Untold Truth

8.8K 145 9
                                    

MAINGAT na iginiya ni Drake si Louise palabas ng mall, siya na ang nagbitbit ng dalawang paper bags ng ipinamili nito. Ingat na sinilip ng dalaga ang kinapwestuhan nina Harold at Danielle kanina pero wala na ang mga iyon. Tahimik siyang napahimutok nang isiping baka magkasama ang dalawa ngayon. Hindi man sa mall kundi sa ibang lugar.

Tumikhim si Drake upang kunin ang atensyon niya. Nang ligunin ito'y sumulok ang matamis na ngiti sa simpatikong binate.

"Uhm, Louise, okay lang ba'ng yayain kita minsan?"

Nangunot ang noo niya panumandali. "Ah, D-Drake..."

"Sinabi mo naming magkaibigan lang kayo ni Harold at 'yun din naman ang nabanggit sa akin ni Harold kaya naisip ko na okay lang na-"

"Bihira kasi akong lumabas. Madalas sa bahay lang ako."


"HAROLD, pwede ba tayong mag-usap?"

Takang nilingon ni Harold ang nagma-may-ari ng tinig na iyon.

"Virgie..."

Bahaw na natawa ang babae. "Tita Francine. Ilang beses ko nang sinabi sa'yo na hindi totoo ang pangalang ibinigay ko sa'yo noon."

Oo nga pala! Virgie was Francine's screen name. Sa pagdaan ng panahon, nawala na ang awkwardness sa pagitan niya at ng ina ni Louise. Ito rin naman ang nagpaunawa sa kanya na trabaho lang nitong pagdonselya sa kanya noong eighteenth birthday niya.

Isa pa, napagkasunduan nila ng babaeng huwag nang ungkatin ang bagay na 'yun alang-alang sa bago nilang relasyon ngayon. Madrasta na ang turing niya rito matapos nitong makisama sa kanyang ama.

Lumapit sa kanya ang babae, seryosong tumanghod sa kanya.

"May gusto ka bang sabihin sa akin tungkol sa inyo ng anak ko?"

Napipi siya pansamantala. Mabilis siyang bumawi sa pagkagulat sa itinanong nito.

"Ano ho'ng tungkol sa amin ni Louise."

"Huwag ka nang magmaang-maangan, Harold. May nangyayari ba sa inyo ni Louise? May relasyon kayo, hindi ba?"

Tuluyan na siyang natahimik. Paano niya pabubulaanan ang isang katotohanan gayong sukol na siya? Isa pa, marami siyang problema para mag-isip pa ng alibi sa komprontasyong ito ni Virgie. O Francine nga pala.

"Akala n'yo ba maililihim ninyo ang ginagawa ninyo sa tuwing umaalis kami ng papa mo? Maling pagdudahan ko ang anak ko pero nakikita ko ang pagbabago niya, Harold. Hindi malalaglag ang katawan ng isang babae kung hindi..." natigilan ito, huminga nang malalim.

"Sinasamantala ninyo ang mga pagkakataong wala kami dito ni Henry. Noong una, wala akong ideya pero nag-umpisa akong maghinala sa maraming pagkakataong halos sukol ko na kayo. Huwag na nating pahabain ang diskusyon na ito, totoo ang hinala ko, hind ba?"

"T-tita, sorry kung hindi ko agad nasabi."

"Kailan pa?!"

Binasa niya ang labi sa nadamang panunuyot ng kanyang lalamunan.

"Mag-aapat na buwan na ho."

"Ilang beses nang-" hindi itinuloy ng babae ang tanong. Kuyom ang kamao nito, mariing magkalapat ang mga labi. Umaalon din ang dibdib nito sa kontroladong emosyon.

"Ilang beses nang may nangyari sa inyo ni Louise?"

Pumaloob kay Harold ang tensyon. "M-marami na ho. Hindi ko na mabilang. Tuwing wala kayo. Gabi-gabi kapag tulog na kayo ni papa. O kapag nagnanakaw kami ng pagkakataon." Amin niya.

Sukat sa sinabi niya ay napahagulhol si Francine. Tinangka niya itong lapitan upang aluin ngunit sinenyasan siya ng babaeng huwag lumapit.

"Putang ina ka, ano'ng ginawa mo kay Louise? Inaalagaan ko ang anak ko. Prinotektahan ko siya ko tapos-" pinutol nito ang sasabihin. Mabilis na pinahid ang luha at bumalik ang normal nitong paghinga. "Siguro kasalanan ko dahil nagtiwala ako sa'yo. Kay Louise. Noong pumayag akong makisama kay Henry, inilagay ko na siya sa peligro. Ano pa nga ba'ng magagawa ko."

"Mahal ko ho si Louise. Mahal niya ako. Nagmamahalan kami. Handa ko naman siyang panagutan sakaling mabuntis ko siya."

"Disiotso ka lang, putang ina. Ano'ng pagmamahal at pananagutan ang sinasabi mo? Hindi mo kayang panindigan ang anak ko. Baka nga libog lang 'yang nararamdaman mo."

"Mahal ko siya, Tita Francine."

"Iyan din ang sinabi ng babaero mong ama sa akin, Harold. Iyan ang sinasabi ng lahat ng lalaking pinatulan ko. Alam mo ba ang nangyayari sa amin ngayon ng papa mo, huh?"

Sunod-sunod siyang umiling bagaman nahihimigan na niyang malaki ang problema nito at ni Henry. Mas madalas na kasi ang pag-aaway ng mga ito at may pagkakataong hindi na umuuwi ng condo ang papa niya. Hindi nga lamang siya makakuha ng pagkataong makausap ito nang masinsinan.

"Naghiwalay na kami ni Henry noong nakaraang linggo pa. Naghahanap lang kami ng pagkakataong sabihin sa inyo ni Louise. Aaalis na rin kami ng condo ng anak ko. Pupunta na ako ng Japan at isasama ko ang anak ko."

Tila bombang sumabog sa tainga ni Harold ang rebelasyong iyon ni Francine. Agad niyang naisip si Louise. Ginagawa rin naman niya ang lahat upang protektahan ito mula sa mga taong maaaring makapanakit dito. Ngunit sa himig ni Francine, isinasalba nito ang anak laban sa...kanya.

Ngunit ang isiping magkalayo sila nang tuluyan? Magpapaka-selfish na siya ngunit hindi niya kayang mawala sa kanya ang nobya. He could protect her. Kaya nga sinasalo niya ang lahat ng problema, inililihim niya upang pangalagaan ang well-being ng dalaga.

"May hihilingin sana ako sa'yo." Pagkuwa'y matiim na tumingin sa kanya si Francine.

"Ano ho?"

"Umiwas ka na kay Louise simula ngayon. Iwasan mo na siya. O hanggang maari putulin na ninyo ang namamagitan sa inyong dalawa. Hindi ka makakabuti sa kanya. Sa mga pangarap niya. Sa pangarap ko para sa kanya."

"Sinasabi ninyo lang ho 'yan kasi nagkasira kayo ni papa. Iba ho kami ni Louise sa inyo, tita."

"Ano'ng ipinagkaiba mo kay Henry huh, Harold?"

"Hindi ho ako katulad ng papa kung iyan ang iniisip n'yo. I love Louise."

"Mahal mo siya dahil nakukuha mo na ang gusto mo sa kanya. Pero katulad ng ama mo, magsasawa ka rin. Bata ka pa at imposibleng hindi ka maghanap ng iba."

"Kahit ano'ng pang-iinsulto ang sabihin ninyo, hindi mababago niyon ang nararamdaman ko para sa anak n'yo. Mahal ko siya."

Tumiim ang bibig ng babae sa sinabi niya. Tiningnan siya nito ng ilang segundo saka tila kandilang naupos sa upuan.

"Nagmamahalan ho kami...kaya please, Tita. Huwag n'yo ho kaming paglayuin. Please Ti-"

"Hindi na mababago ang desisyon ko. Sa ayaw at sa gusto ng anak ko, sasama siya sa akin. Kalimutan mo na lang siya, Harold. Bata ka pa naman. Makakahanap ka pa ng babaeng pwede mong mahalin bukod sa anak ko. Isa pa, maaring masira ang relasyon ninyo o namin ni Louise sakaling malaman niyang nagkaroon tayo ng ugnayan. Sa tingin mo ba tatanggapin ng anak ko ang katotohanang ako ang domonselya sa boyfriend niya?"

Pagak na natawa si Francine saka siya pinukol ng may pang-iinsultong tingin.

"Biktima lang ho tayo ng pagkakataon."

Hindi na siya pinakinggan ni Francine. Agad itong tumalikod at tila bingi sa pakiusap niya. Nang lamunin ito ng pinto ng kwarto nito ay lumaylay ang balikat ni Harold. Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito?

Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon