MABIGAT ang ulong nagmulat si Harold. Agad niyang hinilot ang sentido sa biglang pagbalatay ng kirot. He overdrank last night. Sila ni Levi sa isang bar. Sawi rin kasi ito kay Gwen kaya sinamahan siya nito sa pagsisintir niya.
Padaskol na inalis niya ang makapal na comforter na tumatabing sa kanyang...
Hubad na katawan.
He was naked! Nangunot ang noong inilibot niya ang paningin sa kinapapaloobang silid. Hindi ito ang silid ni Levi. Ang ilang memoryang bumalik sa kanya ay ang pagkalango nilang dalawa sa alak, ang walang humpay nilang pagsayaw. Hindi lang pala iyon, may babaeng umalalay sa kanya at nagpainom ng kung anong gamot.
Si Louise ba?
Marahas niyang ipinilig ang ulo upang alalahanin ang iba pang detalye ng nangyari kagabi. Ngunit blangko na siya sa sumunod na kaganapan. Hindi na rin niya natandaan kung paano silang nakauwi. O kung magkasama ba silang umuwi ng kaibigan.
O kung si Louise nga ba ang babaeng umalalay sa kanya kagabi hanggang makarating sa silid na kinapapalooban niya ngayon. Ngunit may butil ng ala-alang nagsumiksik sa isang bahagi ng kanyang utak.
May kaniig siya kagabi! Tama! Natandaan na niya ang naganap na mainit na romansa sa pagitan nila ni...
Nino?
Agad niyang hinagilap ang mga saplot ngunit wala iyon sa kama kaya hinayaan na lamang niya ang kahubdan. Muli niyang sininop ang kapaligiran habang unti-unting binubuhay ang diwa.
His eyes feasted on purple and white color combination of the room's wall. Mula sa pintura ng dingding hanggang sa mga abubot. Mostly ay girl's stuff. Damn! Nasa silid ba siya ni Louise? Definitely not!
"Good morning, pretty boy!"
Napaibot ang binata sa pagbukas ng pinto. Iniluwa niyon si Danielle na nakatapis lamang ng tuwalya.
Damn, this was just a fucking dream!
Agad siyang bumalik sa kama at tinakpan ang kahubdan.
"You're not dreaming kung iyan ang tumatakbo sa utak mo, Harold. Don't give me that you-never-remebered-anything look? Alam kong very much aware ka sa namagitan sa atin kagabi. Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo ang nangyari kagabi, every detail of our lovemaking?" Danielle climbed onto the bed and leaned closer to him, teasing him. Amoy niya ang scent ng sabong ginamit nito.
Iniwas niya ang mga mata sa mukha ng dalaga. Ngunit nang ibaba niya ang paningin, nahagip ng kanyang paningin ang nakatambad nitong dibdib sa lumuwag na tuwalyang nakabalot doon.
Harold shook his head then closed his eyes. "Get dressed, Danielle. Please."
"Why, pretty boy? Don't act like you have not seen me naked. Na hindi mo hinalikan ang bawat bahagi ng aking katawan. As far as I remembered, you were insatiable last night. We made love five times! Five fucking times! Halos hindi na nga ako makalakad."
"No!" bulyaw niya rito. Tila nahintakutang dumistansiya si Danielle. Tumayo ito sa gilid ng kama habang nakamata sa kanya.
"Get dressed and give me my fucking clothes. Uuwi na ako."
"Are you worried na malaman ni Louise na may nangyari sa atin? Bakit Harold? Hindi pa ba ako sapat para mapunan ang mga sexual cravings mo? I'm much more dexterous than that naïve girl. She was just a girl, for fuck sake. Mas marami akong experience sa kanya. You were not my first but I'm pretty sure I'm the best you had so far."
HAROLD looked at Danielle with utter disgust. "It's not even about sex. Mahal ko si Louise, okay. Huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa akin. And oh, malinaw na sa akin ang lahat. Pinlano mo ito. Ang pamba-blackmail sa akin, ang pagsisinungaling mo tungkol sa depression mo, pati ang pagkalasing ko. How could I be so stupid to not think it was all but a scheme of yours."
At si Levi? Kasama kaya ito sa scheme ni Danielle? Hindi kaya sinadya nitong lasingin siya para maisakatuparan ang plao ng ex-girlfriend? Kumuyom ang kanyang kamao nang maisip ang bagay na iyon. Sa oras na malaman niyang may kinalaman ang kaibigan sa nangyari sa kanya kagabi, hindi niya maipapangakong hindi ito komprontahin. O saktan.
Tumayo siya at binalewala ang presensya ni Danielle. Umupo ang babae sa gilid ng kama, hindi napalis ang ngiti sa mga labi. Ibinalabal niya sa baywang ang kumot habang hinahagilap ang kanyang boxer shorts. Isa-isa niyang tinunton ang nagkalat na kasuotan. Amused namang nakamasid lang ang ex-girlfriend sa paroon at parito niya.
"Get out of the room, Danielle. Magbibihis ako.
"Why the modesty, Harold? I've seen it all last night. I can even describe how your dick looked like last night...how it tasted like, how it felt inside my..." she chuckled.
"Shut up. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? You're desperate, Danielle." Aniya saka isinuot ang boxer shorts kasunod ang skinny jeans.
"We made love and there's nothing to be embarassed about two people doing intimate things like sex. Huwag mo nang itanggi na hindi ka nag-enjoy sa pinaggagawa natin kagabi."
Hindi na siya nagsalita. It was a futile move to argue with a crazy ex-girlfriend. Sarado na ang utak nito sa lahat ng sasabihin niya.
"So you're sticking with Louise?" tanong nito.
Hindi pa rin siya umimik. Isinuot niya ang damit, tinanggal ang ilang lints na kumapit doon. Tuloy-tuloy na tiningnan niya ang repleksiyon sa vanity mirror. Inayos ng binata ang nagulong buhok. The he thought, may mas gugulo pa ba sa nangyayari ngayon?
"Bata pa tayo, Harold. Bata ka pa para magseryoso sa isang relasyon. Para mabaliw sa isang babaeng katulad ng girlfriend mo. Ang tanong, mananatili ba sa'yo ang girlfriend mo? Would she stick up with you? I learned she's leaving. Drake told me nang magkausap kami kahapon."
Kumunot ang kanyang noo sa pagbanggit nito sa pangalan ng bestfriend. Nilingon niya ang babae. "Drake? Ano'ng kinalaman ni Drake dito?"
"Hindi mo pa alam? Masyado bang malaki ang tiwala mo sa santa santita mong nobya para hindi makitang kinakalantari rin niya ang bestfriend mo?"
"I don't believe you." Matigas niyang saad, matalim ang tinging ipinukol kay Danielle. Humulma ang panga ng binata sa pagtiim ng mga bagang.
"Hindi ba kaya ka naglasing kagabi ay dahil nakita mong magkasama sina Drake at Louise? When you agreed to see me, nakita ko na silang magkasama pero hindi ko sinabi agad sa'yo. Ayaw kong gumawa ka ng marahas na hakbang na maglalagay sa inyo sa kahihiyan. Nang magkasama tayong lumabas, alam kong nakita mo na sila but thank goodness you never made a bad move. You saw them, Harold."
Muling pumikit ang binata. Binalikan ang detalye ng sinasabi ni Danielle. She was right. Nakita niyang magkasama sina Louise at Drake sa mall na tagpuan nila ni Danielle. Iyon ang dahilan ng paghimutok niya. Hindi lamang niya nagawang komprontahin ang kasintahan dahil maraming problemang sumulpot nang araw na iyon. He was bombarded with a lot of predicaments to confront anyone, particularly Louise.
Pero...hindi nga kaya totoong may something sa girlfriend at bestfriend niya? Tinu-two time nga ba siya ni Louise?
Imposible, giit ng kanyang utak. Hindi magagawa ni Louise na pagtaksilan siya. Gayunman, kailangan niyang makumpirma. Kailangan niyang matagpuan si Louise upang magkausap sila nang masinsinan. To fix things between them.
"Pinagtataksilan ka ni Louise, Harold. Imulat mo ang mga mata mo, please. Kaparehas lang siya ng nanay niya."
"If you still have dignity left in you, Danielle, get dressed and stop lying. You're the mastermind of this scheme pero hindi ako papayag na manalo ka sa laro mo. Handa kong isakripisyo ang lahat para kay Louise. Kaya ko siyang protektahan. Laban sa'yo." Matigas na turan niya saka tumalikod upang tunguhin ang pintuan. Iyon ang nararapat niyang gawin kaysa ang gumawa ng hakbang na makakasakit kay Danielle. Mayroon pa rin siyang pagpipigil sa kanyang sarili.
"You're ruining each other, Harold. Kung may taong pwedeng makasakit at makasira kay Louise, ikaw 'yun." Habol nito bago pa niya mahawakan ang seradura.
You're ruining each other. Just like what he had thought a few days ago.
Nagkibit-balikat ang binata at walang lingon-lingong lumabas ng pinto. Mabigat ang hakbang na tinalunton niya ang hallway palabas ng condo unit ng ex-girlfriend. Naisabunot niya ang mga daliri sa buhok paglabas.
"You've messed up bigtime, Harold. What the fuck, man!" inis na palatak niya sa sarili bago sumakay sa pumaradang taxi.
BINABASA MO ANG
Wild Innocence
عاطفيةSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...