HINDI MAIPINTA ANG mukha ni Harold habang tumutungga ng alak, nakaupo sa tall chair na malapit sa counter na pinuntahan nilang magbabarkada. Tanging si Levi ang absent sa weekend gimik nila ngayong gabi dahil pumayag na daw si Gwen na makipag-usap dito.
"I understand why you're drinking like you're going to die tomorrow. Masakit sa ego ang mabasted ng kauna-unahang babaeng nakabingwit ng pihikang puso ng ultimate heartthrob ng Saint Joseph the Baptist University. Biruin mo, isang Louise Delgado lang pala ang sisira sa track record mo ng pagiging habulin."
Tiningan niya nang masama si Marco saka sinaid ang alak sa wine glass.
He's legal to drink now. Hindi katulad dati na namemeke pa siya ng identification card upang makapasok lang sa lugar na ito. Sa grupo, si Drake at Levi ang pinakamatanda. Nineteen na ang mga ito. Pareho naman silang eighteen ni Marco ngunit mas matanda ito sa kanya ng anim na buwan samantalang kaka-birthday lang niya three weeks ago.
"Huwag mo nang masyadong dibdibin ang pagpapantasya kay Louise. Ang daming magagandang tsikas na naghahabol sa'yo, oh. Ngayon ka pa ba tatanggi, eh binyagan ka na. Kailangan mo na ng follow-up sex para mawala ang inis mo." Ani Drake na tumabi sa kanya at um-order ng red wine.
Si Marco naman ay nakasandig na sa counter, pinanonood ang mga nagsasayaw sa dance floor, maya-maya din ang singit sa usapan nila.
"I admit, attracted ako kay Louise. It might be an intense fascination."
"O libog." Tudyo ni Marco.
Muli niya itong pinukol ng masamang tingin.
"Well, hindi kita masisisi. Kahit sino'ng lalaki, jackpot sa ganda ng Delgado na 'yun. Nagtataka nga ako kasi ngayon ko lang siya napansin. Kung hindi lang kita bestfriend, kakataluhin na kita sa tsikas mo."
There was certainty in Drake's tone as his face looked smug when he said it. Nahulaan naman agad nito ang mararamdaman niya kaya agad bumawi ang binata.
"I have no plan or whatsoever na sulutin sa'yo si Louise. Pero habang hindi mo pa siya napapaamo, why not mingle with those ladies over there?"
Sinundan niya ng tingin ang grupo ng kababaihang itinuro ni Drake. Tatlong kumpulan iyon ng mga seksing babae na umiinom sa kabilang counter. Nakita marahil ang maya-mayang pagsipat ng dalawang kasama kung kaya't lumapit ang mga ito.
"Hey, boys. Patrons kayo rito, right?" ani ng pinakamatangkad at pinakamaganda. Tinapunan siya ng malagkit na tingin na waring nang-aakit. "I'm Maxine. These two girls here are my friends, Yvette and Cindy."
"Good evening, ladies. I'm Drake. Bestfriend ko, si Harold at iyang mukhang hindi pahuhuli ng buhay, si Marco." Naliligayahang pakilala ni Drake.
Kinamayan naman nila ang tatlong babae.
Nagbigay daan si Drake nang mahalata nitong malakas ang tama sa kanya ni Maxine. Tumabi agad ang seksing babae sa stool na inalisan ng kaibigan na inakag sa dance floor si Yvette upang isayaw sa pumailanlang na sensual music. Ganoon din si Marco na naging partner naman ni Cindy.
"Ang tahimik mo, Harold. But I like the silent type. Do you know what they say about the quiet ones?" nang-aakit na tanong nito.
The subtle scent of her perfume lingered through his nostrils. Humalo iyon sa amoy alak na hininga ng babae na halos dumikit na ang mukha sa pagkakalapit sa kanya.
Naiiling na ngumiti siya. "What?"
"Magaling daw sa sex ang mga tahimik. Wild. Walang inhibitions. Kasi doon nailalabas ang lahat ng libog nilang naiipon sa katawan. Could you attest to that?"
BINABASA MO ANG
Wild Innocence
Любовные романыSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...