The Gamble

10K 201 1
                                    

MAGKATABI SA STOOL sa harap ng isang slot machine sina Harold at Louise. Nagkasundo silang bigyan ng privacy ang mga magulang.

"I like your mom for my dad. Mukha namang magkasundo sila, hindi ba?" nakangiting bungad ng binata. "Saka mas may rason na tayo para magkalapit."

"Paano kung..."

Iniumang ni Harold ang mukha sa kanya.

"Paano kung ano?" usal na tanong nito.

Dumampi sa pisngi ang mainit nitong hininga. Sapat iyon upang pawiin ang lamig ng silid. Baka nga sapat na din upang tupukin ang manipis na invisible wall na itinakda niya sa kanilang pagitan.

Hindi ang relasyon nina Henry at Francine ang ipinangangamba niya. Her mom's life was an open book. Hindi ito nagtatago ng sikreto sa mga lalaking idini-date nito. Kaya nga palagian siyang ipinakikilala nito sa mga naging 'tito' niya. Malamang, alam at tanggap din ni Henry ang nakaraan ni Francine.

Pero si Harold.

"Hindi mo pa nakikilala nang lubos ang mama ko, Harold. Paano kung maghiwalay sila ng papa mo? Paano kung-"

"Natatakot ka bang maapektuhan ang mayroon tayo sakaling mag-away o maghiwalay sila?" tumaas ang sulok ng labi nito. Nakatitig sa kanya. Malapit pa din ang kanilang mga mukha. Lumayo siya nang kaunti mula rito. "Tungkol ba ito sa sinasabi mong baka ma-turn off ako kapag may nalaman ako tungkol sa mama mo?"

Nagyuko siya. Ngunit maagap si Harold na sinapo siya sa baba saka inangat ang kanyang mukha. Seryoso itong nakatunghay sa kanya. Nangungusap ang mga mata.

"Kapag gusto mo ang isang tao, hindi mahalaga sa'yo ang nakaraan niya o ang nakaraan ng mga taong mahal niya. Gusto kita, Louise. I like you so much that I don't see any reason to unlike you."

Malinaw sa kanya ang intensyon ni Harold. Mas malinaw ang damdamin niya para rito. Ngunit mukhang mas magiging komplikado ang lahat. Nariyan na sa eksena sina Henry at Francine.

Louise looked away. Binawi ng binata ang mga kamay.

"Hindi ba masyado pa tayong bata, Harold? We're both eighteen, too young to talk about love and getting serious."

"I'm not asking you to marry me, Louise." He chuckled. "I just want you to be my girlfriend and see if things work. Sa ngayon, isa lang ang sigurado ako. You make my heart run wild."

And he did make her heart run wild, too.

"Sugal ang hinihingi mo, Harold."

"Kaya nga sa Resorts World tayo. We are here to gamble." Nakangiting biro nito.

Napapalatak siya. Kapwa sila nagtawanan pagkatapos. Kapagkuwan, pumailanlang ang katahimikan.

"But this is a gamble I am willing to take." Saad nito. "Hindi pa ba malinaw sa'yo na gusto kita?"

"Harold..."

"Hindi ko alam but your eyes tell me that you like me too. Huwag mo nang pahirapan ang mga sarili natin, Louise. If you are holding back bacause you are afraid of what might have become of us, nandito ako para alisin ang takot mo. Trust what you feel."

Sa pagkakataong iyon, sinalubong ni Louise ang mga titig ni Harold. Maraming agam-agam sa puso niya ngunit mas matimbang ang nararamdaman niya ngayon. Natitiyak niyang hindi siya magwawagi kung pipigilan niya iyon. Ipagkakatiwala ba niya ang puso sa lalaking nagpapabilis ng tibok nito? Susuungin ba niya ang predikamentong maaring ihatid ang pagpatianod niya sa nararamdaman? Handa na ba siyang tibagin ang dingding na iprinotekta niya sa sarili?

Louise swallowed an imaginary lump. "Kung susundin ko ang nararamdaman ko, matagal ko nang ibinigay ang gusto mo, Harold. Dahil gustong gusto din kita. I like you so much. At the same time, takot din akong pagbigyan ang nararamdaman ko-"

"Sssh. There's nothing to fear, sweetheart."

Pigil ni Harold saka ginagap ang dalawang palad niya. Pamilyar na sa kanya ang init na nagmumula roon. Nasasanay na siya sa pakiramdam niyon. At sa tuwing nagkakadaiti ang kanilang mga balat, parang naiibsan ang takot at pangamba niya.

"Sapat na sa aking marinig na gusto mo din ako. Pinasaya mo ako."

Hindi lang gusto, mahal na nga yata kita. "Isn't it ironic na sa casino ko isinugal ang puso ko?" birong tanong niya.

"Then get ready to become a billionaire because we definitely came here to win, sweetheart." Tumayo mula sa stool si Harold at muling kinuha ang mga kamay niya. "Let's celebrate."

"Ano'ng celebration?" tumayo rin siya.

"You're mine and I'm yours. Isn't that worth celebrating?"

"I never said yes." Paalala niya.

Napasimangot ang binata.

"Do you have to say yes? Your eyes tell everything."

"Kailan ka pa natutong magbasa ng nararamdaman sa mga mata?"

"Simula nang nakilala kita." He grinned. "Can I claim my victory kiss now?"

Bumitiw siya at hinampas ito. "Ano 'to, VIP access sa lahat ng gusto mo? Ang bilis mo naman."

"Ayaw mo nang mabilis. I could give you a slow kiss."

"No."

"How about a hug?" nanghihinang tanong nito.

Kunwang nag-isip ang dalaga. Hindi pa man siya nakakasagot ay bigla siyang kinabig ni Harold at ikinulong sa mga braso nito. Bantulot na ipinulupot din niya ang mga braso sa likod ng binata.

"Thank you for making me a happy man today, Louise. We will make it work."

"I trust you, Harold." I love you.


Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon