Sudden Impact

12.9K 137 1
                                    

ALIGAGANG SINIPAT ni Harold ang kapirasong card na naglalaman ng mga grado niya sa buong semestre. Sa walong subject, tanging PE at Ethics lang ang ipinasa niya. Paano'y iyon lamang ang klaseng pinapasukan niya. Paano niya ipapaliwanag kay Henry na matatagalan pa siyang ga-graduate taliwas sa inaasahan nito? Minsan nang nabanggit sa kanya ng ama ang problema nito sa negosyo lately. Hindi man nito i-detalye ngunit alam niyang problemang pinansiyal iyon.

Gusto niyang magsisi ngunit huli na ang lahat. Maghahanap na lang siyang lakas ng loob na sabihin sa ama ang predikamento niya. He knew his father would understand. Pinahid niya ang pawis sa noo muling isinuksok sa bulsa ng bag ang certifcate of grades saka naglakad na palabas ng school.

"Hey, Harold. Hang on."

Tumigil ang binata sa tawag na iyon. Nalingunan niya ang humahangos na si Danielle. Mag-isa lang ito at wala ang kaklaseng laging karay nito. Muling itinuon ng binata ang atensyon sa daan at patay-malisyang nagpatuloy sa paglalakad. Lakad-takbo naman ang ginawa ng hingal na babae hanggang makasabay sa kanya.

"We need to talk."

"Ano ba'ng kailangan nating pag-usapan?" tumigil siya at sinalubong ang mga mata nito. "You broke up with me, right? I thought we had both moved on and there's no way I should be talking to you."

Danielle let out a groan. Ibinabad ang mga mata nito sa kanyang mukha bago nagsalita.

"I want you back."

Bahaw na tumawa ang binata. "You want me back? Why, Danielle?"

"I still love you." Walang gatol na amin nito.

Siya naman ang tumawa nang bahaw. "Hindi na mangyayari ang gusto mo. Iyang sinasabi mong pagmamahal, you can get over it. Wala na akong nararamdaman sa'yo." Matigas niyang sabi saka muling humakbang.

Agad namang kinabig ni Danielle ang braso niya at napaharap siya rito.

"Si Louise Delgado ba? Ang babaeng 'yun ba ang dahilan?"

Pansamantalang natigilan si Harold. Ano ang alam ng ex-girlfriend niya kay Louise? Ganoon na ba ito ka-desperado na makipagbalikan sa kanya para ukilkilin kung sino si Louise sa buhay niya?

"Louise is out of this. Huwag mo siyang idamay sa kalokohang sinasabi mo."

"Sigurado kang wala siyang kinalaman sa mga nangyayari? Girlfriend mo na siya, hindi ba?"

Nagtagis ang bagang niya. Gumalaw ang Adam's apple niya sa marahang paglunok ng laway. Danielle was definitely up to something. "No, she's not my girlfriend." He said convicingly.

Sana nga lang ay maniwala ito.

Danielle let out a dry laugh. Nanunudyo ang mahinang pagtawa nito. "Hindi mo siya girlfriend pero magkasama kayo sa iisang bahay."

Her words struck him like thousand arrows were fanned across his chest in one shot. Pakiwari ni Harold ay nagyelo ang buong katawan niya ng ilang segundo.

"A-ano'ng sinasabi mo?"

"Huwag ka nang magmaang-maangan, Harold. Hindi mo maitatago ang sekreto ninyong dalawa sa akin. Alalahanin mong si papa ang financier ni Tito Henry at nabanggit ng papa mo ang set-up ng pamilya n'yo sa condo. At kung itatanggi mo pa rin ang nalalaman ko, hindi mo ako mapapaniwala sa magiging palusot mo."

Harold's expression softened. Mukhang sukol na ang sikreto nila ni Louise. Danielle played her last card very well.

"What else do you know?"

"I know everything, Harold. Nagsasama si Tito Henry at ang mama ni Louise sa condo unit n'yo. Kaya nagsasama rin kayo ni Louise sa iisang bahay. It's a unique set-up, yeah? Nag-eenjoy ka bang kasama ang anak ng girlfriend ng papa mo sa isang bahay? O isang kwarto? Hindi ba awkward 'yun?"

Muling nagdikit ang bagang ni Harold sa insinuation na iyon ng ex-girlfriend.

"Kung magkasama man kami sa iisang bahay ni Louise, wala kang pruweba na may relasyon kami. Leave her out of this at wala tayong pag-aawayan."

"Oh really? Sa tingin mo ba hindi bibigyan ng malisya ng Saint John The Baptist University ang set-up ng mga pamilya n'yo? What if they find out? Tapos malalaman pa nilang dating sex worker ang mama ni Louise? Hindi ba malaking eskandalo iyon saka-sakali?"

Maang na napatitig si Harold sa kausap. Danielle sounded like a vindictive, scheming bitch.

"Libelous ang sinasabi mo, alam mo ba? Wala kang ebidensya sa sinasabi mo tungkol sa mama ni Louise."


Tumaas ang isang kilay ni Danielle. Naliligayahan pa yata ito sa nakikitang pagkasukol at pagmumukhang helpless niyang makipag-argumento rito.

"Paano kung sabihin ko sayo'ng naikwento sa akin ni papa na dalawa sa mga kaibigan niya ay naging kliyente ni Francine Delgado? Stop defending Louise and her slut mother, Harold. Marami na akong nalalaman sa buhay ng babaeng dini-date mo ngayon. Isang buka lang ng bibig ko, maaring magbago ang lahat sa pagitan n'yo."

"What the hell do you want?"

"Dump Louise. Dump her. Kung gusto mo siyang protektahan, layuan mo siya."

"You're crazy. Sino ka para sabihin ang bagay na dapat at hindi ko dapat gawin? You're hopeless and crazy." Nang-iinsultong sumulok ang labi ng binata.

"Yes, I'm crazy and desperate. But you know what I'm capable of doing, Harold. Pwede kong sirain si Louise sa impormasyong nalalaman ko. Kung talagang mahal mo siya at nagwo-worry ka sa well-being niya, do her a favor."

"Paano ka nakasisigurong makukuha mo ang gusto mo sakaling pumayag ako sa pangba-blackmail mo? Hindi na kita mahal at hindi na maibabalik ang relasyon natin noon. Do yourself a favor, instead. Leave me and Louise alone. Get your nose out of our fucking lives!"

Napalunok ng laway ang dalaga sa tinuran niya.

"I'm not giving up on you, Harold. Sukdulang magalit ka sa akin pero sisiguraduhin kong mawawala si Louise sa buhay mo." Iyon lang at kusa nang tumalikod at lumayo si Danielle.

Naiwan namang gulong-gulo ang binata sa panibagong predikamentong dumating. Hindi niya inaasahang darating agad ang komplikasyong ito sa relasyon nila ng girlfriend. Nangako siya kay Louise na po-protektahan ito ngunit pakiwari niya'y mabibigo siya sa ipinangako niyang iyon. Desperada ang kanyang ex-girlfriend. Ni hindi nga niya maunawaan kung bakit ganoon na lang nito gustong makipagbalikan sa kanya gayong ito naman ang nakipaghiwalay sa kanya noon.


Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon