TULAD NG INAASAHAN, naroon si Henry para sunduin silang mag-ina. Nagulat si Louise dahil naroon din si Harold para raw tumulong sa paghahakot ng natitira nilang gamit. Nauna nang nailipat sa condominium ang ilan nilang mahahalagang kagamitan. Ang malalaking furniture naman ay ibinenta na lang ni Francine dahil fully furnished naman ang tutuluyan nilang bahay.
Syempre pa, nagmukha silang live show sa pakikiusyoso ng mga kapitbahay sa ginawa nilang paglilipat. Parang langgam na nagkumpulan ang mga ito habang nakamata sa bawat galaw nila. Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang bulungan ng ilan lalo na ang mga tsismosong walang ginawa kung hindi ang pag-usapan si Francine. Pili ang kasundo ng mama niya sa mga naroon.
Sa kanya naman, tanging si Amie na nasa kabilang street pa nakatira ang siyang ka-close niya. Alam nitong aalis sila pero hindi niya ito naabisuhang ngayong araw itinakda ang pagmove-out nila sa apartment. Tutal naman ay magkikita pa sila sa school. Isa pa, paano niya ipapaliwanag sa kaibigan ang kakaiba nilang set-up sa iisang bubong. Alam ni Amie ang real score sa pagitan nila ni Harold.
"Ready? Okay na ba kayong dalawa riyan?" tanong ni Henry sa kanilang dalawa ni Harold na nakapwesto sa likod ng Ford Everest nito nang maikarga na'ng lahat ng dadalhin nila.
Nagkatinginan sila ng katabi bago tumango sa nakangiting ama nito.
"Oh, Harold, kausapin mo naman iyang si Louise at baka mapanisan ng laway. Alam mo namang ikaw at si Amie lang ang kaibigan niyan." Biro ni Francine na hindi maitago sa mga mata ang kasiyahan. Bago pa namagmaniubra si Henry ay kinitalan pa ito ng halik sa labi ng kanyang mama.
Nakangiting pinisil ni Harold ang palad niya upang untagin sa seryoso niyang mood. Pasimple niya itong tinapunan ng ngiti saka binawi ang kamay.
"You'll be fine." Mahinang saad nito.
"Salamat." Pakli niya saka itinuon ang mga mata sa labas ng sasakyan.
Paminsa'y pasimple siyang hinahawakan ni Harold sa kamay. Naroong lalaruin ng mga daliri nito ang daliri niya. Nangingiti naman siyang ewan sa simpleng gesture na iyon ng binata.
MALAKI NGA ANG condo ni Henry. Maluwang ang living area, open ito hanggang sa dining area. Isang marbled countertop ang naghihiwalay sa kainan at dirty kitchen na very functional at high-end ang yari.
Apat ang kwarto na omouukupa ng kalahati ng espasyo ng buong condo. May pasilyong bumabaybay sa magkatapatang apat na silid. Sa master bedroom sa unahang bahagi tutuloy sina Henry at Francine. Katapat niyon ang isang kwarto na ginawang stockroom. Naroon din ang ilan nilang gamit habang hindi pa sila nag-aayos. Sa pinakadulong pasilyo naman naroroon ang magiging kwarto niya na nasa unahan lang ng master bedroom. Katapat niyon ang kwarto ni Harold.
Matapos maipasok ang kanyang mga gamit sa kwarto ay lumabas na muna siya sa pasilyo upang abangan ang paglabas ni Harold mula sa silid nito na naunang pumasok upang magbihis. Wala siyang ideya kung saan naroon sina Henry at Francine pero may hinala siyang nagkulong ang mga ito sa master bedroom.
Nag-aalangan siyang katukin si Harold kaya nagbalik na muna siya sa living area. Doon niya napansin ang isang pinto palabas kung saan ay may isang loft na nagsisilbing maliit na veranda. Nang buksan iyo'y tumambad ang magandang view ng siyudad.
Naligayahang sinamyo ni Louise ang hanging sumalubong sa kanya sa labas. Itinukod niya ang mga braso sa steel railing ng veranda at pinagyaman ang mga mata sa nakapalibot na skycrapers, buildings at bahay sa ibaba.
"Do you like it here?"
Nilingon niya si Harold na nakasunod pala sa kanya. Katulad niya ay tumanaw rin ito sa view. Tumabi sa kanya at nagkadaiti ang kanilang mga braso sa railing.
![](https://img.wattpad.com/cover/68862666-288-k944368.jpg)
BINABASA MO ANG
Wild Innocence
RomanceSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...