First Sight

19.4K 268 1
                                    

NANGHIHINANG INILAPAG NI LOUISE ang sling bag sa bakanteng upuan saka umupo katapat ni Amie.

"Para kang namatayan." Puna nito.

She let out an air of exasperation. "Si mama kasi."

Hindi lingid kay Amie ang isyu niya sa mama niya. Ito lang kasi ang bukod-tanging kaibigan niya at nahihingahan ng sama ng loob. Mahigit isang taon na ang pagkakaibigan nila ni Amie mula nang maging magkaklase sila sa kursong BS Advertising. Mailap siya sa ibang kaklase. Una, dahil takot siyang ungkatin ng mga ito ang personal na buhay niya. Ikalawa, hindi siya sociable. Pero marunong siyang makibagay. Dala na rin ng pangamba niya sa mga naging masasamang karanasan ng mama niya na dulot napaka-outgoing character nito. Mabilis kasi itong magtiwala na ikinapapahamak nito.

"Akala ko ba nagkabalikan na sila ng Tito Bert mo?'

Umiling ang dalaga. "Mukhang malala ang huling away nila. Hindi na dumadalaw si Tito Bert sa apartment. Nahuli kasi niya si mama na may ini-entertain na ibang lalaki. Alam mo naman ang rason ni mama, 'di ba? Hindi siya makapag-commit kay Tito Bert lalo at hindi niya kayang sabayan ang luho ni mama."

"Well, mahirap na problema nga 'yan."

Kapagkuwan ay may ininguso si Amie. Agad niyang nilinga ang direksyong tinuturo nito. Kumunot ang noo niya sa lalaking nakapagkit ang mga mata sa kanya pero nang lumingon siya ay nakita niya ang ginawang pag-iwas nito.

"Napansin ko, kanina pa nakatingin sa'yo si Harold Deviera."

"Harold Deviera?"

"Masyado ka na yatang nalulunod sa problema mo na wala ka nang kaalam-alam dito sa Saint John the Baptist. Sikat na sikat ang lalaking 'yan. Ang gwapo kasi talaga. See for yourself."

Muli niyang sinulyapan ang sinasabing Harold ni Amie. Nakatagilid na ito habang nakikipagkwentuhan sa mga kasama. Pero kahit ganoon, hindi maitatangging gwapo nga ito. Ibinalik niya ang atensyon kay Amie.

"Gwapo nga."

Natawa si Amie. "Wow! Iyan na yata ang pinakamasiglang pagkakabigkas mo ng salitang gwapo. Pero hindi naman 'yun ang point ko. Mukhang interesado sa'yo si Harold. Kanina pa siya tingin nang tingin."

"Binigyan mo naman agad ng meaning."

"Hey Louise, laging tama ang gut feel ko. Alam mo bang maraming nagkandarapa kay Harold Deviera? Malas nga lang ng mga babaeng hitad at hindi sila pinapansin kahit yata bumukangkang pa sa harap niya. Hindi naman siguro beki o baka talagang pihikan lang. O pwede ring na-trauma sa past relationship niya."

"Tingin ko beki." Walang siglang pambabara niya. Paano'y hindi maitago ang kilig sa kaibigan habang nagkukwento ito. Feel lang niyang i-discourage ito.

"Ano ka ba? Pinapahina mo naman ang loob ko. Siya na nga lang nagpapasaya ng school life ko tapos sisirain mo pa. Lalaking lalaki kaya si Harold. Tingnan mo nga oh, parang human version ni Superman. Ayayay!"

"Eh 'di lalaki na kung lalaki. Appearances are deceiving. Ang dami kayang maskuladong bading na safitness gym nangha-hunting. Malay ko ba."

"Pero actually, crush ko 'yang apat kahit maraming tsismis sa barkadahang 'yan. Lagi silang topic ng mga girls, eh."

Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ni Amie. Napukaw ang kuryosidad niya. Hindi dahil interesado siya sa alinman sa apat diyata't feel lang niyang sumagap ng tsismis ngayon upang ma-divert ang utak sa ibang bagay.

"Daig mo pa si Boy Abunda, ah. Dahil mukhang na-research mo na ang profile nila, simulan mo na ang story-telling." Udyok niya.

"Well, si Levi iyong naka-stripes na white and black. Ex-boyfriend 'yan ni Gwen. Natatandaan mo pa naman siguro noong naging kaklase natin sa isang subject ang ubod ng arteng babaeng 'yun."

Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon