ILANG minuto nang nakatutok ang mga mata ni Francine sa nakalapag na dokumento sa lamesita. Sulat iyon mula sa embassy na nagsasabing na-approve na ang application niya na manirahan at magtrabaho sa Japan.
Matagal na ang application niyang ito, si Bert pa ang ka-relasyon niya noon. Noong mga panahong iyon, naisip niyang humulagpos sa kinasadlakang buhay. Dalaga na ang anak niya at ayaw niyang habambuhay ay pagpuputa ang ipambubuhay niya kay Louise.
Isang kaibigan ang nag-udyok sa kanyang mag-apply sa Japan bilang resident entertainer sa malaking bar sa Tokyo. Sa palitan pa nga nila ng e-mails ng kaibigan, nabanggit nito na pwede niyang dalhin si Louise lalo na kung makakahanap siya ng Hapon na pakakasalan siya.
Hindi naglaon, ini-reto siya nito sa isang mayamang Japanese businessman. Nagkapalitan sila ng chat messages ng Hapon na nagngangalang Takashi Hiro. Singkwenta anyos na ito at kasalukuyang hiwalay sa asawa na isa ring Filipina. May-ari ito ng isang restaurant sa Tokyo.
Madalas ang naging komunikasyon nilang dalawa hanggang naputol iyon nang magkakilala at mag-date sila ni Henry.
Wala na siyang balita kay Takashi ngunit nitong nakaraang linggo lamang, nabuhay ang interes niya nang malamang gumawa pala ito ng paraan para ma-approve ang application niya agad-agad. The man had connections to expedite her application. At ngayo'y nakatambad sa kanya ang oportunidad na manirahan sa Japan kasama si Louise. Malayo sa buhay na kinalakhan nilang mag-ina. Patungo sa isang banyagang lugar kung saan pwede silang magsimula muli.
Nagdadalawang-isip siya. Sa desisyon niya, kailangan niyang putulin ang relasyon nila ni Henry. Mahal niya ito ngunit hindi pa ganoon kalalim ang damdaming iyon para hindi niya i-consider ang opportunity na ibinigay sa kanya. Noon naman, hiling lang niyang makatagpo ng lalaking bubuhay at magseseryoso sa kanya. Iyong tatanggap sa buo niyang pagkatao kasama na ang pagtanggap kay Louise. Inakala niyang si Henry ang lalaking iyon ngunit bigla-bigla'y nagbago ang ihip ng hangin sa kanya. Sa isang iglap, nanumbalik ang kagustuhan niya noong una na lisanin ang Pilipinas.
Ang bagay na ito ang dahilan ng pag-aaway nila ni Henry lately. Nalaman niyang nalulugi na ang kabuhayan ng kinakasama lalo pa nga't na-diskubre niyang suma-sideline pa rin pala ito sa ibang babae. Sa mga nangyayari, lalong tumitibay ang desisyon niyang sunggaban na ang pangako ng magandang buhay sa Japan.
"Ito na ang hinihintay mo, Francine. Pagkakataon mo nang tumayo sa sarili mong mga paa. Japan ang tanging pag-asa mo. Ninyo ni Louise." Mahinang kausap niya sa sarili.
Bumuntung-hininga siya saka muling ipinasok ang dokumento sa envelope at itinago iyon sa loob ng kanyang drawer.
"SAMBAKOL ang mukha mo. May bagsak ka rin bang grades? Sumabit ang Investment Mathematics ko. Tumataginting na tres." Pagbubukas ni Amie ng usapin habang magkasunod silang pumila para sa assessment of fees.
Kanina pa sila nagkita pero dahil hindi magkatugma ang schedule na nakuha nilang dalawa, naghiwalay sila sa registration at sa bayaran na lang sila nagkita ulit.
"Naiinis lang ako." Naalibadbarang saad niya. Hinawi niya ang tumabing na bangs sa kanyang noo.
"Mag-uumpisa ang klase, napaka-nega mo. Bad vibes 'yan, girl. Ano ba'ng problema mo? Grades nga?"
Umiling siya.
"Ang mama mo?"
Pwedeng si Francine pero higit pa roon ang bumabagabag sa kanya. Muli siyang umiling.
"Sure na ako. Si Harold?"
Natahimik siya, ipinulupot ang braso sa katawan saka napasimangot.
"May nabasa kasi akong kakaibang message sa phone n'ya. Mukhang galing sa ex-girlfriend niya. Naaalala mo pa ba noong ikinuwento ko sa'yo si Danielle Marasigan? Alam kong naghahabol siya ngayon sa boyfriend ko." Pagkuwa'y nakalabing sumbong niya sa kaibigan.
"Sinasabi ko na nga ba? Sus, gan'yan talaga ang mga lalaki, parang anghel sa first three months ng relationship. Susuyuin ang mga babae na kulang nalang ay sambahin ang lupang tinatapakan ng mga alindog natin. Pagkatapos na makuha ang mga gusto nila, manlalamig na. Magloloko na. Tapos iiwan tayo. Itatapong parang basura. Put-, whew, nakaka-bad vibes!" napalakas na palatak nito.
Parang matutunaw naman si Louise sa hiya dahil dinig na dinig ng babaeng kasunod nila sa pila ang pagra-rant ni Amie nang wala sa oras. Nakita niyang napailing na lang ito. Si Amie naman ay hitsurang walang nangyari. Mukhang proud pa yata sa ginawa nitong pag-speech.
"Hindi pa naman ako nakakasiguro pero malalaman ko mamaya. Susundan ko sila mamayang six sa SM San Lazaro. Sabi sa text, doon sila magkikita."
Seryoso siyang hinarap ng kaibigan. "Hay naku, girl, naiinis na ako diyan sa prince charming mo, ha. Akala mo kung sinong pa-inosente, mukhang sa loob pala ang kulo."
"Hey, masyado kang affected. Parang boyfriend mo ang nagloko, ah? Saka, hinala ko pa lang naman." Kalmado niyang sabi kahit pa nga nag-uumpisa nang bumangon ang inis sa kanyang dibdib.
"Paanong hindi ako maiinis? Magkasama na kayo sa iisang bahay, nalulusutan ka pa rin? Dapat siguro, magsama na kayo sa isang kwarto para magwardiyahan mo. O sa iisang banyo para walang kawala." Walang inhibisyong suhestiyon ni Amie.
Maigi at mahina ang boses ng taklsesang kaibigan kung hindi ay na-ianunsyo na sa buong Saint Joseph the Baptist University ang sekreto niya. Sasabad pa sana siya upang pagsabihan ito pero kagyat niyang narinig ang pagtawag ng cashier sa kanyang numero sa pila.
OZC
![](https://img.wattpad.com/cover/68862666-288-k944368.jpg)
BINABASA MO ANG
Wild Innocence
RomanceSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...