Foiling Heat

13.3K 178 1
                                        

MALIKSI ANG KILOS na nagbangon ang lalaki. Ganoon din si Louise na napaupo na agad itinaas ang panty at suot na jeggings. Kagyat niyang hinablot ang bra sa sofa at isinuot iyon sa ilalim ng kanyang blusa.

Nang matapos magbihis ay napako ang tingin niya kay Harold. Hindi maipinta ang mukha nito kung maiihi o ewan. Nang dumako ang mata niya paibaba, napasinghap siya nang makita ang malaking bukol na nais kumawala sa pantalon nito.

"Ayaw lumambot. Ikaw na muna ang magbukas ng pinto. Baka makita nina papa nan aka-flag ceremony ako at maghinala sa ginawa nating dalawa." Nagrereklamong saad nito, panay kambyo sa sandata nitong namumurok sa loob ng skinny jeans.

Nauntag sa pagkatulala si Louise saka tinungo ang pinto habang inaayos ag nagulong buhok at gusot na blouse. Samantalang si Harold ay naupo sa sofa at pilit pinalalambot ang napukaw na sandata.

"Tito Henry!" bulalas niya nang mapagbuksan ang papa ni Harold. "Ma, bumalik ho kayo?" tanong niya nang makitang kasunod nito si Francine.

"Gulat na gulat ka yata. May nakalimutan lang si Henry." Anang mama niya nang pumasok kabuntot si Henry.

"Harold, kumusta kayo ni Louise?" bati ni Henry sa nakaupong binata, pilit ang ngiti nito na sa kanyang papa. Alam ni Louise kung ano ang iniinda nito.

"Putlang-putla itong kasama mo. Baka naman hinahayaan mo lang siya sa pag-aayos ng mga gamit." Nakita nitong naka-pause mode ang pinanonood nila kaninang palabas. "Kaya naman pala, inuna mo pa ang panonood kaysa ang tulungan si Louise sa paghahakot ng natitira niyang gamit sa stockroom. Lend her a hand."

"Sige, pa. Tatapusin ko lang ho ang palabas pagkatapos ay tutulungan ko na siya." sagot nito.

Pasimple siyang pinasadahan ng tingin ng binata. Iniwas naman niya ang mga mata at tumabi kay Francine habang si Henry ay may kinukuha sa drawer sa study table malapit sa sofa na kinauupuan ni Harold.

"Pawis na pawis ka yata?" pagkuwa'y tanong ni Henry sa anak.

"Ah, eh." Nagkamot ito ng ulo, hindi alam ang sasabihin.

"Tinutulungan ho ako ni Harold na mag-ayos ng gamit ko." Salo niya. "Malapit na nga ho kami matapos, eh. Sinasabay ho namin ang panonood para naman malibang kami."

"That's good. Mas magandang maayos ang relasyon ninyong dalawa dahil magkasama na kayo sa iisang bahay." Anang papa ni Harold.

Hindi nito ang kanina pang ginagalugad na envelope. Agad itong naglakad palapit kay Francine bitbit ang papeles. Nagbigay-daan naman si Louise na pumuwesto sa ulunan ng sofa.

"Kayo bang dalawa ay magkasundo na?"

"Magkasundong magkasundo ho kami ni Louise, papa. Kahit ho sa school ay magkaibigan na kami." Nakangiting turan ni Harold.

"Paano, tutuloy na ulit kami." Kagyat na lumabas ang dalawa matapos muling magpaalam. Tumayo na si Harold ay agad ini-lock ang pinto nang masigurong wala na ang dalawa.

"I think they're gone."

Makahulugan ang mga tingin na ipinukol sa kanya ng binata. Kinambyo nito ang bukol sa harapan ng pantalon.

"Doon na muna ako sa kwarto ko, Harold. Magpapahinga lang ako."

Pagkuwa'y paalam niya sa binata na bahid nang pagkalito ang mukha sa biglang pamamaalam niya. Pagkapasok sa kwarto'y hindi napakaling nagpabalik-balik lang si Louise. Natauhan siyang bigla sa mga nangyari. Ipikit-imulat ng dalaga ang mga mata habang pilit na inaanalisa ang namagitan sa kanila ni Harold.

"Ano'ng nangyayari sa'yo, Louise?" kausap niya sa sarili nang humarap sa malaking salamin ng tokador.

Tiningan niya ang repleksyon doon. Inalala ang lahat ng kaganapan kanina sa sofa. Gamit ang hintuturo, sinipat niya ang mga labi. Mamula-mula pa iyon sa pagsiil ng halik ni Harold doon. Pinababa niya ang kamay sa kanyang leeg. Hinilot-hilot niya ang marka ng ginawang pagsipsip ng binata sa bahaging iyon ng kanyang leeg.

Maya-maya'y dumako ang kanyang kamay sa dibdib. Dama pa niya ang ginawang paglamas ni Harold sa mga iyon. Pakiwari niya'y naroon pa rin ang mga palad nito, nilalapirot ang kanyang utong.

Waring may kumulo sa kanyang kaibuturan nang dumako ang kamay sa kanyang kaselanan. Ipinikit niya ang mga mata upang alalahanin ang pagsamba ng binata roon. Ang pag-ikot, paghimod at paglaro ng dila nito sa kanyang ari.

Humugot nang malalim na hininga ang dalaga. Sa pagkakataong iyo'y itinukod ang dalawang braso sa ibabaw ng tokador. Naroon pa rin ang pakiramdam ng lahat ng ginawa sa kanya ng kasintahan. Pinilit niyang alisin iyon sa kanyang utak ngunit tila nakapagkit na sa kanyang memorya ang lahat ng naganap.

Masyado siyang nadala sa udyok ng kanyang katawan. Kanina, napatunayan niyang kayang-kayang gapiin ng pagnanasa ang lohika niya. Ni hindi nga niya nagawang tumanggi kanina, o mag-isip man lang kung tama ba o mali ang ginagawa nila. Ang tanging alam niya ay ang masarap na pakiramdam na hatid niyon sa kanya.

Pero sa totoo lang, hinahanap-hanap na niya ang pakiramdam na iyon. Parang nag-iwan iyon ng imprint sa kanyang katawan. Tumalikod sa salamin ang dalaga at agad na inihilata ang katawan sa kanyang kama. Pinisil-pisil niya ng sentido na sumakit sa samu't saring naglalaro sa kanyang utak. Ipinikit niya ang mga mata nang tuluyang bumigat ang mga talukap niyon. Hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.


Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon