GUSTO sanang magpasama ni Louise kay Amie sa plano niyang pagsunod kay Harold sa meeting place nito at ni Danielle pero biglang ipinatawag ang kaibigan sa Theatrical Club para sa pag-renew ng registration ng school organization. Naisip niyang maigi na rin iyon para hindi ma-out-of-place ang kaibigan sakaling mauwi sa confrontation ang kaganapan mamaya.
Nauna na siya sa SM San Lazaro. Alas-cinco y media pa lang ay naroon na siya. Humanap siya ng magandang vantage point para sa gagawing pag-e-espiya. Hindi naglaon ay nahagip ng mga mata niya ang pagdating ng isang babae. Hindi nga siya nagkamali ng sapantaha. Ang babaeng pumapasok ngayon sa Starbucks ay ang Danielle na ex-girlfriend ni Harold. Hindi siya maaring magkamali dahil tandang-tanda niya ang hitsura at pustura nito. Pati ang Gucci bag na bitbit nito.
One time ay nakita rin niya ito malapit sa billiard hall kung saan naglalaro ang boyfriend at ang tropa nito. May pakiwari nga siya noong una na sinusundan pa rin ng Danielle si Harold dahil obvious namang nagpapapansin pa rin ito sa kasintahan niya.
She trusted Harold enough and never confronted him about that particular instance. She did trust him until she found out she was texting him. At napagtagni-tagni niyang baka isa iyon sa dahilan ng pananahimik ni Harold lately. Alam niyang may nagbago sa binata.
"Oh God, ang kapal ng mukha ng bruhang ito." Bulong niya sa sarili, hindi nilubayan ng mata ang dalaga na naaninag niya sa glass wall ng establisyemento. Nangapal ang pisngi ni Louise sa presensya nito, nag-init ang puno ng kanyang tenga bagaman naduwag siyang sundan ito.
Hindi siya maaring magpadala sa bugso ng damdamin, paalala niya sa sarili. Hindi pa niya alam ang buong istorya at baka magulo lamang lalo ang plano niya. Isa pa, hindi niya ugali ang mangompronta nang walang matibay na basehan at kahit inihanda niya ang sarili sakaling kailangan niyang gawin iyon, parang nababahag pa rin ang buntot niya sa posibilidad ng harapan nilang tatlo.
Tahimik na nagmanman ang dalaga hanggang masumpungan ng mga mata ang pagpasok ni Harold sa kaparehong establisyemento.
Iyon na ang kumpirmasyong hinihintay niya. Ewan ba niya ngunit sa halip na lumakas ang loob para sundan ang nobyo sa loob ay parang nanghina ang mga tuhod niya. Kinalma niya ang sarili at makailang-ulit na nagbuga ng hangin upang ibsan ang paninikip ng dibdib.
Bantulot siya kung papasok o hindi. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagtayo ni Danielle sa kinauupuan at tangka nitong pagbeso kay Harold ngunit umiwas ang huli. Pumuwesto siya sa likod ng isang haligi upang mas makita nang malapitan ang nagaganap sa loob ngunit napapiksi siya nang maramdaman ang pagdantay ng isang mabigat na bagay sa kanyang balikat.
Nangunot ang kanyang noo nang makilalang si Drake iyon.
Ano'ng ginagawa ng kaibigan ni Harold sa lugar na ito? Magkasama ba ang dalawa?
"Sorry kung nagulat kita. We were not introduced formally but I know you. Kaibigan ko rin ang kaibigan mong si Harold Deviera. I'm Drake Samaniego."
Inilahad nito ang palad sa kanya, nakapagkit ang mga mata sa kanyang mukha habang matamis ang mga ngiting nagpalitaw sa mapuputi nitong ngipin. Bantulot na tinanggap ni Louise ang kamay ng binata.
"I'm Louise Delgado. I-it's nice meeting you, Drake." Matipid niyang sabi saka nagpalinga-linga.
"May hinahanap ka ba? Date mo?" tanong nito.
Umiling ang dalaga. "May bibilhin lang ako sa itaas kaso hinihintay ko pa ang kaibigan ko." Pagsisinungaling niya.
Aware kaya ito na narito rin ang kaibigan nitong si Harold? Parang napaka-unlikely na hindi nito alam na sa parehong lugar ang kaibigan gayong malimit maghang-out ang mga ito.
"Ikaw? May lakad ka ba? Kasama mo ba ang mga kaibigan mo?" she probed.
Nagkibit-balikat ang binata. "No. May binili akong computer accessory sa itaas. Wala pang stock kaya naglibot na muna ako."
"Ah..."
"Ikaw, baka hindi ka na siputin ng friend mo. Pwede namang ako na ang sumama sa'yo. I'm free." Suhestiyon nito. Hindi alam ng dalaga kung paano hihindian ang lalaki dahil obvious ang enthusiasm nito sa harap niya.
"Ano kasi, Drake...uhm, padating na rin ang kaibigan ko. Pero thank you sa pag-volunteer." Nahihiyang saad niya.
Lumabi naman ang lalaki. "Okay. Pero hindi sa nangungulit ako, ha? Sasamahan na lang kita rito na hintayin ang kakatagpuin mo. Magha-hi lang ako sa kanya saka ako aalis. Para naman may maka-kwentuhan ka habang naghihintay."
Sa pagkakataong iyo'y nilinga at pa-simpleng inaninag ni Louise ang ini-espiya sa loob ng Starbucks. Abala pa ang mga iyon sa kwentuhan. Muling bumadha sa dibdib niya ang masidhing panibugho.
Teka, paano siya makakapagmanman nang maigi kung gayong narito ang kaibigan ng boyfriend? Hindi kaya taktika lang ito ni Harold para i-divert ang atensyon niya?
Pwedeng taktika nga ni Harold iyon lalo pa nga't hindi siya makakalapit sa nobyo sa presensya ng mga kaibigan nito. Baka makahalata ang mga iton sa tunay na namamagitan sa kanila. Bumuntong-hininga si Louise at wala nang nagawa na pumayag na samahan siya ni Drake sa paghihintay.
BINABASA MO ANG
Wild Innocence
RomanceSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...