NAGING MADALAS ANG rehearsals ni Amie sa theatrical club kaya bihira na silang magkasama tuwing break. Gaya ng araw na ito. Pagkatapos ng klase sa Ethics ay mabilis pa sa alas-kuwatrong nag-evaporate ang bestfriend niya. Magkikita na lang sila sa last period na magkaklase sila.
Nakadama siya bigla ng lungkot. Pero hindi naman siya gan'un last week. Sanay siyang hindi madalas ang bonding nila ng bestfriend. O sadyang may hinahanap lang ang mga mata niya.
Si Harold.
Isang linggo nang hindi nagpaparamdam si Harold. Hinintay pa naman niya ito sa first period kanina dahil Friday ngayon at iyon ang tanging klase na magkasama sila. May sakit kaya ang mokong?
Pero, teka. Hindi ba siya naman ang may gusto na lubayan na siya nito? Tahimik niyang kinagalitan ang sarili. Upang magliwaliw sa loob ng dalawang oras na bakanteng oras niya, nagpasya si Louise na tumambay sa kiosk sa gilid ng student affairs office. Binuklat niya ang aralin sa susunod na klase.
"Na-miss mo ako, no?"
Kamuntikan na niyang mapilas ang pahina ng libro sa pagkagulat. O excitement. Kasi kilalang-kilala niya ang may-ari ng tinig na iyon. Inangat ng dalaga ang mukha at tumambad ang gwapong mukha ng lalaking laman ng utak niya sa maraming araw na hindi ito nagpakita.
"Harold, ikaw pala."
"Yes, sweetheart?"
Pinamulahan siya pero agad na pinawi iyon. "Ang tagal mo yatang nawala." Matipid na komento niya.
"Na-miss mo nga ako. Kasi alam mong nawala ako kaya hinanap mo ako saka mo nalamang wala nga ako. So na-miss mo ako? Simple logic." Pabirong saad nito.
"Nakikita mo 'yang pader ng MassCom building?"
Nilingon ng binata ang istrukturang itinuro niya. "Oh, bakit?"
"Singkapal mo ang pagkakayari."
Natameme nang saglit ang binata pero hindi ininda ang pambabara niya. Sa halip ay ngumiti pa ito sa kanya nang nakakaloko.
"Aminin mo na kasing hinahanap-hanap mo ang kagwapuhan ko. Did you miss me, sweetheart?"
"Stop it. Saang lupalop ka ba nanggaling?"
Hudyat ang tanong niyang iyon upang tuluyan nang pumasok sa kiosk si Harold at umupo sa tabi niya.
"Ang totoo, isinama ako sa Bacolod ni papa. May kinausap kasi siyang kliyente roon. Tapos naisip niya na mag-bond kami kaya one week kaming magkasama. He barely does that kaya sinamantala na namin ang opportunity."
Tumango-tango siya. "Close kayo ng papa mo, no?"
Tipid itong ngumiti. "Not really. Medyo casual lang ang pakikitungo namin sa isa't isa. Lalabas kapag may time. Kapag wala, ayos lang. Bihira ko rin naman kasi siyang nakikita sa condo. Ikaw, close ka ba sa papa mo?"
Natahimik siya. Medyo matagal. Humugot ng hangin bago sinagot ang tanong nito.
"Hindi ko pa nakikita ang papa ko. Hindi ko din alam kung buhay pa o patay na siya." Pagtatapat niya.
"Oh. Well, at least nandiyan ang mama mo. Saka kung gan'un, parehas rin pala tayo."
"Parehas na ano?"
"We both came from dysfunctional families. Wala na din kasi ang mama ko. Iniwan n'ya si papa noong ten years old ako. Hindi niya kinaya ang pambababae ng papa ko. Pero sa kanya pa rin ako sumama kasi wala namang pera si mama para buhayin ako. Nasa States na siya ngayon. Kasama ng bago niyang asawa na taga-Capiz."
Nabanaag ni Louise ang lungkot sa mga mata ni Harold sa pagbabalik tanaw nito sa nakaraan. Sa akala niya noong tahimik na personalidad ng binata, bihirang pagkakataon na marinig mula dito ang pagkukwento sa personal nitong buhay. Siya man ay ganoon din. Pili ang taong pinagkakatiwalaan niya. She's emotionally reserved. Tanging kay Amie lamang niya nagagawang magkwento pero all of the sudden, heto at nag-o-open-up siya sa binata. There was something in him that made her feel he's to be trusted.
Men's motives couldn't be trusted, Louise, pag-remind ng utak niya.
"Bago pa tayo mag-iyakan sa pang-MMK na life stories nating dalawa, pwede bang samahan mo muna ako?" maya-maya ay yakag ni Harold.
Kunot-noong napahalukipkip si Louise saka tumayo.
"Hindi ba sinabi ko sa'yo na hindi na ako pwedeng sumama sa'yo? Mahal ko ang buhay ko, no. Marami pa akong pangarap na hindi natutupad."
Napakamot sa batok ang lalaki. "Pero hindi naman ako pumayag kaya pwede pa rin kitang kulitin. Isa pa, ipinagkalat ko nang girlfriend na kita kaya wala nang mangha-harass sa'yo. Takot lang nila sa akin."
"What?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Uh, hmm."
Nagbibiro ba ito? Mukha naman kasi pigil ang ngiti ni Harold. His eyes glowered to a squint. Lalo tuloy nagrambol ang puso niya.
"Ang kulit mo naman, Harold. Pinapasok mo ako sa gulo."
"No, pinapasok kita sa puso ko." He teased.
"Ayaw mo talagang sumuko."
"Susuko ba ako ngayong sigurado akong nami-miss mo ako nang matagal mo akong hindi nakita? Isa pa, nag-uusap na tayo. We share deep conversations. We went out for lunch last week. We tease each other in class. I presume na komportable na tayo sa isa't isa. First base na ako sa'yo, so as to speak. Ano?"
Saglit na natahimik si Louise.
"Okay. Saan ba tayo pupunta?" sumukong tanong niya kapagkuwan. Kung makikipag-diskusyon siya sa napakakulit na lalaking ito, baka maubos na ang oras niya. "May klase ako in an hour kaya hindi na ako pwedeng lumabas ng university."
"Basta. Just come with me."
Kapagkuwan ay tumayo na si Harold at kinabig ang kanyang braso at hinila siya palabas ng kiosk. Hindi mahigpit ang pagkapulupot niyon sa kanya pero pakiramdam niya ay hindi siya makagalaw. She was stunned for a moment.
Pinakiramdaman niya ang sarili. Hindi gaano sa pagkakadampi ng palad nito sa balat niya ang spark na nadarama niya. Parang sa puso niya nag-aalburoto ang hindi maipaliwananag na pakiramdam. Masarap sa feeling na nakakabahala. Wala nang nagawa ang dalaga nang maglakad na si Harold tangan siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/68862666-288-k944368.jpg)
BINABASA MO ANG
Wild Innocence
RomanceSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...