Read My Lips

12.4K 168 6
                                    

PAPASOK PA LANG sa billiard hall si Harold ay kitang-kita na niya ang komosyon ng tatlong kasamang naghihintay. Nagbulungan ang mga ito habang nakatingin sa kanya saka nag-apiran.

"Here comes the lover boy." Bungad ni Drake na agad umakbay sa kanya. "Mukhang seryoso ka na sa Delgadong 'yun, ah. Kaya ka ba late sa usapan natin ngayon? Akala ko tuloy hindi ka na sisipot sa hang-out."

Matapos mahigh-five ang mga kasama ay nagtuloy-tuloy siya sa tall chair na malapit sa counter. Noon lang niya napansin ang babaeng nasa gilid.

Si Gwen.

Kumaway ito sa kanya. Kapagkuwan ay nilapitan ito ni Levi saka hinapit sa bewang. Nagpaunlak naman ng halik ang babae pero smack lang 'yun. Nahiya marahil sa presensya nilang magba-barkada. Nagkabalikan na pala ang dalawang ito.

"May hinatid lang ako sa klase ni Louise."

"Do you really like her?"

"Matagal ko nang sinasabi sa inyo. Gusto ko si Louise. At seryoso ako sa kanya." Kaswal na amin niya.

Muling napuno ng kantyawan ang hall. Sila-sila lang naman ang parokyano ng bilyaran kapag alanganing oras sa hapon.

"Eh si Maxine o Gretchen? O 'yung isa mo ang nilagare sa Cosmos Bar?" buyo ni Marco.

Nagkibit-balikat. "Iyon na ang huli. I'll pursue Louise kaya hinay-hinay na ako."

"Mahirap rendahan ang libog, pare. Mukhang matitigang ka sa tipo ni Louise. Magkaka-prostate cancer ka n'yan."

"Ano naman? Hindi naman lahat ng oras, sex lang ang habol ko." Kumbinsidong tugon niya.

"Kung gan'un, matatapos na ang sexcapades mo kay Virgie, Maxine, Samantha, Gretchen at sino nga iyong noong nakaraang linggo?" Kunwang nag-isip si Marco. "Ah, iyong na-obsess yata sa'yo, si Miss Mahinhin...dutin." Bulalas ni Marco sabay hagalpak ng tawa.

"Gago!" he retorted.

"Enjoy mo muna ang buhay, Harold. You only live once. Huwag mong sabihing gan'un ka ka-seryoso kay Louise. Pwede ka pang makipaglaro sa iba. Hitsurang 'yan, madaming babaeng mag-aagawan na maikama mo." Pilyong suheto ni Drake.

Umiling ang binata saka sumandal sa pasumano ng counter. "Teka, bakit ba ako ang ginigisa n'yo, ha? Tingnan n'yo ang dalawang 'yun, parang mga sawang nakalingkis sa isa't isa."

Ininguso niya ang pares nina Gwen at Levi.

"Hoy mga kuneho, kumuha kayo ng kwarto at hindi dito kayo nagkakalat." Sigaw ni Marco.

Sukat doon ay nang-aasar pang mas pinagbuti ng dalawa ang public display of affection. Sanay na sila sa dalawang ito. Alam rin nilang ganoon sadya ang karakas ni Gwen. Hindi lang nila pinakikialaman ang choice ni Levi. Kahit naman magpakatanga ang tropa nilang iyon, hindi nila nasasawata ang ibang desisyon nito. Isa pa, pare-pareho silang may mga sariling kalokohan.

'Ika nga, don't judge someone because they sin differently than you.

"Pasay tayo mamaya. Sa Matrix daw sabi ni Levi. Sagot ng mokong, reunion celebration nila ni Gwen. Ampota, corny ng hayop." Ani Marco sa mahinang tinig.

Kapwa sila napahagikgik ni Drake sa komento nito. Numero unong pambasag talaga si Marco. Palibhasa ito ang hindi kailanman nagseryoso sa babae. At sa pag-aaral. O sa buhay.

"Sasama ka ba?" tanong ni Drake sa kanya. "Tinatanong ko lang baka kasi masyado ka nang nahuhumaling diyan sa hinahabol mo kaya ipinagpalit mo na ang tropa."

"Kayo na lang muna. But it's not because of Louise." Babala ni Harold bago pa man mag-isip ng kung ano ang mga kaibigan. "May lakad kami ni papa mamaya."

Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon