang nararamdaman niya ngayon. Tahimik na nagngingitngit ang kalooban ng dalaga habang nakikita ang reaksyon ni Harold sa naratnang tagpo sa pagitan nina Drake at Louise.
Nagseselos ito, alam niya.
Nagpalipat-lipat ang tingin ng binata sa dalawa pero nagbabad iyon kay Louise. Louise had a straight face on but she looked bothered, she could tell that. Ang tagpong ito ang lalong magpapatibay sa hinala ni Harold na may namamagitan sa pagitan ng girlfriend nito at ni Drake. Umaayon sa kanya ang sitwasyon.
Harold is all mine, bitch. Kami ang nararapat sa isa't isa. Kung kailangan ko mang gumawa ng mga kasinungalingan para lang lumayo siya sa'yo, gagawin ko. I will not let you win this time, Louise Delagado!
"Louise, nakakaistorbo yata kami...sa date n'yo." Danielle broke the silence. "Kanina pa ba kayo rito?"
Pinukol siya ng masamang tingin ni Louise ngunit ngisi ang iginanti niya rito.
"I-Its not what you think, Dani. Niyaya ko lang magkape si Louise. Saka may in-order na kaming food para sana sa inyo. Join us here, Dani. Harold..." tumayo si Drake upang i-offer ang bakanteng upuan katapat ng pwesto nito. Ngunit tila wala sa sariling nakapako lang ang mata ni Harold kay Louise.
Muli niyang binalingan si Louise. Inaninag ang magiging reaksyon nito. There wasn't any trace of guilt on her pale face. Ang tanging emosyong nakapinta roon ay pag-aalala. And oh, she could tell she's jealous too. Marahil, nanggigigil ito sa selos dahil sila ni Harold ang magkasama ngayon. Na siya ang umaalalay sa boyfriend nito.
Exactly what she planned.
Walang imik na umupo si Harold katapat ni Louise. Maliksi naman ang kilos na inilapag ni Drake ang mga sandwiches na para sa kanila. Ngunit hindi iyon ginalaw ng binata. Tumabi siya rito, masuyong hinagod ang likod nito. "Kumain ka na, Harold. Kailangan mo ng matibay na resistensya sa sitwasyon mo ngayon."
"Busog pa a---"
"Kagabi ka pa walang kinain." Binigyang diin ni Danielle ang salitang "kagabi". Siguro naman "gets" ni Louise ang nais niyang ipakahulugan. Well, totoo naman. Magdamag silang magkasama ni Harold kagabi. "Wait, ikukuha rin kita ng kape saka extra sandwich. Kailangan mong kumain nang marami."
Hindi na niya hinintay na sumagot ang binata. Muli siyang tumayo at tumungo sa counter. Um-order siya ng dalawang ham sandwich at dalawang tasa ng kape. Habang hinihintay ang order, pasimple niyang inobserbahan ang tatlong kasama.
"Ano, Louise?" bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang dalaga sa kanyang kinatatayuan. "You can't beat me. You will never beat me... Let's see kung sino ang mananalo sa atin."
Bitbit ang tray, lumapit siya sa tatlo. Agad niyang inabot kay Harold ang sandwich. Inilapag rin niya ang tasa ng kape sa harap nito.
"May gusto ka pa bang kai---"
"Okay na 'to. Salamat." Kumagat sa sandwich si Harold. Nangangalahati na ang kinakain nito pero nanatiling tahimik ang lahat. Para silang mga time bomb na malapit nang sumabog dahil sa nag-uumpaw na tensyon. The timing is just right.
"How's Tito Henry?" Basag ni Drake sa katahimikan. "N-Nagkamalay na ba siya?"
Nauntag si Harold mula sa tahimik na pagnguya. Walang emosyon na hinarap nito ang kaibigan. "Inoobserbahan pa rin siya ng mga doktor." Humigop ito ng kape.
Muling hinagod ni Danielle ang likod ng binata. "I'm sure magiging okay si Tito. He's a fighter. Saka 'wag ka masyadong mag-worry. Drake and I are here for you. Hindi kami mawawala sa tabi mo."
"Thanks."
"Anyway, how is your Mom holding up, Louise? Sobra siguro siyang nag-aalala ngayon."
Tiim ang bagang na umangat ang mukha ni Louise. Hindi ito umimik ngunit nanatiling matigas ang ekspresyon nito.
"I learned na lasing si Tito nang maaksidente. He and your Mom had a fight and---"
"Danielle!" saway ni Harold.
"I'm sorry, Harold. Nililinaw ko lang ang mga nangyari. Like everybody else here, nag-aalala lang ako sa kalagayan ni Tito. Parang ama ko na rin siya. I hope hindi ka na-offend sa pinupunto ko, Louise..."
Muling nagtagpo ang kanilang mga mata. Nagbabaga ang tingin nito sa kanya. Ngunit tinagpo niya iyon ng lamig. Fire meets ice. Danielle would keep her cool. At ngayong sa kanya umaayon ang sitwasyon, walang dahilan para sabayan niya ang galit ni Louise Delgado.
So what now, bitch? Sasampalin mo ako? Mumurahin? Go on, better hit me. Hit me hard. At sakaling gawin mo 'yon, 'di ako gaganti. Ewan ko lang kung sino ang magmukhang desperada sa atin. Ewan ko lang kung sino ang kakampihan ni Harold. Ikaw na iniisip niyang nagtataksil sa kanya? O ako na karamay niya sa mga pinagdadaanan niya ngayon?
BINABASA MO ANG
Wild Innocence
RomanceSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...