HE WAS A NEW MAN. Bagong binyagan matapos malasap ang unang eksperiyensya sa sex. Hindi maubos ang kantiyawan ng tropa nang magpakita si Harold sa mga tropa tatlong araw matapos ang first experience niya.
"Here comes our man, Harold Deviera."
Umapir sa kanya si Drake at ito pa ang humila ng isang upuan sa study area na kadikit ng cafeteria ng school. Wala namang pakialam ang mga estudyanteng naroon sa ingay ng tropa dahil sanay na ang mga ito sa kanila. Maliban na lang siguro kung maririnig sila ng roving guard na inis na inis sa kanilang grupo.
"Ano, magkwento ka naman? Ampota, atat na atat na ako, eh." Atat na udyok ni Marco.
Umiling-iling si Harold. Naalala niya ang kasalanan ng mga ugok na ito pero hindi na niya uungkatin iyon. Sulit na sulit naman ang performance ni Virgie kahit hindi pasado sa standard niya ang edad at karakas nito. Nangiti siya nang maalalang naka-apat na rounds yata sila ng mala-kunehong inupahang babae. Kung hindi pa sumuko ang 'junior' niya ay wala itong planong tantanan siya. Dahil doon, dalawang araw siyang hindi nakapasok dahil sa pananakit ng balakang at pangigimay ng tuhod.
'Sa mga ngiting iyan, mukhang na-enjoy mo ang special birthday treat namin sa'yo."
Itinaas niya ang dalawang kamay.
"Hindi na ako magkukwento. Pero tama ka, Drake. Iba sa pakiramdam. Hinahanap-hanap ko na nga, eh." May pilyong ngiting amin niya.
Bumulanghit ang tawanan sa tatlo.
"Sabi ko sa'yo, eh. Ano, manligaw ka na kasi para libre na." buyo ni Drake. "Gusto mo ba backup-an ka pa naming tatlo? Sino bang type mo sa mga taga-Mass Communication? Si Nathalie, si Aya o 'yung transferee na si Clea?"
Pawang Mass Communication students ang binanggit ni Drake dahil halos lahat ng magaganda ay sa kursong iyon napadpad.
"Okay na ako mga 'tol. Saka ko na iisipin ang bagay na 'yan. Balik maryang palad na muna ako. Saka alam n'yo namang seryosohan ang gusto ko sa relationship."
"Oh baka naman hindi ka pa maka-move-on kay-" hindi itinuloy ni Marco ang sasabihin nang mapuna ang biglang pagtagis ng kanyang bagang nang tingnan ito.
Alam nito ang nais niyang ipahiwatig. Ayaw na ayaw niyang napag-uusapan ang past relationship nila ni Danielle. Hindi dahil sa hindi pa siya nakaka-get-over kung hindi dahil mahalaga sa kanya ang reservation pagdating sa personal na buhay. He didn't share much about his life.
Naging maagap naman si Levi na basagin ang namumuong tensyon. "Sus! Huwag masyadong seryoso sa relasyon, pare. Pero kahit hindi mo sabihin, alam kong si Miss Bernadette ang type mo. Laway na laway ka nga sa legs n'un, 'di ba? Hindi ka nga lang seseryosohin n'un dahil may boyfriend na siya. Sundalo. Ewan ko lang kung hindi maratrat 'yang pinagmamalaki mo." Buyo nito, tukoy ang professor nila sa Philosophy.
Pero totoong may tama siya sa professor. Physically attracted siya dito.
Bernadette Manalang was in her mid twenties. Statuess, fair-skinned and a beautiful face to match her nice and curvy figure. Kontento na siyang pagmasdan ito sa buong klase nila. Pero ang alam niya at base na din sa kwento ni Levi, may boyfriend na si Miss Bernadette at ikakasal na ito. Isa pa, unaware subject lang ito ng pantasya niya. Sa buong oras kasi ng klase nila sa subject nito, lagi siyang naka-flag ceremony habang ini-imagine ang professor.
"Hindi na sumagot, oh?" puna ni Marco.
"Medyo mahirap pangarapin si Miss Bernadette pero posibleng masungkit. Habulin ka naman, 'di ba? Saka pinagpala. I learned she has the hots for well-endowed men. Tiba-tiba siya sa kargada mo." Natatawang sabad ni Drake.
Harold smirked. Sabi nga ni Virgie, pwede daw siyang maging porn star dahil talagang maipagmamalaki ang 'ano' niya. Maybe, it ran in their family. His grandfather was a certified playboy. Dinagdagan ng isa pa ding babaero niyang ama. Kaya nga siguro hiniwalayan ito ng kanyang mama upang makipagbalikan sa first love nito na taga-Capiz at eventually ay nanirahan abroad.
Bumalatay ang lungkot sa mukha ng gwapong binata nang maalala ang paghihiwalay ng mga magulang. Genial naman ang paghihiwalay ng dalawa. Wala naman siyang sinisisi dahil nakita niyang parehong may irreconcilable differences ang mga magulang. Pinili niyang sumama sa kanyang papa dahil ito ang may kakayanang paaralin siya at ibigay ang lahat ng luho niya.
He lived in a spacious condo with his dad. Pero madalas, solo niya ang unit dahil party animal at sociable ang kanyang papa kahit pa nga nasa late forties na ito. Hindi naman kasi mahahalata ang edad sa ama niyang baby-faced na hawigin ng matinee heartthrob na si Gaby Concepcion. Makamandag din ito pagdating sa mga babae. Marahil, kahit hindi kasing garapal ng kanyang papa, doon niya nakuha ang nag-uumapaw niyang libido.
HAROLD WAS LOST IN HIS THOUGHTS when his gaze caught someone walking along the hallway.
Nakatagilid ang babae pero kitang-kitang maganda ito. She stood a few inches more than the average. Nasa 5'5" siguro. Natitigan niya nang maigi ang mukha ng babae ng pumasok ito ng study area. Bakit hindi napansin ito noon? Transferee ba ang isang ito?
May ten-second delay ang paglalakad ng babae palapit sa kinaroroonan nila. Her long, wavy hair fluttered like luscious caramel syrup. Ganoon din ang kulay niyon na nagpatingkad sa maputing complexion nito. Mestisa ito pero medyo maputla. Buti na lang may buhay ang mga mapupula nitong labi. Matangos ang ilong, hindi masyadong prominente at bumagay sa maliit nitong mukha.
She was literally two to three meters away from where he was seated. Nagtagpo ang mga mata nila.
Puno ng kainosentahan ang tingin nito na parang tumagos sa likod niya. Nagyuko ito bago tumingin sa ibang direksyon hanggang sa tuluyang makalagpas sa pwesto nilang apat. Papasok yata ng cafeteria ang babae. At sa pagsunod niya ng tingin, lumihis ito upang umupo sa isang table kung saan naghihintay ang isang babae na maaring kaklase nito.
"Baka maduling ka, pare." Untag ni Marco.
Hindi naman siya nakabawi sa pagka-engkanto, patuloy pa ring pinagmamasdan ang magandang babae.
"Mukhang tumupi na ang lover boy natin. Pakilala ka na." si Drake. Naiiling na hinarap niya ang tatlo.
"Ang ganda, 'no?" si Levi. "Kung hindi mo type, ako na ang manliligaw."
Nagdikit ang kilay ni Harold. "Akala ko ba gusto mong makipagbalikan kay Gwen?" buyong tanong niya dahil wala ng ibang bukambibig ang kaibigan niyang ito kung hindi ang ex-girlfriend na nakipag-break dito two months ago. Panay kasi ang reklamo si Levi na porke tuyot na tuyot na ang sex life nito simula nang maghiwalay sila ni Gwen.
Lumabi si Levi. "Sabi ko nga. Pero kung type mo talaga, do the moves na. Baka maunahan ka pa ng kung sino. Tingnan mo itong si Marco, mukhang tinamaan na rin ng lintik."
Samu't sari pa ang pinagkwentuhan nilang apat ngunit manaka-naka ang nakaw na sulyap niya sa babaeng kumuha ng atensyon niya. May isang bahagi ng utak niya na nag-udyok na kumuha ng iba pang impormasyon sa pagkatao nito. May boyfriend na kaya ito? Sana naman ay wala pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/68862666-288-k944368.jpg)
BINABASA MO ANG
Wild Innocence
RomanceSEX. Sa konserbatibong pananaw ay aktong nakakulong lamang sa silid ng mag-asawang tumanggap ng sakramento ng kasal. Sa modernong kaisipan, sex was...an act of liberation, of expression, of passion. Madalas sa minsan, wala lang...