Insatiable

13.1K 178 0
                                    

SI LOUISE NA ang kusang nagligpit ng pinagkainan nilang apat. Maliksi ang kilos na hinugasan niya ang mga plato habang naglalaro ng X-Box si Harold sa sala. Ewan ba niya ngunit pag-alis ng mag magulang, parang naumid na ang dila niyang komprontahin ang binata sa plano nitong mag-tour kasama ang mga kaibigan.

Kilala na niya ang tropa nito, hindi man personal kung hindi base sa mga kwento sa kanya ni Amie noon. Hindi naman niya magawang kilalanin ang mga ito nang personal dahil ilag siya sa mga ito dahil na rin sa napagkasunduan nila ng boyfriend.

Pagkatapos ng gawain sa kusina, bumalik sa sala si Louise. Napuna niya ang pananahimik ni Harold. Hindi siya iniimikan ng binata kahit alam nitong naroon ang presensya niya.

Bakit kaya?

Dahil sa paglilihim niya tungkol sa pagkakaroon niya ng boyfriend noon? Napapakababaw naman ng lalaki sakaling iyon nga dahilan. Hindi pa ba sapat dito na ito ang nakauna sa kanya. Wala na siyang dapat pang patunayan.

Si Louise rin ang hindi nakatiis. Pagkadaka'y pumuwesto siya sa tabi ng binata.

"Hi. Ano 'yang nilalaro mo?"

Hindi kumibo ang binata, patuloy pa rin sa pagpitad ng remote control.

"Galit ka ba?" hindi nakatiis na tanong niya.

"What do you think?" walang lingong-balik-tanong ng binata.

"Galit ka. Wala akong maisip na dahilan."

Hindi ito umimik. Ganoon din ang ginawa niya. Para silang mga pipi sa loob ng ilang minuto. Hindi na naman nakatiis si Louise. Lumapit siya sa binata saka inihilig ang baba sa balikat nito.

"What are you doing?" inilagay ng binata sa pause mode ang nilalaro.

Nilingon siya. Ga-dangkal ang layo ng kanilang mga mukha dahil hindi niya inalis ang pagkakasandig ng baba niya sa balikat nito. Kumilos ang binata ang hinawakan ang kanyang mukha saka ito pumihit sa kanya.

"Galit ka nga, hindi ba?" nakalabing tanong niya.

Inalis ng binata ang kanyang baba sa balikat nito ngunit pinananatili ang malapit na distansiya nilang dalawa.

"Naglilihim ka sa akin, eh."

Umangat ang isang kilay niya. "Ikaw ba, hindi? Naglihim ka rin naman na may lakad pala kayo ng barkada mo."

"At least iyon, lakad ng tropa. Hindi boyfriend."

"Ex-boyfriend." Pagtatama niya.

Iniwas ng binata ang mukha saka muling itinutok sa screen. Muli itong pumitad upang ipagpatuloy ang paglalaro.

"Kausapin mo naman ako." Aniya.

"Nope, I'm busy. Wala ka namang planong magtapat sa akin in the first place. Magsama kayo ng Troy mo." Anitong waring nagtatampo.

"Selos ka?"

"Sino ba'ng hindi? Hindi naman siguro ako bestfriend mo lang o tropa para hindi magselos, hindi ba?"


Kumilos ang dalaga. Isinampa ang mga paa sa sofa saka niyakap si Harold mula sa likuran. Muling ginawang unan ng baba niya ang balikat nito. Nang hindi pa rin matinag ang binata ay pabiro niyang kinagat-kagat ang tenga nito. Pakiwari ni Louise ay natibag na ang awkwardness sa pagitan nila matapos ng unang pakikipa-sex niya sa nobyo. Parang normal na sa kanyang gawin ang mga bagay na iyon.

"Hindi mo ako mapapaamo sa paganyan-ganyan mo." Natatawang saad ni Harold na tutok ang mga mata sa screen.

Ibinaba niya ang labi sa batok nito at hinalik-halikan iyon. Dama niya ang pagbukas ng pores ng balat ng binata sa ginawa niyang iyon.

"You cannot tame me, sweetheart." Anito.

Sa sinabi niyo'y inunat niya ang katawan. Ipinasok niya ang kanang kamay sa loob ng tee shirt mula sa leeg. Dere-derecho iyon hanggang sa dibdib ng binata. Kinapkap niya ang kanang utong nito at pinaikot-ikot ang isang daliri niya sa paligid niyon. Tumigas iyon kasabay ng pag-alon ng dibdib ng binatang napasinghap. Alam niyang naapektuhan na ito dahil may ilang ulit nang namatay ang karakter na nilalaro nito.

"Nope, I feel nothing."

"Oh, really?" ibinuga niya ang hangin sa puno ng tenga nito habang abala ang isang kamay sa paghimas sa dibdib at utong nito.

Mukhang nagtagumpay naman siya dahil kagyat na itinigil ni Harold ang paglalaro. Ibinaba nito ang remote.

"Stop it, sweetheart. Baka hindi ako makapagpigil." Babala nito, mabigat na ang paghinga.

"Paano kung ayaw kong tumigil?" hamon niya.

Muling hinalik-halikan ang batok nito. Sa ginawa niyang iyo'y mabilis na kumilos si Harold. Parang magaan siyang bagay na pinangko nito, pinaghiwalay ang kanyang mga balakang saka dumagan sa kanya.

"Harold...ang bigat mo." Reklamo niya ngunit gusto niyang pakiramdam ang pagkakadikit ng katawan nila.

Parang mga magnet iyong laging naghihinang.

"I know you like me kissing you like this, hmm?" bulong nito saka dinampian ng halik ang leeg niya.

She cupped the corner of his shoulders with her palm. Iniliyad niya ang katawan sa kiliting hatid ng halik nito na gumapang na paitaas sa kanyang baba.

"You're driving me crazy, Louise." Anitong nakangiti saka sinakop ang mga labi niya.


Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon