NATIGIL ANG PAGBABALIK-NAKARAAN ng utak ni Louise nang marinig ang tanong na iyon ni Harold sa kanyang ina. Tiningnan niya ito. He looked curious and inquisitive. Kinabahan siyang bigla. Pero sa isang banda, hindi naman siguro issue kay Harold ang pagkakaroon niya ng boyfriend noon? Saka hindi naman ito nagtanong ni minsan sa kanya.
"Hindi ba naikukwento sa'yo ni Louise? Si Troy ay childhood sweetheart niyang anak ko. Nagkahiwalay lang sila nang lumipat kaming dalawa ng Manila hanggang sa magkita silang muli noong fourth year high school dito. To make the long story short, nagkaigihan silang dalawa. Sayang nga lang at nag-break din sila agad." Tila giliw na giliw pa si Francine sa pagkukwento ng love life niya.
Hindi naman maipinta ang mukha ng dalaga.
"Interested akong marinig ang love story ninyo ni Troy, Louise. Would you mind telling me the details later? Para naman hindi tayo mainip dito sa condo mamaya."
Tumikhim ang dalaga at sinalubong ang kakatwang tingin ni Harold. Umangat ang isang sulok ng labi nito.
"Wala naman akong dapat ikwento. Matagal na 'yun."
"Interesado pa rin ako. Hindi ba close na tayo?"
"Makakatulog ka lang. Sobrang boring ang kwento namin." pakli niya.
"Okay. It seems like you like keeping secrets to yourself." Makahulugan nitong pahayag saka muling ibinalik ang pokus sa pagkain.
"Oh siya, kayo na dalawa ang bahalang magligpit ng mesa, ha? Pupunta na kami ni Francine ng shop." Tumayo si Henry, kasunod si Francine. "Harold."
"Ho?"
"You still owe me an explanation. Hindi ko palalagpasin ang ginawa mo kagabi."
Parang nangapal ang pisngi ni Louise sa narinig. My God, alam ba nito ang namagitan sa kanila kagabi? Posibleng narinig nito ang nangyari sa kwarto ni Harold? Ibinaling niya ang mga mata kay Harold, halata niya ang pamumutla nito.
"Oh, bakit namutla na kayong dalawa?" nagtatakang tanong ni Henry na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila. "Anyway, babalikan na lang kita mamaya kung bakit late ka nang umuwi kagabi. Nagluto pa mandin si Louise tapos hindi ka na naman sumabay sa hapunan." Saad nito kay Harold.
Nakita niyang parang nabunutan ng tinik ang binata. Gayundin si Louise na buong akala'y nabuko na ang pinagagawa nila ng binata. Kasama na roon ang totoong estado ng kanilang relasyon.
"Oh, siya. Bahala na kayo rito. Kung may mga lakad kayo, i-text n'yo na lang kami ni Henry, ha?" paalam ni Francine.
Hinagilap nito ang clutch bag saka nagtungo sa gilid niya upang humalik sa kanyang pisngi. Pagkuwa'y si Harold naman ang pinuntahan nito. Nanggigigil na pinisil ng mama niya ang pisngi ng binata. "Alagaaan mo iyang si Louise, ha? Tutal naman ay magkaibigan na kayo kaya sa'yo ko ipagkakatiwala ang anak ko."
"Yes, tita." Nakangiting sang-ayon ni Harold.
Sa nakita'y nakadama ng guilt si Louise. She was really close to her mother. Pero nagawa niyang magsinungaling dito. She had to keep her relationship with Harold out of her knowledge, including her Tito Henry. Baka maapektuhan ang relasyon nila sakaling malaman ng mga ito ang totoo.
Minsan na silang nagkausap ni Francine kung tuluyan na ngang naudlot ang panliligaw sa kanya ng binata. Sinabi naman niyang magkaibigan na lang sila gaya nang unang binanggit niya rito. Sumang-ayon naman ang ina na maging ganoon na nga lang ang maging relasyon nila lalo pa nga at magkasama sila sa iisang bahay. Nag-aalala ito sa well-being niya sakaling magkaroon sila ng intimacy ng binata kung boyfriend niya ito.
BINABASA MO ANG
Wild Innocence
RomanceSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...