DANIELLE MARASIGAN.
It seemed she had it all. Beautiful face. Money. Popularity.
Ngunit sa kabila ng lahat, salat siya sa pagmamahal. Cliché nang maituturing ang kwento ng mga katulad niya. Lumaki siya sa isang dysfunctional family.
Ang kanyang ama: Daniel Marasigan, was a self-made man. Nagmula ito sa maykayang pamilya ngunit piniling magtagumpay gamit ang sariling pamamaraan. Daniel was an ideal provider. He was a good father to her. Ibinibigay nito ang lahat ng pangangailangang materyal niya. Sobra pa nga sa pangangailangan niya. Kaya nga lumaki siyang spoiled at sunod sa layaw. Gayunpaman, hindi sapat iyon para sa kanya.
Danielle needed a father figure, a breathing father.
Her mother, Alicia Marasigan could have compensated her father's absence. Nagmula ito sa prominenteng angkan ng mga Tsinoy. Sa pagkakaalam niya, nagma-manage rin ng ilang negosyo si Alicia bago ito ipinagkasundo kay Daniel. Her parents got together through an arranged marriage. Gayunpaman, labis na minahal ng kanyang ina ang kanyang Papa. O mas akmang sabihin, ang Mama lang niya ang nagmamahal sa asawa nito.
Si Daniel? Umabot siya sa edad na nineteen pero ni minsan, ni hindi niya nakitaan ng amor ang kanyang Papa para kay Alicia. Na para bang araw-araw nitong ipinamumukha na hindi pagmamahal ang nagbubuklod sa kanilang dalawa. Kahit nagkaanak na ang mga ito, walang katiting na pag-asang mamahalin ito ng Papa n'ya.
Resented as a wife, Alicia resorted to alcohol. Hanggang sa lumalala ang pagiging alcoholic nito. At dahil sa emotional at psychological torture na nararanasan nito, idagdag pa ang additcion nito, tuluyan nang nawala sa reyalidad si Alicia. Alicia became a bipolar---isang manic-deppresive illness na mabilis na nakakapagpabago sa mood at behavior nito. Ang sakit ng kanyang ina ang dahilan kung bakit nawala ang presensya nito sa buhay n'ya.
Then along came Harold Deviera.
Ten years old sila nang unang magkakilala. Ang ama nitong si Henry ang kasosyo ng kanyang Papa sa isang negosyo. Nakita niya kay Harold ang isang kaibigan---isang caring at maasahang kaibigan. Tahimik ito ngunit mature mag-isip. Katulad niya, nanggaling din ito sa broken family---their common denominator.
Si Harold ang naging sandigan n'ya mula pagkabata hanggang pagdadalaga. Their firendship spanned for six years. Sa loob ng panahong 'yon, natagpuan niya ang pamilya sa katauhan nito. Hanggang sa nahulog ang loob niya sa binata. In fact, siya ang unang nagbigay ng motibo sa lalaki noon. It just happened Harold reciprocated.
Pareho silang fifteen nang maging magkasintahan. Bata man ang edad, it seemed they were both mature that time. Maraming plano silang binuo. Mga planong sa isang maling desisyon niya ay naglahong lahat.
Danielle remained rooted to her issues. Hinayaan niya ang sariling lamunin ng problema sa kanyang pamilya. Katulad ng kanyang Mama, lumitaw ang sintomas ng kanyang manic-depressive illness. Lumala ang mood swings n'ya. She even had suicidal thoughts. Nasa tabi niya si Harold nang mga panahong 'yon. Sumusuporta sa kanya kasama ang ilang kaibigan.
Pero hindi naging sapat ang support system na ibinigay ng mga taong higit na nakakunawa sa kanya. Kailangan niya ang suporta at pagmamahal ng kanyang totoong pamilya. Ngunit suntok sa buwan na mangyari pa iyon. At naging hudyat iyon para magrebelde siyang lalo.
She became a delinquent teenager, only to escape life's realities. Upang palayain ang sarili sa mundong unti-unting kumakain sa kanya---ang mundo ng baliw niyang ina. Sumubok siya ng iba't ibang bisyo: alak, sigarilyo, party drugs. Hindi niya namalayan sa ginagawa niya, itinaboy niya ang kaisa-isang lalaki na nagpahalaga sa kanya. Sa taas ng pader na ipinalibot niya sa sarili, hindi na nagawang akyatin ni Harold iyon. Natapos ang lahat sa kanila.
Totoong mare-realize mo lang ang kahalagahan ng isang tao kung wala na ito. Magda-dalawang taon na kung tutuusin mula nang hiwalayan niya si Harold. Ganoon din katagal ang naging pagsisisi n'ya. Ngunit huli na ba?
Harold Deviera was the one that got away.
Pero hindi siya papayag. Hindi niya hahayaang matulad siya sa kinahinatnan ng kanyang ina. Danielle Marasigan was more than her past issues. Mas malakas na siya. At kung kailangang gamitin niya ang concern ni Harold sa kanya bilang kaibigan, gagawin niya. Gagawin niya ang lahat para tuluyang bumalik ito sa kanya.
Danielle Marasigan would not give Louise Delgado a f*cking chance!
BINABASA MO ANG
Wild Innocence
RomanceSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...