Curious, Jealous

15.1K 187 2
                                    

MABILIS NA NAKATULOG si Harold sanhi ng pagod sa pakikipagniig. Si Louise naman ay bumangon bandang alas-cuatro upang bumalik sa sariling silid.

Nang magising kinabukasan, pakiwari ng dalaga'y nagkapira-piraso ang kanyang kalamnan partikular ang kaselanan sa kirot niyon. Dinig niya ang mahinang pagtawag ni Francine sa kanyang pinto. Agad siyang bumalikwas ng kama at nagsuot ng alpombrang tsinelas. Naka-panty at bra lamang siya. Malamang ay nasa kwarto pa ni Harold ang night gown na suot niya kagabi.

Iika-ika siyang naglakad, inapuhap muna ang roba na nakasabit sa likod ng pintuan. Ibinalot niya iyon sa katawan. Saka lamang niya napuna ang tagos ng dugo sa kanyang panty.

Napa-buntong-hininga ang dalaga nang maalala ang pagniniig nila ni Harold kagabi. Iyon ang unang karanasan niya sa sex. Ang bagay na iningatan niya ng labing walaong taon ay mabilis lamang nakuha ni Harold. Ngunit walang bahid ng pagsisisi ang dalaga sa pagkakaloob niyon kay Harold. Kahit pa nga nabigo siyang marinig ang inaasam na 'I love you' mula rito. Naisip niyang marahil ay pagod lang ito at hindi narinig ang pagbigkas niya ng mga katagang iyon kagabi. Ipinagpalagay niyang ganoon nga ang nangyari kaysa ang mag-isip ng mga bagay na magpapasama ng kanyang loob.

"Louise, bumangon ka na riyan. Sumabay ka na sa amin sa almusal." Anang mama niya sa likod ng pinto.

Naalertong pinihit niya ang seradura at binuksan iyon.

"Five minutes, ma. Magbibihis lang ho ako." Isasara sana niya ulit ang pinto ngunit pinigil iyon ni Francine.

Maang itong napapatitig sa kanya.

"Bakit ho?" na-conscious na tanong niya.

"Wala naman. Bakit gan'yan iyang hitsura mo? Para kang pinagsamantalahan ng sampung kabayo."

Si Harold ho ma ang nangabayo sa akin kagabi, saad ng malikot niyang utak. "Ho?"

Umiling-iling ang ina. "Ang sabi ko, mag-ayos ka na at hihintayin ka namin sa almusal. Dalawang buwan nang halos hindi tayo nagsasamang apat sa hapag kaya bilisan mo ang kilos. Aalis kami ng Tito Henry mo patungo sa motoshop niya."

Pagkasaad ay umalis na ito sa pintuan niya. Dagli naman siyang naghilamos sa sariling banyo sa loob ng kwarto. Nagpalit lamang siya ng maluwang na varsity shirt na in-arbor pa niya mula kay Amie na nanggaling naman sa hinahabol-habol nitong varsity player ng basetball sa kanilang school. Tinernuhan niya iyon ng itim na jeggings.

Bago lumabas ng kwarto, ibinalot niya ang duguang panty saka itinago iyon sa pinakailalim ng laundry basket niya. Paano'y si Francine ang naglalaba ng marurumi niyang damit kahit sinasabi niyang siya na ng gumawa tuwing walang pasok. Baka tanungin siya ng ina tungkol doon gayong alam nitong tuwing unang linggo ang regla niya. Kinsenas pa lang ng Abril ngayon.

Nagpulbos lamang siya saka lumabas na. Masakit na masakit pa rin ang kanyang pwerta at balakang ngunit kailangan niyang indahin iyon. Mahirap nang may makahalata sa pananakit ng katawan niya.

"Good morning ho." Bati niya nang maratnan sina Henry at Francine.

Tiningan niya si Harold na mukhang nakaligo na at bagong bihis. Makahulugan siya nitong nginitian saka hinila ang upuang katabi nito. Naupo na siya roon.

Nagpasalamat siya nang lagyan siya ng kanin ni Harold sa plato.

"Pumili ka na lang ng gusto mo. Hotdog, longganisa, sausage o iyong saging." Anito na wari niya'y pinaparinggan siya.

Pasimple niyang inapakan ang mga paa nito. Napakislot naman ang binata. Pinukol niya ng tingin sina Henry at Francine at baka napuna ng mga ito ang ginagawang panunudyo Harold. Maigi at may pinag-uusapan ang dalawa habang kumakain.

Tumusok na lamang siya ng longganisa at inilagay iyon sa plato. Tahimik na siyang kumain.

"Isang linggo nang nag-umpisa ang bakasyon, hindi ba? Do you two have plans already?" pagkuwa'y untag ni Henry sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan sila saglit ni Harold. Si Louise ang unang nagbawi ng tingin.

"I might stay here in the condo. Nakakalabas naman ho ako kapag kahit may klase." Ani Harold. "Itong si Louise ang tanungin ninyo. Do you have a place in mind, Louise?" binalingan siya ng binata. Nakataas nag dalawang kilay nitong hinintay ang isasagot niya.

Ibinaba niya ang kutsara at tinidor. "Baka ho dito na lang din sa condo." Wala sa sariling saad niya.

"Oh, ano'ng nakain ninyong dalawa at mukhang allergic kayong bigla sa lakwatsa? Come on, name a place at ako na ang bahalang sumagot sa gagastusin ninyong dalawa. Ikaw Harold, wala ba kayong lakad ng grupo mo? Hindi ba plano ninyong mag-road trip sa North Luzon pagkatapos ng compliance mo sa course requirements? Napag-usapan natin 'yun last month, 'di ba?""

"Itatanong ko ho sa tropa, pa." pakli ng binata at pinasadahan siya ng tingin bago itinuloy ang pagsubo nito ng kanin.

Inismiran niya ang binata. Aba at may road trip palang pinaplano ang ugok na ito na hindi man lang binabanggit sa kanya. Kung hindi pa sa Tito Henry niya ay wala yata itong planong magpaalam sa kanya.

"How about you, Louise? Ang sabi ni Francine at gusto mong bumisita sa kamag-anak n'yo sa Oriental Mindoro."

"Kung kasama ho si mama ay baka pumunta ako." Matipid niyang sabi.

Sumabad si Francine. "Hindi ba kaya mo nang bumihaye mag-isa? Sasamahan ko kasi ang Tito Henry mo ngayong buong bakasyon dahil may negosyo akong inalok sa kanya. Kung gusto mong umuwing mag-isa, okay lang sa akin. Ipapasundo na lang kita sa pinsan mo. O pwede namang si Troy ang magsundo sa'yo."

"Ma." Saway niya sa ina sa pagbanggit sa pangalan ng ex-boyfriend niya noong high school.

Kababata rin niya sa Mindoro si Troy na nagkataong nag-aaral sa Magsaysay High School kung saan siya nag-fourth year. Nanirahan kasi ng isang taon ang pamilya nito sa Sampaloc. Nang panahong iyon siya niligawan ni Troy hanggang sa naging boyfriend niya ito. Bago nagdesisyong bumalik sa probinsya sa Oriental Mindoro ang pamilya nito ay saka sila nag-break.

"Sino ho si Troy?" kuryusadong tanong ni Harold.


Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon