Fueling The Fire

11.3K 153 18
                                    

KAPE AT BISCUIT ang parehong in-order ni Drake para sa kanilang dalawa. Pumuwesto sila sa isang tagong sulok kung saan mas kaunti ang mga taong kumakain. Karamihan doon, mukhang napipilitan lang ring kumain. Well, sino ba naman ang kakain nang masaya sa isang ospital? The idea of this place made her cringe at the core of her soul. Kung hindi lang sa urgency sa pangyayari, ayaw na sana niyang tumapak sa lugar na katulad nito.

"Bukod sa...bukod sa relasyon ng mga magulang namin..." Hindi alam ni Louise kung itutuloy niya ang tanong na kanina pa nakabikig sa kanyang lalamunan. Close sina Drake at Harold at may sapantaha siyang open secret na rin ang totoong relasyon nila ng kasintahan. Kung si Danielle nga, nagawang pagsabihan ni Harold ng tungkol sa kanila, si Drake pa kaya na malapit din dito.

Umibot siya nang bahagya nang ikulong ni Drake sa mga palad ang dalawang kamay niya. "Alam ko na ang tungkol sa inyo ni Harold, Louise. Alam kong higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon kayo at alam ko rin ang pinagdadaanan ninyo ngayon. Siguro hindi lang masabi ng direkta ni Harold noon kasi gusto ka niyang protektahan. O ang sarili niya...you know, ayaw niya ng eskandalo."

So everybody knew?

"Mahigit siyang two days na nawala. Nag-try naman siyang mag-reach out pero hindi iyon ang punto. Kung may problema siya, bakit wala siyang tiwalang sabihin sa akin 'yon?"

Binawi ni Drake ang mga kamay at humigop ng kape mula sa paper cup. "I've known him for so many years now. Alam kong dumarating ang pagkakataong dinidistansiya niya ang sarili sa mundo. I mean, open siya sa tropa pero may mga bagay siyang sinasarili. Parang may bahagi niya ang ayaw niyang i-expose sa iba dahil sa hindi rin namin malamang dahilan."

Keeping secrets. Right.

"Marami ba siyang hindi sinasabi?"

Tumikhim ang lalaki. "Kahit ang tungkol sa relasyon nila ni Danielle noon...at ngayon."

Tila bumikig ang kapirasong biscuit sa kanyang lalamunan sa narinig. "Ano'ng tungkol kay Danielle at Harold?"

"Did Harold tell you Danielle was his ex-girlfriend."

Umiling siya pero pagkuwa'y tumango. "Not the details. Hindi ko matandaan kung paano n'ya nabanggit. Madalas kasi iniiba niya ang topic kapag masyaong personal na ang mga tanong ko."

"They used to be close. Matalik na magkaibigan ang mga Papa nila. Hindi makwento si Harold pero si Danielle ang nagkukwento sa akin ng tungkol sa relasyon nila. You know, simple stuff like how Harold was like when they were together. Si Danielle kasi ang nagri-reach out sa akin bilang bestfriend ni Harold. Ako lang naman ang nakakaalam kasi hindi naman mausisa ang ibang tropa."

"Close kayo ni Danielle kung gan'un?"

The question caught Drake off-guard. Parang bigla itong nataranta. Louise did not dare ask why.

"Hindi naman gaya ng naiisip mo. Sometimes, we run into each other. Nagkukumustahan, gan'un lang. Pero simula nang naghiwalay sila ni Harold, bihira na ang naging contact namin."

"How about now?"

"What about now?"

"Tungkol sa relasyon nina Harold at Danielle ngayon."

Mula sa pagkaaligaga, parang lumiwanag ang mukha ni Drake sa inihimig niya.

"I don't think na sa akin dapat mismo manggaling ang lahat, Louise. Si Harold lang ang pwedeng magsabi sa'yo ng estado ng relasyon nila ni Dani."

What was he trying to insinuate? Sa pagkakataong iyon, siya ang nag-reach out para kunin ang mga kamay ng lalaki. "Gusto kong malaman, Drake. Please."

Itinaas nito ang dalawang kamay bilang pagsuko. "All right." Tumaas ang dibdib ni Drake matapos nitong kumalap ng hangin. Nilaro-laro nito ang biscuit habang nakayuko. "Nakikipagkita si Harold kay Dani. Iyon ang alam ko. Mga ilang linggo na siguro. Dani was in a dark place right now and she thought she needed Harold. Katulad ng sinabi ko sa'yo kanina, they used to be really close bago pa man sila nagkaroon ng ugnayan noon. Si Harold lang ang nakakaunawa ng mga issues niya."

"And Harold offered her help? Bilang...kaibigan?"

Nagkibit-balikat si Drake. "I don't know if he's doing it as a good friend to Dani."

Humigop ng mainit na kape si Louise upang pawiin ang biglang pagdagsa ng lamig sa kanyang buong katawan. Bakit lahat na lang ng impormasyong nakakalap niya ay napapagtagni niya sa iisang konklusyon?

Niloloko siya ni Harold.

Masyadong hulog sa pag-iisip ang dalaga na hindi na niya namalayan ang pagtulo ng kanyang mga luha. She felt so vulnerable and weak about everything that was happening. Hindi na niya kayang kanlungin lahat ng nararamdaman niya ngayon. Wala na rin siyang pakialam kung nakakahiya mang umiyak sa lugar na kinaroroonan. Halos lahat naman umiiyak sa ospital.

Louise was pouring all her emotions out when she felt Drake's hands held hers tightly. Bagaman hindi iyon nakatulong upang ibsan ang nararamdaman niya ngayon, na-appreciate niya ang pagdamay nito. Kumuha pa ito ng panyo saka nagkusang punasan ang luha niya.

"Louise! Drake!"

Kapwa sila napalingon sa kontrolado ngunit matigas na tinig ni Harold na nakatayo ilang metro ang layo sa kanila. He still looked miserable and exasperated. Kabuntot nito si Danielle na mababanaag ang intriga sa mga mata. The bitch even gave her a lopsided grin.

Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon