Friction

11.3K 180 3
                                    

KULANG NA LANG ay lunukin ni Amie nang buo ang pasalubong niyang ensaymada rito dahil sa ipinagtapat niya. Gulat na gulat ito sa nalaman.

"Pwede bang pakikalikot ng cotton buds ang tainga ko? Parang may mali sa narinig ko kanina."

Tinampal niya ito sa braso.

"Ano ka ba? Umayos ka nga." Natatawang reklamo niya.

"Ano'ng umayos ako? Ikaw ang umayos. Joke pa rin ba ito? Kahapon lang pumunta kayo ng mama mo ng casino, paglabas mo nanalo ka kaagad ng dyowa?"

Louise looked dreamy as she recalled the night before.

"Hindi ko rin alam, eh. Alam mo iyong pakiramdam na nakalutang ka lang na hindi mo namamalayan ang mga pangyayari. Tapos pagmulat mo, parang nasa ilog ka na nagpapatianod sa bilis ng agos. Walang pakialam kung saan ka man dalhin niyon."

Itinaas ng kaibigan ang dalawang kamay upang tumigil siya pansamantala sa pagkukuwento.

"Pwede bang i-proseso muna ng lugaw kong utak ang mga sinabi mo. Masyado ka nang makata, girl. Una, nalaman mong ang idine-date pala ng mama mo ay si Henry. Si Henry ay papa ni Harold. At si Harold ay naging dyowa mo na kagabi... Ang salimuot, girl. Ang sakit sa brain cells."

"Isipin mo na lang na coincidences ang lahat. Isa pa, hindi ko alam kung ano'ng matatawag sa relasyon namin ni Harold ngayon. Alam mo, mukhang swak iyong sinabi mong MU na kami."

"Mutual understanding o malabong usapan?"

"Parang both."

Tinampal ng kaibigan ang sariling noo. "Oh my, ako naman yata ang nalalabuan sa inyong dalawa ngayon. Alam mo bago ka dumating, maayos pa ang buhay ko. Tapos nang magkwento ka na sa nangyari sa Resorts World, parang wala nang saysay ang mabuhay pa sa mundong ibabaw. Kasi naman ang komplikado ng mga bagay-bagay sa mundo ngayon. Parang ikaw. Si Harold. Si Tita Francine saka si Henry."

Kumagat si Louise ng kapirasong ensaymada mula sa kinagatan rin ni Amie.

"OA mo, huh! Pero seryosong usapan 'to, ha. Hindi na mahalaga sa akin ang label. Ang usapan naman namin ni Harold, maigi nang ganito ang relasyon namin para sakaling hindi mag-work ang pinasok naming ito, madali sa amin ang makawala sa isa't isa."

"Teka lang, girl. Nag-I love you na ba sa'yo?"

Sunod-sunod siyang umiling. "Sabi n'ya he likes me. Gustong-gusto. Saka malinaw na girlfriend n'ya ako."

"Eh, ikaw? Sinabi mo na ba ang magic word sa kanya?"

Muli siyang umiling.

"Ay, MU nga. Ang labo ninyong dalawa. Ang tindi ha, magdyowa na kayo kahit wala ni isa sa inyo ang nag-I love you. Pero hindi ka makakatanggi sa akin. Alam kong higit pa sa like ang nararamdaman mo kay Harold."

Doon natameme si Louise. Tumpak ang sinabi ng kaibigan. Batid niyang mas malalim pa sa gusto ang nararamdaman niya. Ayaw lamang niyang magpaka-honest sa sarili pero tantiya niyang love na ang damdamin niya kay Harold.

"You're right. Obvious naman na inlove ako sa kanya, 'di ba?" Pag-amin niya.

"So ano na ang nagyari sa sinsabi mo noong family ang priority mo bago ang love? Ngunguyain mo na lang ang prinsipyo mo, gan'un?"

Muling dumaan ang katahimikan sa kanilang pagitan. Kotang-kota na si Amie sa pagpapa-realize sa kanya ng mga bagay na dapat niyang ipag-alala. Hindi ba't ipinangako niya sa sarili na hindi siya papasok sa isang bagay na maaring ikapahamak niya? O ikasira ng pangarap niya? Si Harold ba ay hadlang sa pangarap niyang iyon?

Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon