Spilled the Beans

13.3K 173 2
                                    

Nakipaglaban siya ng halikan dito. Naroong kagat-kagatin niya ang pang-ibabang labi nito, sipsipin ang dila nito na parang sanggol na uhaw sa dede ng isang ina. Habol nila ang hininga nang magbitiw ang kanilang mga labi.

"Ano, galit ka pa rin sa akin?"

"Hindi naman ako ang galit sa'yo, eh. Iba ang nagagalit sa'yo."

Pilyo itong ngumiti. Na-gets naman niya ang nais ipakahulugan ng binata dahil damang-dama niya sa kanyang balakang ang pagngangalit ng alaga nito.

"Do you want to do it here? Sige na..."

Pinisil niya ang magkabilang pisngi ng binata. "Hindi ka ba napapagod? Hindi pa ito magaling." Angal niya.

"I'll be gentle." Giit nito.

"Gentle mo mukha mo. Para namang ang liit niyang ano mo." Natatawang reklamo niya.

Bumungisngis si Harold saka siya muling hinalikan.

"Maswerte ka kasi gifted ang boyfriend mo. Hindi ka malulugi sa akin." Pagmamayabang nitong saad nang maghiwalay ang mga mukha nila.

"Malas kamo. Ang hilig mo kasi."

"Once lang, ang hilig na agad?"

"Nakakatatlo ka na, uy. Counted iyong dalawang nauna."

"Handa ka ba sa pang-apat? Panglima? Pangsampu? Hindi ako magsasawa. Hangga't tayo lang rito, gagawin natin 'yun kasi..." hindi nito itinuloy ang sasabihin.

"Kasi ano?" halos maduling si Louise sa ginawang pagtitig sa mga mata ng binata.

"Kailangan ko pa bang sabihin sa'yo ang dahilan?"

"Gusto kong marinig."

Tila paslit na lumuwang ang ngiti ni Harold. Kinintalan siya ng halik sa noo. "Kasi..." bumaba iyon sa tungki ng kanyang ilong. Dumausdos iyon hanggang sa mga labi niya na kinagat-kagat nito. Then he scoured her face with so much sincerity in his eyes.

"I love you, Louise."

Pansamantalang natigilan ang dalaga.

At last!


Ang mga katagang hinihintay niya mula sa kasintahan. Masarap pala marinig ang mga salitang iyon mula sa lalaking pinag-alayan mo ng puso at katawan. Pakiwari niya'y marahan siyang inuugoy ng masarap na pakiramdam hanggang sapitin ang mala-paraisong lugar. Punong-puno ng bulaklak sa lugar na iyon. Napapaligiran siya ng mababangong bulaklak habang sakay ng isang kumpol ng ulap. Tumingala siya sa kalangitan. Maya-maya ay may isang tinig na nagmula sa kung saan sa itaas. Tinig iyon ni Harold habang binibigkas ang three magic words nang paulit-ulit. Animo'y musika iyon sa kanyang pandinig.

"Louise, are you okay?" untag ng binata.

Agad namang nagbalik sa huwisyo ang dalaga. Natawang pinagmasdan niya ang nobyo.

"Ano nga'ng sinabi mo?"

He chuckled. "Sabi ko, I love you." Ulit nito.

"Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan?" kunwa'y nagtatampong tanong niya.

"My God, hindi pa ba obvious na mahal kita? We made love. That means I love you."

Make love. 

Hindi sex. 

Dahil hindi lahat ng sex may kalakip na pagmamahal o emosyon. Parang iyong pakikipag-sex ng mama niya sa iba't ibang lalaking nagiging suki nito. Iba naman ang ginagawa nila ni Harold sa ginagawa ng mama niya noon. What they shared in his bed was emotion in action. Hindi lamang udyok ng katawan ang pagniniig na ginagawa nila. Udyok din iyon ng kanilang mga puso.

Gaya nang muling namagitan sa kanila ni Harold sa silid naman niya matapos ang paglalambingan nila. Gaya nang pagbigyan nila ang udyok ng kanilang mga puso at katawan nang muli silang magniig sa sofa matapos ang tanghalian. O ang muling pag-iisa ng kanilang mga katawan nang sabay silang maligo kinahapunan. They were insatiable. Para silang walang kapagurang sabik na sabik sa isa't isa.

Ganoon ang naging set-up nila. Iniingatan nila ang sikretong iyon sa tuwing nagsasara ang pintuan ng condominium. Sa tuwing umaalis sina Henry at Francine. O sa gabi-gabing pagtalilis ni Louise sa kwarto para makasiping si Harold.

Lumipas ang buwan ng Abril at Mayo na wala silang inatupag kung hindi ang lunurin ang mga sarili sa masarap na pakiramdam na dulot ng pakikipagtalik. Ni hindi na nga natuloy ang binata sa road trip nito dahil ayon dito, mas trip nito ang magkulong sa condo kasama siya. Ganoon din siya na hindi naman talaga feel ang umuwi ng probinsya. Bakit pa naman sila lalabas kung sa condo ang adventure na hinahanap nila? Hanggang dumating ang buwan ng Hunyo.


Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon