Risky Encounter

17.2K 246 0
                                    

"GOOD MORNING, CLASS. May I have your attention for a moment?"

Nagsitahimik ang buong klase sa ma-otoridad na boses ni Mrs. Conrado na bumungad sa kanilang unang klase nang araw na iyon. Sa block section nabibilang si Louise kaya kasama niya si Amie sa klaseng iyon. Absent nga lang ito ngayon, naiwang bakante ang upuang inookupahan nito.

"As you all know already, block section ang klaseng ito. Nasa third grading period na rin tayo ng semestreng ito pero napagpasyahan ng dean na tanggapin ang isang estudyante na nagka-problema sa schedule n'ya dahil nailipat sa ibang araw."

Parang bubuyog na nagbulungan ang mga kaklase niya. Nahimigan niyang may alam na ang mga ito. Sa kanilang university kasi, kahit academic matters ay napagtsi-tsismisan. Propesor na nakipag-relasyon sa estudyante. O dean na may extra-marital affair sa isa sa mga college instructors. Kahit ang simpleng pangongolekta ng fees ay hindi lumalagpas sa pandinig ng studentry.

"Mechanical Engineering and kurso niya pero common subject ang Ethics subject kaya walang problema sa akin na tanggapin siya dito. I want you all to welcome, Harold Deviera."

Tinahip ang dibdib niya pagkakita sa papasok na matangkad na bulto ng lalaki. Hindi iyon grand entrance pero sa isip niya, napaka-dramatic ng pagpasok ng binata hanggang sa tumabi ito kay Mrs. Conrado. She could hear the buzzing among her female classmates but she could not fully understand them. Mas malakas kasi ang kabog ng dibdib niya. Lalo na nang ngumiti at kumaway si Harold sa kanilang lahat. Kompidante at magiliw itong tumanghod sa kanila. He looked extremely handsome. Kahit yata bugbugin iton, gwapo pa rin.

Agad niyang ni-rendahan ang utak sa pagliliwaliw nito. Attracted lang siya kay Harold, iyon lang 'yun. Nothing more, paniniguro niya sa sarili.

"Harold, you may take a seat. Tumabi ka na kay Louise Delgado. That vacant chair at the back beside her."

Itinuro ng instructor ang silyang upuan ni Amie. Pero hindi iyon ang nagpaalarma sa kanya, kung hindi ang napipintong pagtatabi nila ni Harold.

"Mam, si Amie ho ang katabi ko sa upuan. Absent lang po siya ngayon." Agap niya.

Huminto naman sa center aisle si Harold. Nagpalipat-lipat ng tingin sa kanya at kay Mrs. Conrado.

"It's fine, Louise. Palilipatin ko na lang ng upuan si Amie kapag pumasok na siya. Isa pa, mas bagay kay Harold ang pwesto sa likod dahil matangkad siya. Kapag inilagay ko siya sa harap, baka hindi ko na kayo makita."

Tawanan ang lahat sa sinabing iyon ng guro. Ganoon din si Harold. Siya lang ang bukod tanging hindi. Tiningnan niya ang nakatayong binata. Nakatingin na pala ito sa kanya. Tumango siya upang ipahiwatig na wala na siyang magagawa. Agad na tumalima si Harold saka tumabi sa kanya.

Doon niya napagmasdan nang malapitan ang binata. Nag 'hi' ito sa kanya. Ngiti ang itinugon niya. He smiled, too. A captivating smile that almost got her out of her senses. Wala man lang bang maipipintas sa lalaking ito? Ultimo, kasuluk-sulukan ng mukha nito ay gwapo.

"I'm Harold Deviera." Inilahad nito ang kamay. "Nice meeting you-"

Atubiling tinanggap iyon ni Louise. "Louise Delgado. It's nice meeting you too, Harold."

Ang tinatawag bang 'spark' ay parang maliit na boltahe ng kuryente lang? Pero bakit parang nililiyaban na siya sa simpleng pagdaop ng kanilang mga palad? Agad niyang binawi ang mga kamay. Baka maabo na siya sakaling magtagal iyon.

"Welcome to the Ethics class."

"Thank you. Actually, may itatanong sana ako sa'yo?"

Her brows furrowed. "Ano 'yun?"

Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon