"KAILAN MO PA NAGING stalker si Harold Deviera?"
Nilingon ni Louise si Amie na tumabi sa kanya sa pinakasulok na bahagi ng library na siyang favorite spot niya sa tuwing magre-review. She was not really studious. Average lang ang performance niya sa klase. Hindi naman kasi nag-e-expect ng kung anupaman ang kanyang mama. Ang mahalaga, maka-graduate siya saka makatagpo ng desenteng trabaho kung saan matutulungan na niya si Francine. At sakaling magawa na nitong iwan ang 'propesyon'.
Pagkaupo ng kaibigan, may inginuso ito sa fiction section ng aklatan. Naroon nga ang binata, kunin-ibalik ang mga libro. Kapagkuwan, tumingin ito sa direksyon nila at kumaway. Irap ang itinugon ng dalaga saka itinutok ang mga mata sa librong tinatapos niyang basahin.
"In all fairness, ume-effort ang guy, ha. Ang haba ng hair mo Louise, abot yata hanggang junction. Alam mo bang madami nang nagtatanong tungkol sa'yo. Mag-ingat ka baka bigla ka na lang ipatumba ng mga babaeng sawi kay Harold."
Inirapan niya si Amie. Hindi siya natinag sa birong pagbabanta nito.
"Huwag mo nga akong guluhin, Amie. Nakukulitan na nga ako sa isang 'yan. Three days na niya akong binubuntutan."
"Ay, aarte pa? Kung tutuusin, isang malaking himala mula sa kalangitan ang pansinin ng isang Harold Deviera, hello?"
"Ibahin mo ako sa mga babaeng nauuto niya. Oo, gwapo siya. Charming. Pa-mysterious effect pero hindi siya Diyos na luluhod ako sa kanya dahil lang sa pinapansin niya ako. For all I care." Madiing saad niya.
Lumabi si Amie. "Sayang naman. Sabagay, may point ka. Ang hirap kaya ng maraming kaagaw. Sabi nga ni Andrew E., humanap ka ng pangit para makasiguro kang stick-to-one ang magiging boyfriend mo."
Louise chuckled. "Kapag pangit, stick-to-one agad? Ang daming kayang chararat na makapal ang mukha. Kung makapanloko ng mga babae, para namang napaka-gwapo."
Humagikgik ang kausap. "Tumpak. Ang hirap na talaga magtiwala sa mga boys ngayon. Mapa-gwapo, pangit o plain-looking, may tendency na maging unfaithful. Pero risk naman talaga ang pagpasok sa relationship, 'di ba? Saka, kung lolokohin ka lang din, mas okay na'ng gwapo ang nanloko sa'yo. Ang saklap naman na chararat pa ang gumawa n'un sa'yo."
Siya naman ang bumulanghit sa opinyon ng kaibigan. Medyo napalakas ang pagtawa niya kaya nang tingnan niya ang pwesto ng librarian, masama ang tinging pinukol nito sa pwesto nilang dalawa. Agad niyang pinutol ang pagtawa.
"Baka ma-evict tayo rito sa library. Tumahimik ka na nga."
"Fine." Kinuha ni Amie ang isang librong naka-stack sa kanan niya at kunwang ini-skim ang mga pahina niyon.
"Hi, Louise."
Umangat ang mukha ng dalaga sa pukaw na tawag na iyon. Parang anghel na dumungaw sa bintana ng langit ang nakangiting si Harold na walang paalam na umupo sa tapat nila ni Amie.
"You must be Louise's friend?" untag ni Harold sa kaibigan niya. Nangingiming ngumiti naman si Amie, pa-prim. Pasimple niya itong kinurot sa tagiliran nang mapunang mukhang na-engkanto ang hitad. Walang epekto iyon. Kumapal yata ang balat ng bestfriend niya sa presensya ng lalaki.
"Ano'ng ginagawa mo rito, Harold?" may himig paninitang tanong ni Louise sa lalaking nakapagkit na ang ngiti.
His gaze was as mesmerizing as his smile. Tahimik niyang sinawata ang sarili sa tuwing nararamdaman ang pagkaruhuyo sa simpleng pagngiti o pagtitig lamang ng binata.
The apprehended man pursed his lip then closed it in a sullen line. "Para sa lahat ng estudyante naman ang library, 'di ba? Wala namang masamang magbasa din ako dito paminsan-minsan."
BINABASA MO ANG
Wild Innocence
RomanceSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...