DALAWANG gabi na siyang hindi umuuwi ng condo. Gulong-gulo ang utak niya sa loob ng dalawang araw. Sunod-sunod ang mga hindi magandang pangyayari. Paano niya ipapaliwanag kay Henry na bagsak halos lahat ng grades niya. Ngunit mas madaling solusyunan iyon kaysa predikamentong may kinalaman kay Louise.
Una, ang napipinto nitong pag-alis kasama si Francine. Ikalawa, ang panggugulo ni Danielle. He thought of what just happened, or what could had probably happened last night. No, hindi muna niya kailangang kausapin 'yon. He could not the thought of it make him feel worse about himself. Pero maaring gamitin iyon ni Danielle para magkasira silang dalawa ng kasintahan. Para tuluyan na itong pumayag sa gusto ni Francine na lumayo ito.
"Umiwas ka na kay Louise simula ngayon. Iwasan mo na siya. O hanggang maari putulin na ninyo ang namamagitan sa inyong dalawa. Hindi ka makakabuti sa kanya. Sa mga pangarap niya. Sa pangarap ko para sa kanya."
"Ano'ng ipinagkaiba mo kay Henry huh, Harold?"
"Mahal mo siya dahil nakukuha mo na ang gusto mo sa kanya. Pero katulad ng ama mo, magsasawa ka rin. Bata ka pa at imposibleng hindi ka maghanap ng iba."
"Hindi na mababago ang desisyon ko. Sa ayaw at sa gusto ng anak ko, sasama siya sa akin. Kalimutan mo na lang siya, Harold. Bata ka pa naman. Makakahanap ka pa ng babaeng pwede mong mahalin bukod sa anak ko. Isa pa, maaring masira ang relasyon ninyo o namin ni Louise sakaling malaman niyang nagkaroon tayo ng ugnayan. Sa tingin mo ba tatanggapin ng anak ko ang katotohanang ako ang domonselya sa boyfriend niya?"
Damn!
Tila binabangungot siya nang gising sa pagdagundong ng tinig ni Francine sa kanyang utak. Marahas siyang umiling upang itaboy ang boses nito. But the voice won't go away. Harold squeezed his eyes shut. He thought of Louise. Isinilid niya sa utak ang lahat ng magagandang ala-alang pinagsaluhan nilang dalawa. He thought of her beautiful face, her ethereal smile. He thought of her eyes glittering against the light of the sun. He thought of her gentle laugh, so velvety it could soothe any troubled soul.
Ang bangungot, unit-unting napalitan ng magandang panaginip. Dinala siya niyon sa malaparaisong lugar. Napapaligiran siya ng mga puno, ng mga bulaklak, ng mga paru-parong walang kapaguran sa paglipad.
"Harold..." a comforting voice called onto him. Bumaling siya sa pinanggalingan ng tinig na 'yon. Nasumpungan niya ang nakangiting kasintahan. Tila aparisyon ng anghel na bumaba sa lupa ang babae. He just stood there, gawked at her slender figure as she walked towards him. It stirred something in him. Pisikal, emosyonal, espiritwal. Si Louise lang ang may kakayahang buhayin ang pagnanais na iyon sa kanya.
Ilang dipa na lang ang layo nilang dalawa nang biglang gumalaw ang paligid. Nag-umpisang lumindol, umugoy nang marahas ang mga puno, nagliparan palayo ang mga paru-paro.
"Louise!" sigaw niya. He reached out to her but she turned away. Tinangka niya itong habulin pero biglang humarang ang malaking punong nabuwal. "Louise, bumalik ka!"
She was already gone.
Sa isang iglap, nagbalik siya sa reyalidad. "Louise was leaving." Marahas siyang umiling, na para bang sa pamamagitan niyon kaya niyang pigilan ang napipintong paglayo nito. "Louise loves me, she can't leave me. Hindi niya ako iiwan. Nangako kami sa isa't isa na hindi kami maghihiwalay, na walang pwedeng sumira sa amin." Pabulong niyang wika.
Tumingin siya sa unahan ng kinalulunang taxi. Nakita niya sa front mirror na nakatitig ang driver. Bakas sa mukha nito ang pagtataka sa pagsasalita niyang mag-isa.
"Huwag n'yo ho akong intindihin. Hindi ako nababaliw kung 'yan ang iniisip n'yo. Baka maaksidente pa tayo. Please ho..." Saway niya rito. Agad namang tumutok sa daan ang driver. Pero mukhang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya.
Bumalik ang konsentrasyon siya sa mga iniisip. Hanggang tila guhit ng liwanag sa dilim ang kumintal na ideya sa kanyang utak.
Pero pwede niyang kausapin si Louise na magpakalayo-layo silang dalawa. Mahal siya ni Louise at katulad niya, hindi nito kakayaning malayo sa kanya. Iyon ang solusyon sa problema niya. But then again, paano kung mapaniwala ni Danielle si Louise tungkol sa namagitan sa kanila ng ex-girlfriend kagabi? At paano niya pasisinungalingan iyon kung gayong siya man ay hindi sigurado sa maaring naganap nang gabing malasing siya at magising sa kwarto ng dating kasintahan.
"Sort it out, man. Calm down and just sort it out." Pampalakas-loob niya sa sarili. Dinukot niya ang cellphone. Kahapon pa niya tinangkang tawagan si Louise ngunit nakapatay ang phone nito. Nagpadala siya ng ilang mensahe, kasama na ang pagsisinungaling niya kung saan siya natulog. Si Levi ang tanging alibi niya. Sila ang magkasamang pumunta sa bar. Kakausapin niya ito na mag-corroborate sa version niya sakaling magkabukingan.
But then something flickered in his train of thoughts.
Si Levi?
Damn!
Ang gabing kasama niya ito sa bar, ang pagkalasing niya at ang pagpapainom sa kanya ng hindi niya matukoy na party drug: bahagi kaya iyon ng scheme ni Danielle kasabwat si Levi? Kung ganoon, paano itong napahinuhod ni Danielle na sumang-ayon sa desperada niyang ex-girlfriend? Maliban na lang kung may kinalaman din sa lahat ng nangyayari si Drake. Sanggang-dikit sina Drake at Levi. Malaki ang utang na loob ni Levi kay Drake. At vocal ang huli sa pagkagusto nito kay Louise.
Kutob ang tanging hawak niya ngunit may isang bahagi ng utak niya na nagtagni-tagni ng mga pangyayari ang nagtulak sa kanya na dumeretso sa apartment ni Levi kaysa ang umuwi sa condo. Nais niyang kumpirmahan ang mga sapantaha niya para makapagpaliwanag siya kay Louise sakaling totohanin ni Danielle ang banta nito.
"Manong, huwag na ho tayong tumuloy sa binigay kong address. Ihatid n'yo na lang ho ako palengke ng Santo Domingo."
Kailangan niyang makausap si Levi.
BINABASA MO ANG
Wild Innocence
RomanceSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...