Hija De Puta

26.1K 292 2
                                    

NAPAILING SI LOUISE nang maratnan ang nagkalat na mga gamit sa apartment. Nakasabit sa lampshade ang damit ng kanyang mama. May medyas sa ibabaw ng telebisyon. Nagkalat ang ilang upos ng sigarilyo sa ashtray at ibabaw ng coffee table. Amoy usok din ang buong kabahayan.

Maliit lamang ang apartment na inuupahan nilang mag-ina. Maliit na sala na lumang sofa, coffee table at lampshade lang ang laman. Walang dibisyon kaya mula pinto ay makikita na ang dining room at dirty kitchen. Sa pinakadulo ang maliit na banyo na husto lang sa isang tao, at dapat ay nakatayo lang sa tuwing maliligo dahil sa sikip niyon. Husto sa tatlo ang kwarto kaso sa tambak ng gamit ng mama niya, parang ang sikip na nilang dalawa sa silid na iyon. Mas preferred niyang matulog sa sofa.

Agad siyang tumungo ng kusina upang kumuha ng malamig na tubig sa refrigerator nang maulinigang may tao sa kwarto. Nalukot ang magandang mukha ng dalaga nang maringgang ungol iyon. May bisita na naman ang mama niya. Special client nito.

Hindi nga siya nagkamali dahil matapos ang ilang minuto ay iniluwa ng kwarto ang dalawa. Patay-malisya siyang nanatili sa sofa.

"Oh Louise, ang aga mo naman yata ngayon. Kumain ka na ba?" kaswal na tanong ng ina kasunod ang lalaking nagsusuot pa ng sinturon.

Thirty five lang ang mama niya dahil seventeen ito nang magbuntis sa kanya. Pero mukha na itong kwarentahin dahil sa palagiang pagpupuyat. Gayunpaman, hindi pa rin napapalis ang ganda nito. Mestisahin si Francine dahil amerikano ang ama nito. Isa sa mga Amerasians na inabandona sa Olongapo ang mama niya.

"May pagkain sa ref. Kumain ka na." utos nito kapagkuwan.

Hindi siya umimik. Lumagpas sa kanya ang ina na hinatid hanggang pinto ang lalaking sa tantiya niya ay singkwenta anyos. Bago pa umalis ang matanda, nag-abot ito ng pera sa mama niya.

"Uy, thank you Stan, ha? Sa uulitin." Kumindat pa si Francine saka idinerecho ang pera sa dibdib at inipit doon. Nang makaalis ang bisita ay siya naman ang hinarap.

"Ano'ng drama 'yan, ha, Louise? Kung nagugutom ka, may lasagna sa ref. Bilisan mo nang mag-ayos dahil may lakad pa ako mamaya."

"Sino na naman 'yun, ma? Iba 'yun sa pumunta dito noong isang linggo, ah." Paninita niya.

"Huwag ka nang magtanong ng tungkol sa pagdi-diskarte ko, pwede ba? Ang mahalaga, masasarap ang pagkain mo. May desente kang tirahan at nakakapag-aral ka sa private school. Ayaw kong paulit-ulit na lang tayo nagdidiskusyon tungkol sa bagay na inuungkat mo palagi. Isa pa pagod ako."

"Pwede naman akong lumipat ng public school o huwag nang kumain ng masasarap na pagkain tumigil ka lang sa-"

Pinanlakihan siya ng mata ng ina. "Itigil ko ang ano, ha, Louise? Ano'ng gustong sabihin? Ititigil ko ang pamumuta ko? Iyon ba ang sasabihin mo?"

"No, ma. Ayaw ko lang na pagtsismisan ka ng iba."

"Ikinahihiya mo ako? Ikinahihiya mo ang trabaho ko? Go to hell with them. Alalahanin mo'ng nabubuhay tayo dahil sa diskarte ko. At kung iisipin mo ang mga usyusero at usyusera diyan sa labas, pwes sumama ka sa kanilang namumuti ang mga mata sa gutom at namamaho ang mga kepyas dahil walang pambili ng sabon." Mahabang litanya nito sa malakas na tinig.

Then she broke out to tears. "Para sa'yo naman ang lahat ng sakripisyo ko, ah. Hindi mo ba kayang intindihin ang bagay na 'yun? As if naman may choice ako."

Huminga nang malalim ang dalaga. Agad siyang lumapit kay Francine na humagulhol na.

"I'm sorry, ma. Kung pwede nga lang ho sana, tanggapin n'yo na lang ang proposal ni Tito Bert. Inaalok ka naman niya ng kasal, 'di ba? At least 'yun, walang sabit." Tukoy niya sa on-off boyfriend nitong isang pulis at binata pa.

Pinahid ni Francine ang luha. "Walang sabit, wala ring pera. Hindi tayo kayang buhayin ni Bert, Louise. Isa pa, ayaw kong maranasan mo ang hirap na dinanas ko dati. Hindi ka ba masaya sa bagay na binibigay ko sa'yo?"

Lumunok ng laway ang dalaga. "M-masaya ho. Kung makakapagtrabaho lang sana-"

"Ano'ng trabaho? Hindi ako papayag na magtrabaho ka o tumulong sa mga gastusin. Gusto kong maka-graduate ka para sa mas malaking opportunity. Gusto kong matupad ang mga pangarap mo. Anak kita, Louise. Responsibilidad kita at mahal ka ng mama, okay? Inako ko na ang lahat ng responsibilidad na buhayin at bigyan ka ng kaginhawahan simula ng takbuhan ako ng ugok mong ama noong ipinagbubuntis kita." Pagpapaalala nito.

Wala siyang alam tungkol sa kanyang ama maliban sa pangalan nito.

Joselito Dimaano.

Ni hindi nga alam ni Francine ang middle name nito kaya hirap siyang i-trace ang biological father. Noong una, nagkainteres siyang hanapin ang kinaroroonan nito o maghanap ng impormasyon ukol dito. Buhay pa ba ito? Saan ito naroroon? May ibang pamilya na kaya? Pero kahit anong pagtatanong niya, naiiwan siyang clueless kaya ipinagpalagay na lang niyang hindi na niya ito makikilala pa. Kahit naman ang kanyang mama, ayaw na ayaw malaman na hinahanap niya ito. Dahil sa kahuli-hulihan, sa pagtatalo din mauuwi ang lahat.

"Sorry ulit, ma. Kakain na ho muna ako saka maglilinis." Paalam niya.

Ayaw na niyang pahabain pa ang kanilang diskusyon. Totoo naman ang sinasabi nito. Walang pagkukulang pagdating sa material na pangangailangan si Francine sa kanya. Her mother was very generous when it comes to her well-being and daily needs.

Kahit nga sa pakikipag-barkada, hindi siya nito hinihigpitan. O sa pakikipag-boyfriend. Ang mahigpit lang na bilin nito ay huwag siyang gumawa ng bagay na ikasisira ng tiwala nito. Yes, Francine was a professional sex worker but she had stringent principle when it comes to that virtue. Pinoprotektahan siya nito.

"Naalala ko lang, hindi ba malapit na ang birthday mo? Manlilibre ka ba? Gadget o ika-cash ko na lang?"

Louise let out a dry laugh. "Tapos na po ang birthday ko kahapon pa. Eighteen na po ako."

Tinampal ni Francine ang sariling noo. "Ay putik, nakalimutan ko. Tsk, tsk."

Hindi pa man siya nakakatayo ng sofa ay agad lumapit ang ina at mahigpit siyang niyakap at pinupog ng halik.

"Happy birthday, baby girl. Sorry kung nakalimutan ni mama, ha?"

Tumango siya. "Okay lang ho. Ayaw ko din namang gumastos pa kayo."

"Ah, ah, ah. Hindi pwedeng walang gift ang dalaga ko." Dumukot ito mula sa dibdib at nagbilang sa perang nakabilot. Kapagkuwan ay kumuha ng seven thousand five hundred mula doon. "Hindi na kita masasamahan pero pwede kang mag-shopping ng mga gamit na gusto mo. Isama mo na rin ang kaibigan mong si Amie para may kasama ka."

Hindi na siyang tumangging kunin ang pera. Matapos magpasalamat ay dumerecho na siya ng kusina upang kumain. Nagsabi naman si Francine na magpapahinga muna upang makapaghanda sa lakad nito mamayang gabi.

Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon